Chapter 7

3325 Words
Chapter 7 Naririnig ko ang mga ilang studyante na nag sisigawan. “Sagotin mo na tehh!!” Sigaw ng mga studyante. “Mag I do kana!! bilis na!!” narinig ko naman sa ibang studyante pa na kilig na kilig sila sa mga nakikita nila. “Paiiyakin ka lang niyan at lolokohin ate!!” Sigaw pa ng ibang studyante, sa sobrang gulat ko at pag kabigla kinuha ko ang mga bulaklak sa binata at nilamukos ko ang mga ito at pinag hahagis sa ere. bahagya ko itong itinulak. “Sino ka ba huh? Ginagawa mo akong kahiya hiya.” Saad ko sa binata at agad ko siyang nilayuan, hindi ko na inantay ang sasabihin niya dahil nag hiyawan na halos lahat ng studyante kasama na ang mga admin at profesor, patakbo akong lumabas ng covered court sa sobrang hiya binilisan ko na at nag hanap ng masasakyan agad pauwi ng bahay. Pabagsak ko hiniga ang aking katawan sa aking kama hindi ko parin matanggap ang nangyari kanina sa loob ng covered court, halos kaming dalawa ng binata ata ang pinag uusapan doon at hiyang hiya ako lalong lalo na hindi ko siya kilala nabigla talaga ako ng sobra. Sa sobrang pag iisip ko at pagod nakatulog ako hanggang sa marinig ko ang paulit ulit na tawag sa phone ko, kinuha ko ang shoulder bag ko at nakita ko ang pangalan ni patricia hindi ko ito sinagot hinayaan ko nalang ang aking kaibigan na mag sawa ito sa kakatawag, bumangon ako para mag palit ng pantulog at pagkatapos ay muling nahiga ulit sa higaan at hindi na ako kumain pa. Kinabukasan maaga akong pumasok, habang nag lalakad ako sa hallway ng campus may narinig akong mga studyante nag bubulungan. “Diba siya iyong nag trending kahapon?” Narinig kong sabi ng studyante, kaya naman pinakinggan ko sila ng mabuti kung ako ba talaga ang pinag uusapan nila at binagalan ko pa ang aking paglalakad. “Oo siya iyong kahapon na nakuhaan ng video at nag trending ngayon, sayang ang gwapo pa naman ng lalaki at rich daw! sila din daw ang mga nanalo last year sa cheerleading squad, magagaling daw kasing sumayaw ang grupo nila!” sagot naman ng isang studyante, hindi ko na sila pinansin pa nag lakad nalang ako patungo sa aking klase. Nakaupo ako ngayon sa loob ng classroom tinignan ko ang orasan sa aking kamay 7:42am palang at back to normal na ang schedule ng klase namin, first subject ulit namin ang P.E , tapos na rin ang cheerleading competition may ilang minuto pa ako para hintayin ang aking bestfriend. Nang makita ko siya papasok ng classroom at mapansin ako nito ay nag madali itong umupo sa tabi ko. “Crys, ano ba nangyari sayo kahapon?” tanong kaagad niya sa akin. “Sinapian ka ba ng masamang espirito? bakit mo naman ginawa iyon kay alex?” Dagdag pa nito, na ikina gulat ko. “Huh? Si alex ba iyon? hindi ko alam eh, saka nabigla lang ako! paano ba naman kasi bigla nalang sumulpot at aalukin ako para lang maging girlfriend niya? kung ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko baka gawin mo din iyon noh!” Pag hihimutok ko sa aking kaibigan. “Crys alam mo bang nag effort pa siya ng husto? kaso nga lang hayun mukhang nabasted ng grabe! hiyang hiya tuloy si alex sa nangyari.” Malungkot na sabi ni patricia sa akin. “Saka tinatawagan kita kahapon hindi mo naman ako sinasagot.” Dagdag pa niya. “Ako din naman eh, hiyang hiya at ito nag trending pa ako huh! saka nakatulog ako kaya hindi ko nasagot ang tawag mo!” Sabi ko naman sa aking kaibigan hanggang sa dumating na ang profesor namin kaya naman nahinto na kami sa aming pag uusap ni patricia at nakinig na kami sa edidiscuss nito ng