Kinabukasan ay nagising si Tiffa na mag-isa na lamang siya sa higaan. Ang kaniyang sinuot na damit kagabi ay tuyo na at maayos na nakatiklop sa paanan ng kama. Sa tingin niya ay nalabhan na ang mga ito, Nilabhan ang mga ito ni Archer dahil mabango at malambot. Hinanap niya si Archer sa kabuuan ng bahay ngunit wala ito at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Alas siyete palang naman ng umaga ng mga oras na iyon. Sa pag-aakalang marahil si Archer ay nagising nang maaga para sa trabaho o ibang gawain, agad na nagpunta si Tiffa sa kusina upang magluto ng almusal. Nakita niyang nakalatag sa mesa ang isang liham na may nakasulat na "Miss" Hindi niya alam kung kailan ito iniwan ni Archer, pero agad niyang binuksan at binasa. Miss, I just want to tell you that there was a sudden work emerg

