Chapter 11
Tumayo ako sa aking kina uupuan at iniwan ang mga bulaklak sa terrace nilingon ko muna ito bago tuluyang pumasok sa aking kwarto at nahiga sa aking kama, sumasakit ang ulo ko sa mag hapon na kakaisip sa lalaking hindi ko pa nakikita at hindi ko kilala at kung ano ang pakay niya sakin at bakit niya ito ginagawa.
Natapos na ang limang araw kong pahinga sa loob ng bahay at limang araw din na may nag papadala ng isang bouquet na tulip, hindi ko na inisip kung sino pa iyong nag papadala, inipon ko nalang lahat ng bulaklak at inilagay sa vase at hindi na muli nag isip pa tungkol sa bulaklak.
Kinabukasan ay tinitignan ko ang aking mukha sa salamin nag lagay ako ng liptint sa labi at konting powder sa mukha, tinignan ko narin ang aking uniform bago ako bumaba sa kusina at nag almusal. Nakita ko si mommy na paalis na ito kaya naman nang makita niya ako habang pababa siya ng hagdan ay kumaway nalang siya bago tumalikod at umalis. Kumakain na ako ng nilutong almusal ni mommy kinuha ko ang aking bag sa tabi ng aking upuan at dinukot ko doon ang phone ko para mag hanap ng grab na masasakyan patungong campus.
Nang matapos na akong kumain kinuha ko sa sampayan ang jacket ni alex na pinasuot niya sa akin inilagay ko ito sa paper bag para isoli, at ilang minuto lang ay dumating na ang grab na masasakyan ko. sumakay ako dito at nag pahatid na sa campus..
Pag baba ko ng sasakyan napansin ko ang daan medyo mabasa basa, ilang araw din kasing umuulan kahit wala namang bagyo, tumawid ako ng kalsada para maka pasok na sa campus at habang nag lalakad ako hindi ko napansin na may isang sasakyan na napaka bilis ng takbo nito nagulat nalang ako ng biglang may humagit sa aking braso at yumakap sa aking ulo dahilan ng aking pag katumba sa semento napa hawak ako sa leeg nito, nagulat ako nang mapansin kong nakayakap na itong lalaki sa akin.
Tiningala ko ang aking ulo para makita ko ang kanyang mukha nakasuot ito ng shade na black at hoodie jacket na gray at ang sombrero nito ay naka lagay sa kanyang ulo, tinitigan ko ang kanyang mukha, ang kanyang matangos na ilong, magandang jaw line at hugis ng mukha, napansin ko na parehas sila ng lalaking nakita ko sa labas ng reastaurant na bigla nalang nawala.
Nang mapansin ng lalaki ang malagkit na tingin ko sa kanya dahan dahan ito tumayo at iniabot niya sa akin ang isang kamay nito, inabot ko naman ang kamay niya at nang mahawakan ko na ang kanyang kamay napansin ko na napaka lambot nito. Tumayo ako dahan dahan at kasabay noon tumalikod na ang lalaki paalis pero nakaka ilang hakbang palang ito nang mag salita siya.
“Miss next time tignan mo ang dina raanan mo, hindi sa lahat ng oras nandiyan ang boyfriend mo para alalayan ka at ingatan.” He said then he walked out.
“Wala akong boyfriend!!” I shouted him, kaya huminto ito saglit at ilang minuto lang ay umalis din ito..
Napatingin nalang ako sa aking uniform bandang puwetan medyo naputikan ito kaya naman nag punta ako kaagad sa comfort room para punasan ng aking panyo, binasa ko ng kaunti ang panyo ko at ipinunas sa nadumihang bahagi ng uniform. Habang nililinis ko ang aking uniform na suot ko naisip ko ang lalaki kanina, mukhang suplado ito at mayabang, hindi manlang lumingon sa akin umalis nalang bigla tapos hindi manlang nag pakilala kaasar. Sabi ko nalang sa aking isip, tinignan ko ang aking buong katawan sa salamin at nakita ko ang uniform ko na lalong dumumi nang binasa ko, nakita ko ang paper bag na dala dala ko kinuha ko muna ang black jacket ni alex at isinuot iyon lagpas ng puwetan ko ang haba kaya naman natakpan ang maduming bahagi ng aking suot na uniform at pumasok na ako ng classroom.