profesor. “Good morning everyone specially to miss patricia and crysler good morning and congratulations sa grupo ninyo, palak pakan naman natin sila!” Saad ng aming profesor. “Exempted na sila sa subject ko at di na nila kailangan mag take ng exam next week!” Dagdag pa nito, kaya naman natuwa kami ng sobra ni patricia hanggang sa matapos ang subject namin. “Ghurl biruin mo iyon hindi na daw natin kailangan mag exam next week?” Tuwang tuwa na sabi ni patricia. “Oo narinig ko nga kanina nong nag discuss si prof.” sagot ko naman sa kanya. “Crys bilisan mo mag lakad nasa canteen na raw sila chester nag aantay.” Sabi naman ni patricia. “Ah ganoon ba? pat, baka hindi na muna ako sasabay sayo mag lunch break ngayon.” Pag dadahilan ko sa aking kaibigan. “bakit naman crys?” tanong niya sa akin. “Alam mo naman kung bakit diba, nahihiya ako sa nangyari kahapon, tapos nag trending pa ako sa buong campus.” Paliwanag ko sa aking kaibigan habang nag lalakad kami patungo sa canteen. “Ghurl ano ka ba, okay lang iyon kay chester naiintindihan niya wag kang mag alala, tara na! sumabay ka na sa amin mag lunch break!” Pag aaya niya sa akin kaya naman pumayag naman agad ako, habang nag lalakad kami papasok ng canteen nakita ko na sila miller at chester na nakaupo at lumapit kami sa kanilang inuupuan. “Chest!” pag tawag ni patricia na ikinalingon naman ng binata sa amin, at sabay kaming naupo sa tabi nila. “Hey tricia!” Sabi naman ni chester na tumingin kay patricia at lumipat ang tingin niya sa akin. “hey crys! how are you?” tanong ni chester sa akin. “I'm fine!” Nakayuko kong sinabi. “Are you sure?” si miller naman iyon. “Oo nga eh! okay lang ako, bakit ba?” Sabi ko sa kanila. “Easy ka lang crys ha, baka bigla mo nalang akong sapakin eh!” Natatawang sabi ni miller kaya naman natawa narin sila chester. “Order muna ako ng makakain namin ni crys.” Si patricia naman iyon. “Okay sige tricia.” Sabi naman ni chester, nang makaalis na si patricia humarap naman sa akin si chester. “Crys ano nga pala nangyari sa inyo ni alex kahapon?” panimulang tanong ni chester sa akin. “Ah iyon ba? sorry sa nangyari, nabigla lang talaga ako, hindi ko naman kasi alam na si alex iyon! saka bigla bigla nalang niya ako inalok para maging girlfriend niya eh, pasensiya na talaga.” Paliwanag ko naman kay chester. “Ah! So, iyon pala ang nangyari.” Sabi naman ni chester. “Wag kang mag alala crys, kahit ano pa ang nagawa mo sa kanya hindi magagalit iyon.” Dagdag pa niya. “Asan ba siya ngayon? gusto ko sanang mag sorry sa kanya eh.” Sabi ko naman kay chester. “Sayang hindi kayo nag abot! kasama namin siya kanina dito sa canteen at kumakain, nong dumating kayo ni tricia kaalis lang din niya.” Sabi naman ni chester. “talaga-“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang dumating si patricia dala ang tray na may pagkain namin, kinuha ko sa tray na hawak ni patricia ang inorder niya para sa akin. ilalagay ko na sana sa harapan ng lamesa ko nang may mapansin akong binder notebook malapit sa harapan ko, kinuha ko ito at inangat. “Miller, sayo ba itong binder notebook?” tanong ko kay miller na naka taas ang isang kamay ko hawak ang binder notebook, tumingin lang sa akin si miller at umiling, kaya naman lumipat ang tingin ko kay chester at nag tanong dito. “Chester sayo ba itong binder notebook?” tanong ko naman kay chester na umiling lang din ito sa akin, ibababa ko na sana ang binder notebook malapit sa upuan ko nang may marinig akong dalawang studyante sa likod ko