Kabanata 15 Laking pasasalamat ko nang sa wakas ay nakalagpas na kami sa traffic. Isa lang ang natutunan ko ngayon. Ang gumising ng sobrang aga upang makauna kay Homer na sobrang bagal maligo! Pagdating namin sa mansyon at may ambulansya sa labas. Kumunot ang noo ko. Wala naman sa script ang may ma-aksidente. Gayon paman ay hindi ko nalang binalingan. "Hindi ba kayo bababa?" Tanong ko sa dalawa baka gusto nilang makita kami roon. "Hindi na. Ihahatid ko pa itong si Peter sa branch ng business ni Tito." Si Homer ang sumagot. "Okey." Isa-isa akong yumakap sa kanila. "Galingan mo ate." Malawak ang ngiti ni Peter. "Ay sos, kunwari ka pa. Baka si Alexa ang gusto mong i-cheer." Ani ko na nagpapula sa pisngi ng aming pinsan. "Tama na iyan Veronica. Late ka na." Si Homer. "Oo nga pala.

