"Why didn't you ask Papa? Kung ayaw mo naman pala ng Agriculture?" tanong ko kay Efa, alam ko kasing gusto niyang mag-aral tulad ng kurso ni Mama. Of course she needs to take the program that would prepare her for law school, she can still pursue law after taking Agriculture, but Political Science can also be a good choice.
"Dahil ang nag-iisang anak niya hindi agriculture ang kukunin." Nag-make face si Efa para mas lalo niyang mapin point ang sinabi.
"You may take what you desire Efa and that does not mean I am going to be pabaya to our business even if I'm going to take a different program that's far from agriculture, naging malaking factor ito para mabuhay ako rito sa mundo ng maayos no kaya ba't ko papabayaan?"
"Whoa! Getting mature at your seventeenth, huh?"
"I'm eighteen na kaya... so, I am dalaga na, you know, so, you better watch out, baka wala ng matirang lalaki para sayo kasi lahat sila nagkagusto na sa akin!" I said proudly.
I'm currently designing a dress on my iPod Pro drawing tablet.
"Wow! Pakapal nang pakapal ang mukha mo habang nadadagdagan edad mo pero 'yong utak mo di makapagbilang ng basic math." Nakatawang sabi nito, kaya napapairap na lang ako kung paano niya ako insultuhin.
"Korean age kasi. And don't start with my age Efa. I am sexier than you." Tinarayan ko siya.
Napanganga siya kapag gagantihan ko siya ng ganitong pagyayabang.
"You are so full of yourself! Napakayabang talaga!" sabi nito kaya natawa ako, ipinakita ko pa sa kanya ang paghulma ko sa aking katawan, tinaasan siya ng kilay para mas lalo siyang maasar.
"You are sexy naman Efa, stop mentioning my age because my body will not justify it." Humalakhak na ako.
"Hindi ka na gaanong feelingera no? Naging pro lang!" Tumatawang sabi niya, tama siya ako pa rin iyong batang mataas ang tingin sa sarili. Nature ko na.
Being a girl who received too much praise? I think negative criticism is not an issue for me anymore.
Am I still human when I do not get any painful remarks about my physical appearance? Huh! Confidence level!
Kahit 'yong mga babaeng galit sa akin hindi masabing mas maganda sila sa akin dahil kasinungalingan iyon.
"Whatever Efa... you can't call me feelingera when the truth has been visually stated," saad ko.
Nagsishade na ako sa aking disenyo, wala akong magandang naiisip na disenyo ngayon kaya kung ano-ano lang ang naiguguhit ko.
"There's Political science in your university, may AB Lit or AB Phil, p'wede ka rin namang kumuha ng Masscomm ah?" Pagpatuloy ko sa aking suhestiyon.
Pangalawang taon niya pa sa Agriculture at nakikita kong hindi niya na kailangang pag-aralan iyon dahil kaya namang ituro ni Papa iyon sa kanya, kung balak niyang mag-manage sa negosyo sana'y business program ang kinuha niya.
"Who told you that I am taking law?" Pumalumbabang tanong nito.
"Bakit hindi ba?" tanong ko, natigil na ako sa'king ginagawa nang marinig iyon.
"I'm taking business management next semester," sabi nito, napanguso ako, tumama ang iniisip ko kanina lang.
"That's good," sabi ko na sinasabaya nang pagtango.
Ang aking ama ay isang negosyante at may maliit kaming taniman na nakapalibot sa bungalow na bahay namin.
Hindi naman kami sobrang mayaman tulad ng mga kilalang mayayaman sa lugar namin. We were once considered "extremely wealthy," coming from old money, but over time, our fortune dwindled—leaving mostly just our lineage behind. There aren't many Merovene relatives I know of. My mother is a lawyer, and now she serves as Vice Mayor here in our town.
Iyong ektaryang tabacoo, coconut at coffee plantation namin na halos dekada na bumuhay sa amin ay nadagdagan na ng pineapple plantation. At halos taniman ata namin ang buong Marcellano kaya masasabi kong kaya naman siguro sumabay ng negosyo namin sa mga Luzares, Juasensio o Jalandon kahit papaano.
