THE BLUE DOT
UNKNOWN POV
Location: Rooftop ng isang abandoned building. 3:17 AM.
Nakaupo si Ethan sa edge ng rooftop. Nagda-drawing ng isang bahay sa sketchpad niya. Pero walang pinto. Walang bintana. Parang kulungan. May malamig na kape sa kanyang tabi.
"Sabi nila magaling daw akong architect. Pero bakit lahat ng dina-drawing ko... mukhang hindi tinitirhan?" Bulong nito kawalan habang pinupunit yung mga page. Tanging hangin lang ang sumasalo nito.
Biglang sumulpot ang babae Sa tabi ni Ethan. May dalang spray paint at sketchbook. Naka-hoodie ito at mukhang galing sa iyak. "Bawal magtapon ng basura dito, Architect."
Tinignan lang siya ni Ethan.
"Pero kung emosyon 'yan... sige, itapon mo."Turo sa papel na hinahagis ni Ethan.
Gulat na sinira ni Ethan ang kanyang sketchpad.
"Paano mo nalaman—" Tumingin si Ethan kay Ava at napansin niya na maga ang mga mata nito. "Nevermind. Do I know you?".
Umiling lang si Ava. Kinuha yung malamig na kape ni Ethan. Ininom kahit hindi nagpaalam.
"No. And wag mo na ako kilalanin." Umiwas ito ng tingin. "Mas madali magsabi ng totoo sa stranger. Walang history na sisirain."
Huminga muna ng malalim si Ava at nagsalita.
"Pagod na pagod na akong magpinta ng masasayang kulay... para sa ibang tao."
Wasak pero walang luha. Tahimik lang si Ethan at kinuha yung spray paint ni Ava.
"Anong kulay ng pagod?".
Kinuha rin ni Ava yung spray paint. Nag-spray ng isang maliit na tuldok sa pader. *Blue.*
"Yan." Turo niya sa tuldok na blue at tumayo ito, handa nang umalis. Pero bago ito naglakad palayo. "Thanks sa kape, kahit malamig na. At sana makahanap ka na ng bahay na may pinto, Architect. Para makalabas ka naman."
Naiwan si Ethan na gulong-gulo ang isipan habang nakatingin sa isang dot na blue. Maliit, pero ang lakas ng dating.
"Ethan:"Bulong sa kawalan."Sino ka...?"