Pagpasok pa lang ni Tiffa sa conference room ay nagulat na siya sa kaniyang nakita. Ang asawang si Archer ay naroroon kausap si Atty. Del Mundo. Nagtataka siya kung bakit ito naroon ng mga sandaling iyon. "Oh, Miss Tiffa, good afternoon. I'm glad you're already here." Sinalubong siya ng pagbati ng kanilang abogado. "Good afternoon, Attorney," ganting bati niya. Binigyan niya ng nagtatanong na tingin ang abogado at pagkatapos ay ibinaling niya ang mga mata kay Archer. Sa gulat niya ay nginitian siya nito. Ito ang unang pagkakataon na ngumiti ito sa kaniya matapaos nilang ikasal. Walang nagsalita sino man sa dalawa para magpaliwanag sa kaniya. Naupo na ang lahat sa kani-kaniyang upuan maliban kay Atty. Del Munto na natiling nakatayo sa harapan. "Today, with the esteemed presence of Ms.