“Crys!” Tawag sa akin ng best friend ko kaya tumingin ako sa kanya habang naka upo ako at nag susulat at siya naman ay papasok palang ng classroom namin. “Ghurl may recognition daw tayong mga business course at bukas na iyon.” Dagdag na sabi ni patricia na umupo na sa tabi ko.
“Ano? Bukas kaagad.” Gulat na sabi ko dito.
“Oo crys, ilang araw ka kasing hindi naka pasok diba? saka naka limutan kong sabihin sayo kasi lagi kong kasama si chester, alam mo na.” natatawang sabi niya sa akin.
“Ano daw attire? Kelangan bang naka gown?” walang buhay kong tanong sa aking kaibigan, kaya naman natawa ito.
“Crys, hindi ka naman agaw eksina niyan papasok ng entrance kung mag susuot ka ng gown?” Natatawang Sabi naman nito. “Saka alam ko naman na hindi ka nag susuot ng gown, kahit simpleng dress nga eh parang diring diri ka pa.” Dagdag pa niya.
“Eh, ano nga ang susuotin natin kailangan bang naka uniform?” tanong ko sa kanya.
“Nag suggest ako ng formal attire sa prof natin para hindi ka na lugi, simpleng dress lang, siguro naman kaya mong mag suot ng simpleng dress kesa naman sa bonggang bonggang gown diba?” Sabi naman niya.
“Okay, at anong oras naman iyon?” Tanong ko ulit dito.
“6pm daw ang start pero kailangan 5:30 sharp andoon na tayo para maaga.” Naka ngiting sabi niya, kaya tumango nalang ako sa kanya. “Sunduin ka namin bukas crys, para sabay sabay na tayo pumunta doon.” Dagdag pa niya, habang sinusulat ko ang limang araw na aralin na hindi ko napasukan. Nang matapos na ako sa pag susulat ay lumabas na kami para mag lunch break, naupo ako sa sulok ng canteen at inantay si patricia na maka order ng pagkain namin.
“Crys!” tawag ng aking kaibigan na dala dala ang isang tray ng pagkain habang papalapit ito sa akin, naupo siya sa aking tabi at sabay na kaming kumain. Nang may dumating na isang grupong lalaki at ang iingay, una kong nakita si miller kasunod si chester, at si alex naman ng makita ako na suot suot ko ang kanyang jacket ay ngumiti ito sa akin, huling dumating naman si JB.
“Okay na ba ang pakiramdam mo crys?” tanong ni alex nang makalapit na sila sa amin at umupo, tumango lang ako sa kanya. “Yan lang ang kinakain mo?” dagdag pa ni alex habang nakaturo sa kinakain kong pasta, napatingin ako sa kanya at tumango ulit, ilang minuto lang tumayo ito. “Wait lang bibilhan kita ng soup.” Sabi niya at umalis na, nakita ko naman si JB na nasa kabilang side ng upuan kaharap ko at nakatingin sa aking suot kumakain lang ito ng sandwich at coke in can. Nang matapos na siyang kumain ay tumayo na ito at nag paalam sa mga kaibigan niya, sa gilid ko ito dumaan at huminto ito at pagkatapos ay tumingin sa aking mukha.
“Hindi bagay sayo ang suot mong jacket!” Sabi nito at umalis na, nilingon ko siya at inirapan habang nag lalakad paalis.
"Ano bang problema mo!” sigaw ko sakanya sa di kalayuan alam kong sapat na iyon para marinig niya ang sinabi ko, gulat na napa tingin sa akin sila patricia.
“Crys! May kaaway ka ba?” tanong ng aking kaibigan na si patricia.
“Ah, wala naman sumakit lang ang ulo.” Sabi ko naman dito na tumango lang, saktong dumating naman si alex na may dala dalang soup at naupo sa harapan ng aking lamesa.
“Masakit ba ang ulo mo crys?” tanong ni alex kaagad sa akin. “Gusto mo bang dalhin na kita sa clinic.” Dagdag pa niya habang iniaabot sa akin ang soup na binili niya kaya naman umiling na ako kaagad. “Sigurado ka huh?” Sabi pa niya.
“Oo naman, saka naka inom na ako ng gamot.” Pag dadahilan ko sa kanya at tumango lang siya sa akin.
Natapos namin ang buong klase, naka sandal ako sa pinto ng sasakyan ni alex habang kaharap ito pinag uusapan namin ang tungkol sa recognition na gaganapin bukas at ang kaibigan ko naman na si patricia ay kausap si chester na nasa kabilang sasakyan naman ang mga ito at naka sandal din sa pinto ng sasakyan.
“Crys ano nga palang dress ang susuotin mo para bukas?” Tanong ni patricia kaya naman napatingin ako dito.
“Hindi ko pa alam eh, saka wala akong dress, pero ang alam ko maraming binibili sa akin si mommy na dress hahanapin ko pa.” sagot ko naman sa aking kaibigan.
“Okay sige, sunduin ka namin ni chester bukas.” Sabi naman niya, bigla namang lumingon at inubo kunwari si alex at nag salita ito.
“Guys, ako ata dapat sumundo sa kanya bukas eh, hindi kayo.” Natatawang sabi ni alex sa kanila kaya naman natawa narin si chester at patricia.
“Oo nga naman, So? dapat naba namin kayo ihatid ngayon? para naman makapag beauty rest kayong dalawa ni crys?” Sabi naman ni chester habang naka tingin ito sa mukha ni patricia, naramdaman kong dahan dahan hinawakan ni alex ang aking kamay, napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang ito at tumingin siya kila chester at patricia na nag uusap.
“Guys, mauna na kami ni crys, kailangan ko na siyang ihatid! alam niyo na kagagaling lang nito sa sakit.” Naka ngiting sabi niya sa dalawa at nag tawanan ang mga ito. “Baka mahamugan kasi.” Dagdag pa niya, nag simula na siyang mag lakad hawak hawak ang kamay ko, dinala niya ako sa harapan ng kotse niya at pinag buksan ng pinto, sumunod naman ako at naupo na sa loob at siya naman ay umikot para imaneho ang sarili niyang sasakyan.
“Bye guys! Bye pat.” Paalam ko sa aking kaibigan at umalis na kami ni alex, habang nag mamaneho si alex ng kanyang sasakyan ay parehas lang kaming walang imik, isinandal ko ang aking ulo sa pinto ng sasakyan at ang mga mata ko ay nakatangin sa labas ng bintana.
Ipinatong ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking bag na nasa kandungan ko. Naramdaman kong ipinatong ni alex ang isang kamay niya sa mga kamay ko at dahan dahan itong hinaplos, after that he interwined our hands and he kiss my hand. Napatingin ako sa kanya nakita kong seryoso itong nag mamaneho at ang mga tingin niya ay nasa kalsada, nang huminto ang sasakyan ay saka lang siya tumingin sa akin at ngumiti..
“Ano nga palang dress ang susuotin mo bukas?” He asked me.
“Hindi ko pa alam eh, bakit mo naman natanong?” tanong ko sa kanya.
“Gusto ko kasi match tayo ng kulay ng damit.” Sagot niya sa akin, then he smiled widely.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng bahay, bumaba ito ng sasakyan at sinundan ko lang siya ng tingin umikot ito sa aking tabi para pag buksan ako ng pinto, nang maka labas na ako ng sasakyan ay humarap ako sa kanya at nag paalam na dito, ilang hakbang palang ako ay narinig kong tinawag niya ang aking pangalan.
“Crys, wait lang.” tawag niya sa akin, then I turned to faced him.
“Uhm bakit?” I asked him.
“Pahiram ako ng phone mo.” He said while looking at me.
“Bakit naman?” takang tanong ko sa kanya.
“Kukunin ko ang number mo, at isasave ko naman ang number ko sa phone mo.” Sabi naman niya, kaya kinuha ko ang phone ko sa loob ng aking bag at ibinigay ito sa kanya. Nakita kong may idinial siyang number at tumunog naman ang phone niya, pag katapos niyang hiramin ang phone ko inabot niya ito sa akin.
“Naka save na number ko sa phone mo.” Sabi nito sa akin at nakita ko nga sa aking screen ng cellphone ang pangalan niya alex wetzel ang inilagay nito, pag katapos ay sumakay na ito sa kotse niya at umalis na..
Pag pasok ko ng bahay ay dumiretso na ako sa aking kwarto at nag palit na ng pambahay, nahiga ako sa aking kama at tinitignan ang phone ko. Pumunta ako sa phone book ko para makita ang mga numero na inilagay ni alex tinignan ko ng mabuti ang tatlong numero nito sa dulo kung mag katugma ang numero niya at numero ng nag message sa akin nong nakaraang araw, pero hindi mag katugma kaya naman inilagay ko nalang ang phone ko sa gilid ng aking kama.
