Kabanata 13 "What? No!" Mabilis kong tanggi. Kahit kailan ay wala nasagi sa isip ko ang makipag-date sa gagong ito! "So ano ang ibig sabihin nito, Veronica?" Iniharap ni Homer ang cellphone. Napasinghap ako nang mga convo namin iyon ni Steffan sa comment section ng kanyang photo. Masama kong tiningnan si Steffan ngunit kinindatan niya lang ako. "It's nothing, inaaway ko lang siya dahil sobra akong naiinis sa kanya." Iyon naman kasi ang dahilan kung bakit ako nag-comment sa kanyang picture. Hindi ko inakala na ganoon ang kanyang reply. "Is it true, Steffan?" "Hmm..." Tumingin siya sa akin, " It's true." Aniya at ngumiti, "it is true that we kissed each other." Dagdag niya na ipinanlaki ng aking mga mata. "What the..." Pinamulahan ako ng mukha, "wag kang maniwala sa kanya, Homer. Nagsi

