KABANATA SEVEN

2066 Words
Kabanata 7 Kahit ano paman ang gagawin kong paghingi ng tawad kay Steffan ay tapos ko na siyang nasuntok. Aaminin kong nakonsensya ako sa ginawa ko ngunit nagawa ko lang naman iyon dahil sa inis sa kanya. Ang akala ko ay iniwan niya talaga ako. Napahiya man ay nagawa ko ring makahuma sa aking ginawa. Ngayon ay sinamahan ko siya sa kanyang office para malinisan ang natamo nitong sugat sa aking kamao. "Ako na ang maglilinis, just tell me kung masakit ba or hindi." Ani ko sa kanya habang nilalagyan ng alcohol ang cotton balls. "Hey, don't put that on my wound." Bilin niya sa akin. "Alam ko iyon, ilapit mo ang mukha mo sa akin." Utos ko sa kanya. "Here." Muntik na akong mahulog sa aking kinauupuan nang halos mahalikan na niya ako. Nananadya talaga ang lalaking ito! "Baka gusto mo sa kabila ay susuntukin ko rin." Banta ko rito. "You're brutal. Ikaw pa nga tong may kasalanan tapos susuntukin mo na naman ako?" "Eh, muntikan mo na akong halikan. Ano nag magagawa ko?" "What? Ang sabi mo ila--." Pinutol ko siya. "Just shut up your mouth dahil magsisimula na ako." Ani ko at nilinisan ko muna ang paligid ng sugat niya. Hindi naman gaano kalaki ang sugat, namamaga nga lang ito. Habang nililinisan ko siya ay pasimple kong tinitingnan ang kanyang mga mata. Nakatitig siya sa akin kaya medyo naiilang ako. "Close your eyes." Utos ko sa kanya. Hindi ako makapag-concentrate. "What?" "Sabi ko ipikit mo ang mga mata mo." "But why?" Naguguluhan siya kaya inilayo ni Steffan ng bahagya ang kanyang mukha. "Diko gusto ang tingin mo." Napabuntong hininga siya sa harapan ko kaya naamoy ko ang mabango niyang hininga. Napalunok ako ng laway ng kakaiba iyon sa aking pakiramdam. Mabango at napaka-refreshing. "Minsan iniisip ko na baka na-fall ka na sa akin." Aniya at ipinikit ang mga mata. "Asa ka pa." Idiniin ko ang bulak sa sugat niya. "Ouch!" "Ay sorry, ikaw kasi ang likot mo." Gusto kong matawa ngunit nagpipigil lang ako "What? Puwede ayusin mo na 'yan dahil may operation pa ako." "Yes, doc." Dami nitong ganap! Ito na nga ang tinutulungan. Walang imik kong tinapos na ang paglinis sa kanyang sugat. Tumayo na ako para makapunta sa room ni Angel. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang magsalita si Steffan. "Are you not going to ask me kung ano ang ginagawa ko sa CR?" Ngumiti siya ng nakakaloko. Alam ko kung ano ang ipinapahiwatig niya! Bwesit talaga! "Bastos!" Galit kong wika at lumabas. Ibinalibag ko pasara ang pinto ng kanyang office at nagmamadaling naglakad. Habang binabaybay ko ang pasilyo patungong room ni Angel ay naitanong ko sa aking isipan kung malaki ba ang kay Steffan. Tangna, para akong kinikilig sa aking pantasya. "Diyos ko Veronica, magpantasya ka sa ibang lalaki huwag lang sa doktor na iyon." Wika ko sa akong sarili. Nang nasa harap na ako ng room ni Angel ay kumatok muna ako sa pinto bago binuksan ito. Naabutan ko sina Kuya Douglas, Tito Andrew, Tita Vanessa pati na ang pamilya ni Angel at ang dalawang bata. Nahihiya man ay hindi na ako lumabas. Gusto ko ring marinig ang mga pag-uusapan ng mga ito. "Kumusta si Steffan, Veronica?" Si Kuya Douglas ang nagtanong. "Okey na siya, Kuya." Tipid akong ngumiti at tumabi kay Tita Vanessa. Tiningnan ko ang dalawang tao na katabi ni Angel, ito yata ang Mama at Papa niya. Ngumiti ako sa mga ito, "magandang araw po sainyo." Bati ko sa dalawa. Sina Cedrix at Steffan at tahimik lang ang mga ito. Mukhang naiintindihan ng dalawang bata ang sitwasyon ngayon. "Tita, late na ba ako sa talk show?" Bulong na tanong ko kay Tita Vanessa. "Oo, masiyado kang matagal sa office ni Steffan." Napabuga ako ng hangin. Bwesit kasi ang Steffan na iyon, kakarating ko lang kahapon tapos heto bwesit na bwesit parin. Mali yatang nagpunta ako rito. "Maliwanag na ang lahat, pakakasalan mo si Angel, Douglas para sa dalawang bata." Si Tito Andrew ang nagsalita. Palipat-lipat lang ako ng tingin kina Kuya Douglas at Angel. Mukhang masaya naman ang mga ito sa usaping pagpapakasal. Wala