Coffee farm at pineapple plantation na ngayon ang main na pinakakakitaan namin tapos ibinibenta iyong dahon ng pinya sa mga Kingsman para gawing tela, sila ng mga Juasensio ang may malaking fabric manufacturing sa bansa. Kingsman mainly imports wool from their incorporation in Texas.
I'm a b***h, and Efa is a- well, an Angel. And with her small angelic face, full lips, and creamy skin tone, I can say she's got a fresh face to be the next queen at Centro Philiscua San Carlos University, the University beside San Roque High School, kung saan ako nag-aral ng High School. Sa biglang tingin she looked like 'Jac Jagaciak without the gap in the teeth in a print ad'.
I'm a freshmen at La Consolacion College Bacolod studying Bachelor of Fine Arts major in Fashion Design, and she's a sophomore in Centro Philiscua San Carlos University.
Every weekend, I always hang around Ygen, who really loves guns. And just as today we are in a shooting range activity.
He's currently holding a pistol, while I'm kind of bored looking at his back. Ygen's exceptionally tall at seventeen with a good built. Nakakatitig lang ako sa likuran nito nabibingi ako sa putok ng mga baril kahit may earmuffs ako.
"Baby, you can try," yaya ni Ygen na malawak ang ngisi, siguro'y tinadtad na naman ang bull's eyea ang kanyang target.
"Thank you, but no. Baka ikaw pa mabaril ko." Umiirap kong sagot.
Ngumisi ito. "Alam ko kung saan ka mabubuhayan," sabi nitong tumatawa.
True to his words, he brought me to the speedway San Carlos just beside his shooting activity club. That's why I always love going out with him on weekends because he is an active guy.
Despite the countryside feel of San Carlos, there was an 'Upper East' downtown district near Bacolod that shows an image of a city with tall buildings and activity clubs such as auto racing. Bacolod is an hour drive from San Carlitos but I never get tired with the ride because I always enjoy Ygen's company.
"Ang tagal mo kasi mamaril Ygen ayan tuloy di ako nakapusta! Kanina pa siguro nagsimula to!" Nagpapadyak ako pababa sa hagdan ng bleachers dahil nagsisimula na ang auto racing, siguro'y ilang circuit na ang naikot nila at may mananalo ayon sa sigawan ng mga tao lalo na ang tili ng mga babae.
Inikot ko ang mata ko sa labing siyam na Formula One cars ngunit sa tingin ko'y nangunguna iyong kulay asul na F1.
Tuluyan na na kaming nakababa sa bleachers. Sakto ring nagsigawan at nagtayuan lahat.
Napairap ako sa mas lumakas na tili ng mga babae.
I settled my eyes over the winner drifting his damn— handsome McLaren Formula One car unto haul. The crowd started growling like madmen when a tall guy came out.
He's really tall despite the fence that covers the bleacher and our distance. I can even see the yummy bulk of his butt.
He'd probably be my bet only if we arrive a little earlier.
My surroundings were too loud but it stalled silent as he removed his helmet off and smiled.
"De puta, sabi na nga ba si Hercules yan eh. Damn, walang kupas," komento ni Ygen kaya nagising ako sa pagkakatulala ko. Kanina pa siguro nagsasalita to.
"Herc... Hercules who?"
"Si Hercules 'yong galing Bacolod lumipat sa atin, diba nagkita kayo nong naglayas ka nong birthday ko last year? 'Di ko alam kung ano dahilan but s**t! He is still good huh?" Ygen continued.
Natulala ako. I'm not into western looking dude, Ygen is I think the only foreign looking guy I liked. I like Moreno men.
But...
I couldn't deny that his visuals look like a God's masterpiece. And hell! The first time I saw him was he had darker hair, but now that his hair is illuminated by the sun's rays, I can see the ginger color.