Ilang saglit pa akong nag isip hanggang sa maalala ko na kailangan ko nga palang tawagan si mommy para itanong kung saan niya inilagay ang mga dress na pinamili niya para sa akin, kinuha ko ulit ang phone ko at tinawagan ko si mommy ilang beses itong nag ring bago sagutin.
“Yes anak? napa tawag ka?” tanong nito sa kabilang linya.
“Mom itatanong ko lang po kung saan mo itinago ang lahat ng dress na pinamimili mo dati para sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Nasa kwarto ko lahat ng iyon anak, sa loob ng kabinet.” Sagot naman niya.
“Sige po mom kukunin ko po lahat iyon.” Sagot ko sa kanya, papatayin ko na sana ang phone ko nang mag salita ulit si mommy.
“Anak, bakit mo naman kukunin lahat iyon, eh diba ayaw mo ng mga dress? bakit parang nag kaka interest ka ngayon sa mga damit na iyon?” takang tanong ni mommy sa kabilang linya.
“Mom recognition lang namin bukas kaya kailangan mag suot ako ng formal clothes.” Sabi ko naman dito, narinig ko ang mahinang tawa niya.
“Okay, okay, sige na! kunin mo nalang sa kwarto ko.” Sagot niya at pinatay na ang phone, nag tungo na ako sa kwarto ni mommy para hanapin ang damit na pinamili niya sa akin, binuksan ko ang lahat ng aparador at nang makita ko ang hinahanap ay kinuha ko at dinala sa aking kwarto, tinignan ko lahat ng mga design at ang mga kulay nito may kulay green, red, silver, may mga off shoulder at backless, kinuha ko ang red at silver sinuri ko ang red dress hanggang tuhod ang haba nito, turtle neck naman ang design sa itaas walang manggas at pag dating sa likod di tali, ibinalik ko ito sa lalagyan at tinignan ko naman ang silver color na dress, off shoulder naman ito maganda ang kulay at ang laylayan nito sa ibaba ay maiksi sa harap at mahaba naman sa likod may mga palamuti ito sa harapan na naka lagay kumikintab ang mga ito. Kinuha ko ang silver dress at inilagay sa hanger at isinabit sa harapan ng aking salamin at ang ibang damit iniligpit ko at inilagay naman ito sa aking aparador sakto naman na tumawag sa akin si alex.
“Alex napatawag ka?” tanong ko dito sa kabilang linya at naupo ako sa aking kama.
“Uhm.. tatanong ko lang sana kung anong kulay ng susuotin mong dress para bukas.” he asked me.
“Kulay silver, eh yong sayo anong kulay ang susuotin mo?” balik tanong ko dito.
“As I say, gusto ko parehas tayo ng kulay ng damit, hindi naman siguro nag kakalayo ang gray na color sa silver diba?” Sagot niya agad.
“Ah, Oo.” Sagot ko naman, kaya natawa ito ng mahina sa kabilang linya at ilang minuto lang ay nag paalam na ito at pinatay na ang phone.
Pag katapos tumawag ni alex ay hinanap ko na ang flat shoes ko at itinabi ko ito malapit sa salamin kung saan ko inilagay ang aking damit at nahiga na ako katabi ang phone ko sa ulohan ko.
Nagising ako sa paulit ulit na tunog ng alarm clock ko, kaya naman bumangon ako para patayin ito pag katapos ay bumaba na ako para mag almusal at nang matapos na ako ay nag simula na akong maligo para patuyuin ang aking buhok, sinimulan kong mag kulot ng buhok ko dahil alam kong ilang oras ang gugulin ko sa pag kukulot ng buhok ko bago ito matapos nilagyan ko narin ito ng hair spray para mabilis kumulot pag katapos ay nag blower ako ng buhok. At nag lagay narin ako ng make up natapos ako ng 4:45 ng hapon kaya naman isinuot ko na ang aking silver dress at flat shoes, tinitignan ko ang buong katawan ko sa salamin nang biglang tumunog ang cellphone ko, sinagot ko ito nang makita ko ang naka register na pangalan..
“Hey are you ready?” tanong ni alex sa kabilang linya.
“Yup!” sagot ko naman sa kanya.