na nag uusap ng malakas. “Diba siya iyong babaeng nag trending kahapon? iyong babaeng namahiya ng rich and handsome?” Saad ng isang studyante. “Ah Oo nakakahiya nga eh, siya nga iyon! ang arte arte naman, makaasta feeling-“ hindi na natapos ang sasabihin ng isang studyante ng may mag salitang binata na nang galing ang boses sa likod ko. “Miss kung wala kayong magandang sasabihin pwede bang unahin ninyo ubusin ang pagkain ninyo? mas nakaka hiya kasi kayo!” sagot ng binata na nasa likuran ko, lilingon na sana ako para malaman kung sino iyon nang biglang may humawak sa aking kamay na may hawak hawak na binder notebook, tumingala ako para makita ang mukha nito nang makita ko ay natulala ako, tumingin sa akin ang binata at ngumiti ito. “Thank you.” Saad ng binata sa akin at dahan dahan kinuha sa aking kamay ang binder notebook. “Alex sayo pala ang binder na naiwan diyan?” Sabi ni chester. “Yup! nag mamadali na kasi ako kanina, sorry guys I have to go. bye! see you later.” Saad ni alex at nag mamadali ng umalis. “Umupo ka muna kahit saglit lang.” Sigaw naman ni miller sa binata. “Sorry guys may quiz kami see you later nalang bye!” then he walked away, napa ngiti nalang ako ng maalala kung paano niya ako ipag tanggol sa dalawang studyante at kung paano niya hawakan ang aking kamay ng dahan dahan, napahinto ako sa aking iniisip ng tawagin ako ni patricia. “Crys! ngumingiti ka ata diyan? may dapat ba kaming malaman?” pang aasar niya sa akin ng mahuli niya akong naka ngiti. “Ah wala, na eexcite lang siguro ako para sa out of town! tara kain na tayo!” Pag iiba ko ng usapan kaya naman kumain na kami bago pa kami mag hiwahiwalay ulit at pumasok sa mga next subject namin, nag lalakad na kami ngayon ni patricia patungo sa next subject namin. “Crys nabanggit nga pala sa akin ni chester about doon sa nag pakalat ng video mo kung paano mo itulak si alex at pag hahagis ang mga bulaklak.” saad ni patricia. “Bakit ano meron doon sa nag pakalat ng video ko tungkol kahapon?” tanong ko sa kanya. “They are already expelled, nang makita kasi kaagad ni alex ang video ninyo na nag trending naisip ka niya. kaya nagpunta agad siya sa faculty office para ipatanggal ang mga studyanteng nag upload niyon!” paliwanag niya sa akin. “Gusto ko nga sana mag sorry sa ginawa ko kaso baka di niya tanggapin ang sorry ko, at saka nahihiya ako sa ginawa ko.” Sabi ko naman. “Hayaan mo mag kakausap din kayo.” patricia said, na agad naman akong tumango at ngumiti sa kanya. Buong hapon akong hindi mapakali, ang isip ko ay wala sa itinuturo ng professor namin, iniisip ko kung paano ako hihinge ng sorry kay alex kapag nag kita kami ulit. “Ghurl kanina ka pa tahimik ah, may problema ba?” tanong niya sa akin, umiling lang ako dito, hanggang sa matapos na ang last subject namin ay tahimik pa rin ako, nag lalakad na kami ngayon palabas ng campus nang mag aya si patricia na dumaan muna sa covered court. “Bakit kaya wala pa sila?” Narinig kong sabi ng aking kaibigan, nang marating na namin ang covered court tumingin ako dito at ngumiti alam ko kung sino ang inaantay niya! naka ramdam ako ng pananakit ng tiyan kaya nag paalam muna ako sa aking kaibigan para mag CR. “Pat iihi lang ako saglit.” Paalam ko sa aking kaibigan na tumango naman ito, nag tungo na ako mag isa sa CR para umihi at pag katapos ko ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin, nag lagay ako ng konting powder sa mukha at liptint sa labi para hindi ako maputla tignan, pag labas ko ng comfort room nakita ko sila patricia kasama sila chester, alex at miller dahan dahan akong lumapit sa kanila, “Alex kahit sinong babae mabibigla ng ganoon! bigla ka nalang sumusulpot kasi, tapos di ka man lang nag papakilala.” Narinig kong sabi ni chester, nang makita nila akong palapit na huminto sila sa pag uusap, napatingin ako sa mga mata ni alex at nang magtama ang mga mata namin nag iwas siya ng tingin, lumapit pa ako ng husto kay alex at iniabot ko ang isang kamay ko sa kanya. “Alex gusto kong mag sorry sa nangyari kahapon at thank you sa pagtatanggol mo kanina sa akin sa canteen.” Sabi ko sa kanya na naka tingin parin sa mga mata nito. “Wala iyon! okay lang iyon, ako dapat ang mag sorry sayo hindi ako nakipag kilala muna, kaya sorry nga pala.” Sabi naman niya sa akin habang iniabot ang aking kamay at naki pag shake hand. “I'm alex wetzel nga pala.” Pag papakilala niya sa kanyang sarili at ngumiti sa akin. “Ehem, ehem!” Narinig kong boses ni miller. “Tubig miller baka gusto mo?” Natatawang sabi ni alex kaya umiling naman si miller. “Guys may bagong bukas na grilled bar malapit dito sa campus baka gusto ninyong itry?” Pag aaya ni miller sa amin. “Sa ganitong suot pupunta tayo?” reklamo ni patricia habang naka turo ang mga kamay sa uniform. “May next time pa naman, pwede tayo mag set ng date kung gusto niyo.” Saad ko naman sa kanilang lahat. “Tama si crys may next time pa at pwede pa tayo mag set ng date.” Si alex naman iyon, kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti. “How about next Friday?” si chester naman iyon. “Magandang idea iyan! ano deal na?” si miller naman iyon, kaya naman ang lahat ay sumang ayon na.. “Are you sure? you want to go there?” tanong ni alex sa akin na tumango lang ako sa kanya, marami pa kaming pinag usapan about foods, place, hobbies, at kung ano ano pa ang mga tinanong ni alex sa akin na sinagot ko naman lahat ng iyon, hanggang sa mag aya na si patricia umuwi. “Guys uwi na ako ah medyo gabi na kasi eh.” Sabi ni patricia. “Bro, mauna na rin ako hatid ko pa si tricia sa bahay nila.” Paalam din ni chester. “Ako din, next week nalang tayo ulit kita.” Si miller naman iyon, kaya nag paalam narin ako sa kanila. “Guys uwi narin ako baka gabihin narin ako eh.” Sabi ko naman sa kanila, paalis na sana ako ng biglang pinigilan ako ni alex sa aking kamay. “Crys wait! pwede ba tayo mag dinner ngayon?” tanong ni alex. “Ngayon na ba mismo?” tanong ko sa kanya. “Yup! kung okay lang sayo?” Saad niya. “Naka uniform?” sagot ko naman, kaya tumingin ito sa kanyang orasan sa kamay. “Uhm okay, 5:25pm palang naman ng hapon, hatid na muna kita sa inyo and then 8pm sharp sunduin na kita.” Naka ngiting sabi niya sa akin. “Okay sige!” Sabi ko naman, inalalayan niya akong maupo papasok ng kotse niyang volkswagen nag paalam narin ako kila chester at patricia ganoon din kay miller. habang nag dadrive si alex tahimik lang akong naka upo sa tabi niya, inaamoy ang loob ng kotse niya ang bango at amoy perfume. “Crys saan nga pala ang bahay mo?” tanong ni alex. “Sa rockwell lang kami.” Saad ko naman sa kanya at tumango naman ito, pag tapat namin sa harapan ng gate ay bumaba na ito at umikot para lang pag buksan ako ng pinto ng kotse. “Thank you!” sabi ko sa kanya na naka ngiti. “You're welcome.” Sagot naman niya sa akin at inalalayan pa ako palabas ng kotse niya at inihatid sa harapan ng gate namin. “See you later crys, bye!” Sabi naman niya at nag paalam na kaagad ito. Pag pasok ko sa bahay ay umakyat kagad ako para maligo at mag ayos ng sarili, habang naliligo ako ay nag iisip ako kung ano ang aking susuoting damit, nang matapos na ako sa pag ligo ko nilagyan ko ng tuwalya ang aking buhok, binuksan ko ang aking wardrobe closet para maka pag hanap ng dress, pero wala akong nakita na kahit anong dress, hinanap ko ang mga pinamili ni mommy sa akin na dress pero hindi ko iyon nakita sa buong kwarto ko hindi ko alam kung saan niya inilagay at tinago ang mga iyon, nakita ko ang nakasabit na wall clock sa dingding ilang oras nalang darating na si alex kaya nag madali akong kunin ang bag ko para tawagan si mommy para itanong kung saan niya inilagay ang mga damit na ibinibigay niya sa akin, pero ring lang ito nang ring hindi niya ito sinasagot, kaya pinatay ko nalang at nag tungo sa kanyang kwarto pag hawak ko ng pihitan ng pinto ay naka lock at hindi ito mabuksan, kaya naman bumalik nalang ako sa aking kwarto, natapos ako na suot suot ang hoodie jacket pink at leggings na black then alexander mcqueen white shoes, nagsuot narin ako ng sling bag habang tinitignan ko ang aking itsura sa salamin saka naman dumating si alex, nag busina ito ng ilang beses kaya naman agad na akong lumabas ng bahay, nakita ko siyang sakay ng kanyang volkswagen, bumaba ito nang makita akong palabas ng gate at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan niya. “Hope in” naka ngiti nitong sabi sa akin. “Thanks!” Sabi ko naman, habang nag dadrive si alex ay tingin siya ng tingin sa suot ko, nang mahuli ko siya ngumiti ito. “Crys okay lang ba sayo kung sa italian restaurant kita dalhin at doon tayo kumain?” tanong niya naman. “Okay lang, hindi naman ako mapili sa pagkain eh.” Sagot ko naman sa kanya. “Sabihin mo lang kung may iba kang gustong restaurant, pwede ko naman ipa cancel ang pina reserve ko.” Sabi niya na may pag lalambing sa boses, umiling lang ako sa kanya. Nang marating namin ang italian restaurant sabay kaming bumaba ng kotse hindi ko na siya inantay na pag buksan ako ng pinto sabay kaming nag lalakad papasok, hinawakan niya ang aking kamay at inilagay niya sa kanyang braso, nang makita ko ang ginawa niya tumingin ito sa aking mukha at hinawi ang iilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa harapan ng mukha ko at inilagay niya iyon sa likuran ng aking tenga at ngumiti ito at muling nag lakad na kami. Iniikot ko ang aking mga mata sa labas ng restaurant napaka ganda at romantic lalo na ang mga hanging lights na naka sabit sa mga puno. Nakita ko ang receptionist sa di kalayuan ngumiti ang babae sa amin, hanggang sa lumipat ang mga mata ng babae kay alex. “Table for two sir?” tanong ng babae sa front desk na nakangiti sa amin habang papalapit kami. “Yes please!” saad ni alex sa receptionist. “Oh! wait, nakapag pareserve na pala ako an hour ago paki check nalang ang name alex wetzel.” Pahabol na sabi ni alex. “Okay sir, please wait for a minute.” Saad ng babae at nag simula na siyang mag hanap sa computer, nag hintay kami nang ilang minuto sa harapan ng babae nang makita na niya ang hinahanap na pangalan tinawag niya si alex. “Sir alex wetzel, table for two?” saad ng babae at iginaya niya na kami papasok ng restaurant kung saan ang aming table at saka kami iniwan doon at naupo, may dumating na waiter at nag bigay sa amin ng menu book at pag katapos nag salin ito ng tubig sa mga baso namin, napansin ko na maraming inorder na pag kain si alex, at ako naman ang inorder lang ay sea food and rice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD