Kabanata 17 Pagkatapos naming magmeryenda ni Steffan ay nagpaalam na muna siyang lumabas upang makipaglaro sa mga bata. Ako naman ay naiwan upang sa pagbili ng paintings. Si Sister Ann ang umasikaso sa akin ang may katandaan na madre. Sobrang bait niya sa akin at lahat ng painting ay binigyan niya ako ng meaning doon. Halos maging emosyonal na nga ako dahil lahat ng painting na ginawa ng mga bata ay galing pa sa kanilang mga karanasan. Nakaklungkot dahil mayroon talagang mga taong naghihirap ngayon. Ipinapasalamat ko nalang na lumaki ako sa maayos na pamilya at nakakain pa nga ng sobra. “Alam mo mabait na bata ‘yan si Steffan. Noong bago pa siya rito as volunteer ay katulad mo rin siya napakamahiyain ngunit habang tumatagal ay unti-unti naman siyang nakikilala. Isa siya sa mga dahilan