Nope, not my type. Not really my type.
Nah!
But damn, I reminded myself to never look at him again. I might faint.
"Ygen, ipakilala mo naman ako d'yan." Niyuyugyog ko si Ygen sa braso para ipakilala sa guwapong lalaking anak ng isang businessman galing Manila, ang pagkakaalam ko'y modelo din ito.
"Stop it Kia, p'wede ba nasa formal gathering tayo, hindi pa ba ako sapat sayo?" pangangasar niya.
Inirapan ko siya, hindi na ako inis sa kanya dahil hiwalay na sila ni Phenoe, and in all fairness umabot and relasyon nila ng halos isang taon, at iba na ngayon ang girlfriend niya.
"Oh, my handsome ex, give me my love life and I am giving yours." Pagdadramang sabi nito.
Tinarayan ko siya.
Maybe this is what we'll always be, close friends, closer than my girl friends. My relationship with him is the closest one to Efa.
Umiling-iling ito. Later, I'll introduce you to him."
Napangisi ako sa sinabi niya, inusog ko ang upuan namin at sumandig ako nang bahagya sa braso nito.
"We can go to the veranda, you know," sabi kong may pagkibit ng balikat.
"Sandali lang," may narinig akong inis sa baritono niyang boses kaya napaangat ang ulo ko nang sundan ko ng tingin ang tinitingnan niya.
A gorgeous girl in her sequined mermaid dress is dancing with someone.
Isang special gathering itong dinaluhan namin. Isang formal party para sa mga pamilya ng mga negosyante na nagseselebra sa bagong tayong bio-power site plant ng mga Kingsman, napakarami pala talagang negosyante sa bansa, iyong iba pa nga ay taga-Maynila pa.
Iyong mga kompanyang may bio-power development na nais din kunin ng taga-ibang lugar ay nandirito.
Socializing to earn leverage—that's how businesses work; you get to tame wild ones in order to build an empire, and for you to do that, you've got to take all those influential and powerful people to raise yours and make them your powerful and indestructible tentacles.
"Your new girl, huh? Hiwalay na pala kayo nong bagong girlfriend mo last month?" tanong kong nakangisi.
Ygens' the tallest and biggest guy I know at the age of seventeen. Kaya siya iyong pinakauna at napili kong sagutin noon, because he could beat a twenty-year-old guy in terms of physicality. Ygen was my first boyfriend, the rest boys I've entertained were just my textmates and suitors.
But there are really moments when Ygen is so immature and playful; nabawasan na nga lang iyong bigla siyang manghahalik sa ulo ko, probably because of the girl that's catching his attention right now.
"Not my type." Nagkibit ito ng balikat matapos sabihin iyon.
Natawa ako sa paggiging defensive niya.
He's obviously smitten by the girl; that is not Ygen.
"And that's also new; can we play a bet on her then?" pangangasar ko.
Napatingin siya sa'kin, halos mag-abot na ang mga ilong namin dahil sa sobrang lapit.
"Kilala ka niya?" Nagtaas ako ng kilay.
"I don't wanna play Kia." Inalis niya ang braso sa akin kaya nagulat ako kung paano siya nagreak ngayon nang sinabi kong pagpupustaan namin ang babae.
Nakakagulat na ang bilis atang uminit ng ulo niya dahil lang sa may ibang kasama iyong babae. I knew it!
"We used to do that; what's wrong?" hamon ko para mas lalo kong makita ang reaksiyon niya.
"Well, I am not in the mood," sabi niya.
Kinuha niya iyong flute sa mesa namin at tumayo na pero hinawakan ko ang braso niya.
"Boyfriend niya?" seryoso kong tanong.
"I don't know."
Mukhang naiirita siya sa kanyang nakikita ngayon, napapataas ang mga kilay ko habang tinititigan ang mga reaksiyon niya.
"Alamin mo, you are not Ygen if you just sit here," seryoso kong sabi.