na naman sigurong tutol sa mga ito kaya anumang araw o panahon ay maaring silang magpakasal. "Hihintayin po muna namin matapos ang board exam ni Angel tiyaka kami magpapakasal." Si Kuya Douglas ang nagsalita. Punong-puno ng pagmamahal na tiningnan nito si Angel. Napangiti ako sa dalawa, mapapasana all ka nalang sa dalawang ito! Natapos ang buong usapan na wala man lang akong gaanong naintindihan. Paano'y nagku-kwentuhan lang mga ito at hindi naman ako intresado. Minabuti kong lumapit kay Angel para ito ang makausap ko. "Kumusta ka na, Angel?" Tanong ko sa kanya. "Hay." Napabuntong hininga siya, "okey na ako, at thanks God wala na akong ibang iisipin pa." Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang saya. Masaya ako para sa kanya dahil sa wakas ay magkakatuluyan sila ni Kuya Douglas. Sobra akong nagpapasalamat dahil dumating siya sa aming buhay. At binigyan niya ng bagong pag-asa si Kuya. "Teka, nasabi sa akin ni Douglas na sinuntok mo raw si Steffan kanina?" Nainguso ko ang aking labi, "yeah, right. Nakakabwesit ang lalaking iyon." Iniiisip ko palang siya ay kumukulo na ang aking dugo. "Alam mo mabait si Steffan. Subukan mo siyang kilalanin ng maigi." "Ay naku, kinikilabutan ako sa sinasabi mo Angel. Wala na akong balak kumausap sa lalaking iyon. Sobrang hambog at punong-puno ng kamanyakan." "Haha." Natawa siya, "naku, hindi naman ganoon si Steffan bakit kaya?" "Ha?" Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig nitong sabihin na sa akin lang nagkakaganoon si Steffan? "Sinasabi mo bang sinasadya niyang bwesitin ako?" Tumango siya, "parang ganoon na nga, Veronica. Oh baka type ka niya?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Diyos ko, huwag naman sanang magdilang anghel ang gagang ito. I cannot imagine na siya ang magiging ama ng mga anak ko. "Kinikilabutan ako, Angel, alam mo ba iyon?" Hinaplos ko pa ang aking dalawang braso. "Ayy sos, maganda ka at gwapo si Steffan. Bagay kaya kayong dalawa. At isa pa, sobrang bait ni Steffan. Hindi mo pa siya nakikilala ng lubos." "Hay naku, baka nga hindi ko pa siya nakikilala ng maayos ngunit wala na akong balak noh. He's not my type." Mataray na wika ko kay Angel. Asa pa ang lalaking iyon na magugustuhan ko. Unang kita palang namin ay bad moves na siya sa akin. At isa pa wala pa sa isip ko ang magkanobyo no. Mas maigi kung career ko muna ang aking pagtutuunan ng pansin. "Bahala ka nga, pero malakas talaga ang kutob ko na kayo ang magkakatuluyan." Napangiwi lang ako sa sinabi ni Angel. Marami pa itong sinasabi tungkol kay Steffan at tango lang ako ng tango sa kanya para hindi ko naman ma-offend. But honestly hindi ko nakikita si Steffan na maging boyfriend ko. Una, sobrang brusko, pangalawa ang manyak ng gago at pangatlo? Speaking of the devil. Dumating lang naman siya at hindi man lang kumatok. Bitbit nito ang libro ni Kuya Douglas na kinuha niya kanina sa condo. "Hi po sainyo." Bati niya at ngumiti ito ng napakatamis. "Plastik." Mahinang sambit ko. "Ano ka ba, baka marinig ka." Saway ni Angel. Diko alam na narinig pala niya. "Doc Steffan, ngayong araw ba ang operation mo?" Si Kuya Douglas ang nagtanong. "Oo, isasauli ko na sana tong libro na hiniram ko." Aniya ngunit sa akin siya nakatingin. Bigla kong naaalala ang nangyari kanina. Kaagad akong pinamulahan ng mukha. Ang bastos na doktor ang unang lalaking nakakita sa buo kong katawan! Mahinang hinablot ni Angel ang damit ko na tila ba'y kinikilig ito nang tingnan ako ni Steffan. Inirapan ko lang siya ay hindi pinansin. "Salamat, ha...paano mauna na ako sainyo… Angel." Bumaling pa ito sa amin. Ang buong akala ko ay babanggitin niya ang pangalan ko. Nagpapasalamat ako at hindi naman! Nakikipagkwentuhan ulit ako kay Angel nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Homer. "Sandali lang, ha. Sasagutin ko muna si Homer." Ani ko kay Angel. "Sige, take your time." Tumango ako at mabilis na tumayo para lumabas sa room. Hindi ko alam kung ano ang sadya ni Homer baka magyaya na naman