“I’m here, outside.” he said, kaya sumilip ako kaagad sa aking bintana sa kwarto. Nang makita ko siya ay bumaba na ako para pag buksan ng gate ito, nakita ko siyang naka sandal sa kotse niya naka suot ito ng gray na tuxedo ganoon din ang pang ibaba at ang pang loob naman ay black ang mga kamay niya ay nakalagay sa mag kabilang bulsa, gulat na gulat ito nang makita ako, habang papalapit ako sa kanya ay titig na titig ito sa akin na hindi makapaniwala sa itsura ko at sa suot ko, tinawag ko siya at ngumiti ako sa kanya.
“Alex.” Tawag ko.
“You look so beautiful.” Sabi niya ng makalapit na ako sa kanya, agad naman niya akong pinag buksan ng pinto ng kotse at nag simula na ito mag maneho, tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse niya hanggang makarating na kami sa event ng recognition. Nasa entrance palang kami ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at pag buksan ako ng pinto papasok sa loob..
Iginala ko ang aking mga mata ng nasa loob na kami tinignan ko ang motif ng catering black and gold color maganda ito at mukhang romantic maraming nag gagandahang mga bulaklak na nakasabit at magagandang design ng mga balloons, iginaya ako ni alex sa isang lamesa na may limang upuan at may mga pangalan ito bawat isa, inilagay ko ang sling bag ko sa upuan na may pangalan ko paupo na ako nang marinig ko ang pangalan ko.
“Crys!” tawag ng aking kaibigan kaya lumingon ako sa kanya at nakipag beso beso. “Wow ang ganda mo sa suot mo bagay na bagay sayo pati ang make up mo.” Sabi niya na hangang hanga sa akin.
“Ikaw din pat ang ganda mo sa suot mong backless.” Sabi ko naman dito at ngumiti ito.
“Wow matchy matchy huh?” Natatawang Sabi ni chester na bigla nalang dumungaw sa likuran ni patricia, nakipag fist bump ito ng makita si alex sa likuran ko.
“Bro.” tawag ni alex sa kanya. “Asan nga pala ang dalawang unggoy?” tanong ni alex kay chester habang hila hila niya ang upuan para paupuin ako.
“Hindi ko alam kung saan nag punta ang mga iyon.” Sagot nito. “May liligawan ata sa JB narinig ko kaninang nag uusap sila ni miller.” Dagdag na sabi pa nito.
“Wow ang pilyong binata may nililigawan.” Sabi naman ni alex kaya naman ng marinig ko ang pinag uusapan nila ay sumimangot ako, tumayo nalang ako para kumuha ng makakain inaya ko ang aking kaibigan pero busog pa daw siya, si alex naman daw ay susunod nalang. Kumuha ako ng plato at nag simula ng tumingin at pumili ng pagkain na naka handa sa mahabang lamesa, nag lagay ako ng one piece of chicken sa plato ko at kaunting rice tapos nag lagay din ako ng chicken kare at kumuha narin ako ng sauce, nagulat ako nang makita ko si JB sa harapan ng lamesa na kinuhaan ko ng sauce, titig na titig ito sa akin at gulat na gulat sa nakita niya, sinuri pa ako nito mula ulo hanggang paa. Nang makita ko ang ginawa niya ay inirapan ko ito at nakita kong napalunok siya sa sarili niyang laway, ngumiti ito sa akin ng nakakaloko na akala mo ay may masamang balak at kasabay noon ay kumindat siya.
“Bagay sayo ang suot mo ang ganda mo.” Sabi nito pero tinalikuran ko nalang ito at hindi na pinansin. Sana mabasted ka ng nililigawan mo sambit ko sa aking isip.
Sinalubong ako ni alex at inalalayan paupo ng upuan, nakita ko naman si patricia at chester na tumayo kukuha daw sila ng makakain inalok ko naman si alex ng pagkain pero tumanggi ito, mamaya nalang daw siya kakain dahil busog pa daw ito hindi nag tagal ay tumayo ito may kukunin lang daw sa kotse niya kaya tumango naman ako. naalala ko na wala pala akong nakuhang maiinom kahit manlang mineral water, tumayo ako at bumalik sa lamesa nag hanap ako ng maiinom nakita ko ang fruit shake kaya iyon nalang ang kinuha ko at bumalik na sa aking upuan.
Paupo na ako nang may mapansin akong pamilyar ng lace ng tela at ribbon sa upuan ko. pag tingin ko isang bouquet na red tulip ang gaganda, napangiti ako habang kinukuha ko ang mga ito sa aking upuan..