Dahil hindi na si Phenoe ang babae natitipuhan niya, susuportahan ko siya, mayroon lang konting sakit ngunit mas maiging manatili kaming magkaibigan, mas malapit kami at mas magtatagal iyon.
Hah! I hate fake bitches, and Phenoe is one of it, using 'it' is for animals; I don't want to be harsh, so I gotta rephrase... She is a b***h.
Uncrowning me is not the issue. Anyway, that was the last pageant I'm going to be participating in. I'm focused on earning money.
I was twelve when I realized how important money is. That's how swiftly a life can turn my world upside down, and every penny I earn is essential.
Maliit ang paglabas ng ngisi ni Ygen at umiling. "You don't love me anymore, huh? Pinamimigay mo na lang ako sa iba," biro niya, natawa na lang ako.
"I still love you; that's why I am supporting you, duh!" Humalukipkip ako at dinilatan siya ng mata.
"Gusto mo lang na ipakilala kita sa lalaking 'yon eh," pangangasar niya.
"You told me, you'd introduce me to him later." Napalabi ako.
"I'm sorry,baby, I don't want to see you flirt tonight," bulong niya sa tenga ko kaya nawala ngisi ko.
"How could you- Hey! Ygen!" Mabilis ang paglakad niya palayo sa puwesto ko, ang daya niya, lalandi siya at sinuportahan ko siya tapos ganito ang gagawin niya!
Dahil abala ang magulang ko sa pakikipag-usap sa ibang mga negosyante, wala na akong ibang katabi dahil abala na sa pakikipagsalamuha, paano naman ako?
Dapat talaga sumama si Efa e. Ang KJ talaga ng babae na 'yon, paano siya mananalo sa pageant nila kung mahiyain siya?
"Nakakainis," maktol ko.
Mga tatlong beses ko na atang sinabi iyon habang papunta ako sa veranda at tinusuk-tusok ng daliri ko ang dalawang sweets, hindi ko naman kakainin, paglalaruan lang.
I'm not even allowed to drink wine, dahil kahit medyo malayo ang magulang ko ay alam nila kung iinom ako.
"Boring."
Mas binilisan ko pa ang pag-mumurder ng diamond fruitcake.
Kaya noong may dumaang waiter sa b****a ng veranda, hindi ko na napigilan ang sarili kong kumuha, pasimple kong hinanap ang magulang ko, at maligaya pa rin sila sa kausap nila.
"Wait... I'll take two." Nginitian ko siya, nagtaka pa ito, pero tinalikuran ko na siya.
Bumalik ako sa barikada kung saan ko iniwan ang diamond fruitcake na wasak na ngayon.
I sipped the red wine while I faced the entirety of the wide green field outside this clubhouse.
I was in my most prim and demure attitude, like a Queen looking around her possessions, when a 'dodo-dum dum' bee flew off before me and destroyed my demure life!
Sa gulat at takot ko'y napaatras ako nang wala sa aking kontrol kaya natapilok ako at napaupo, nadala ang dinurog kong fruitcake at natapon sa dress ko, ang hawak kong wine ay binasa ang aking magandang mukha.
Napatili ako, pero sana hindi na lang iyon lumabas sa bibig ko, ayaw kong may makakita sa aking kahihiyan ngayon, pa'no na lang kung iyong crush ko ang makakita sakin ng ganito?
Ilang segundo akong nag-inda ng sakit sa aking pang-upo at sa pag-inda rin ng aking pride.
Ako lang mag-isa rito at busy ang lahat, walang nakakita, wala... walang nakakita.
Dahan kong nilingon ang kaliwang ulo ko para tignan ang mga tao sa loob.
"Oh thank God..." Napabuntong-hininga ako dahil wala ngang nakakita sa akin.
"Time to get up, fruitcake."
Parang gusto kong i-lock ang panga ko 'forever' nang makarinig ako ng boses sa kanan ko, ayaw kong ipakita ang mukha ko pero sa boses niya ngayon, alam kong nasa gilid ko na siya.