ito papuntang mall. "Hello Homer." Ani ko sa aking kapatid na nasa kabilang linya. "Hey!" Masigla nitong bati, "saan ka ngayon?" "Nandito sa ospital." Sumandal ako sa pader para hindi ako mangawit sa kakatayo. "Okey, may maganda akong balita saiyo, Veronica." "Talaga?" Pasimple lang akong ngumiti, Diyos ko baka audition na naman iyon. "Oo, remember kahapon sa audition mo? Kinunan ka ng video ni Barbie. May kaibigan siyang director na nasa kabilang network. Ang sabi ni Barbie gusto ka raw ng director na mag-audition." Ngayon ay lumawak ang aking ngiti sa sinabi ni Homer. Excited ako pero at the same time kinakabahan, baka mauwi na naman sa bokya nito. "Anong role daw? Ayoko nang mag-mukhang tanga sa harap ng iba." Kahit papaano ay may natutunan din akong leksyon sa aking ginawa! "Kailangan huwag mo itong palampasin. Pelikula ito and take note about sa hascienda thing ang role ng babae. I'm sure this time ay makukuha mo ito." Mas lalo pa akong kinabahan. s**t, edge ko nga iyon dahil sanay ako sa buhay hascienda kung pangangabayo lang ang pag-uusapan ay sanay na sanay ako roon! "Kailan ba ang audition?" "Kaya mo ba?" Paniniguradong tanong ni Homer. "Oo, naman…lahat gagawin ko no." Ani ko. "Bukas ng umaga ang audition. Kasi tatapatan nito ang pelikula na nauna mo nang na-auditionan." "Ha?" Jusmiyo baka maulit na naman ito nong una! "Oo acutally, may bida na rin silang nakuha, eh. Ang role mo kaibigan ng bida. Kumbaga isa kang yaya." "Ha?" Ngayon ay nawawalan na ako ng gana. May pasabi pa itong hascienda 'yon pala katulong lang ang ganap ko! "Ano? Kung ayaw mo hindi kita ipapalista para sa audition bukas." Sandali akong nag-isip. Baka hindi na naman ako matanggap dahil ang kagandahan ko ay hindi naman pangkatulong! "Sigurado ka ba diyan, Homer?" Hindi na ako sigurado. Umuurong ang kompyansa ko dahil sa role! "Bakit ako ngayo ang tinatanong mo? Alam mo dapat mong tanungin ang sarili mo, hindi ako ang a-acting kundi ikaw. Kung nahihirapan ka sa role edi huwag nalang." Tama ang kapatid ko. Haist, bahala na, baka this tima ang matatanggap na naman siguro ako! "Sige na nga, pero samahan mo ako bukas ha. Hindi ko pa kabisado ang buong ka-Maynilaan noh." Giit ko sa aking kapatid. "Oo naman, number one fan mo kaya ako." "Ayy, sos, sige na. Bye, mag-ingat ka." Sobrang lawak ng ngiti ko nang pinatay ko na ang tawag. Mabuti nalang talaga at magkasama kami ngayon ni Homer. Siya ngayon ang pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob. Pagpasok ko sa loob ay minabuti kong magpaalam na sa kanila. Kailangan ko pang maghanda para bukas at sisiguraduhin kong matatanggap ako sa role. Sa tingin ko'y hindi iyon mahirap para sa akin. Nasa baba na ako ng ospital nang makasalubong ko ang impakta. Ang buong akala ko ay nagbago na ito at napagsabihan na ngunit hindi pa pala. Tinaasan niya ako ng kilay! "Well, hindi na kita papatulan pa, hindi kita ka-level." Patawarin ako ng Diyos sa sinabi ko. Alam kong below the built na ako ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko sa babaeng ito. "Alam mo bang naniniwala ako sa karma?" Maldita niyang wika sa akin. At mas humakbang pa ito palapit. "Ako rin naniniwala ako sa karma pero bago paman ako karmahin sinisigurado ko saiyo na may kalalagyan ka." Matigas kong wika. Akala siguro nito ay matatakot ako, "I can buy your head." Pagbabanta ko. Bigla nalang itong napaatras at tinalikuran ako, "takot naman pala." Pilya akong ngumiti. "Ang brutal mo talaga, ano?" Mabilis akong napalingon sa aking likuran nang may pamilyar na boses na nagsalita. Napabuntong hininga ako and I rolled my eyes. Nandidito na naman ang antipatikong bwesit na doktor! Akala ko ba ay may operasyon ito! "f**k off." Inis kong bulyaw sa kanya ngunit hindi siya nagpatinag. "Baka gusto mo ng isa pang suntok?" "Hey, easy…alam mo mas lalo kang gumaganda kapag galit." "What?" Kumindat siya sa akin at ngumiti bigla. Napalunok ako ng laway sa kanyang ginawa! -ATHAPOS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD