Chapter 9
Ininom ko kaagad ang gamot na iniabot sa akin ni mommy at muling nahiga na sa aking kama, lumapit sa akin si mommy para kumutan ako nito at halikan sa aking noo.
“Mag pagaling ka kagad anak.” Sabi naman nito at pagkatapos ay tumalikod na paalis, ipinikit ko na ang aking mga mata at nagpahinga na.
Kinabukasan nagising ako sa ingay ng doorbell paulit ulit itong tumutunog kaya bumangon na ako at dahan dahang bumaba para makita kung sino ang nag dodoorbell ng paulit ulit, lumabas ako ng pinto at nakita kong may lalaking nakatayo sa labas ng gate, may hawak itong isang bouquet na tulip lumapit ako para pag buksan ito ng gate.
“Good morning po ma'am delivery po para kay miss Crysler Zamora.” Sabi ng delivery boy, kinuha ko sa kanya ang isang bouquet na tulip at ang papel na hawak niya para pirmahan ang mga ito patunay na natanggap ko na ang mga bulaklak, pag kaalis ng delivery boy tinignan ko kung kanino galing ang mga ito pero walang pangalan. pag pasok ko ng bahay ay naupo ako sa sofa habang pinag mamasdan ko ang mga magagandang kulay ng bulaklak sa aking mga kamay, may kulay pink, white at lavender kulay na pinag sama sama ang mga ito at ibinalot sa mamahaling lace at tila na may magandang ribbon na kulay pula at may guhit na ginto ang kulay, may napansin akong maliit na card nakapa loob ito sa lace at tela at napapagitnaan ng mga tulip na bulaklak. kinuha ko ito at binuksan, may nakalagay na mensahe.
"I am sending loads of good for you praying and hoping for a smooth and fast recovery...
I am not a doctor so i dont know how to bring an end to your illness.. But i know how to bring a smile on your face.. takecare always.."
Nang mabasa ko ang mga naka sulat na iyon sa card ay napangiti ako ng sobra, niyakap ko ang mga bulaklak at saka inamoy ang mga ito nang matapos kong amoyin ay inilapag ko lang ito sa mesa at tumayo na ako ng sofa, nag tungo ako sa kusina para tignan kung anong iniluto ni mommy na almusal. nakita ko ang dalawang box na nakalagay sa lamesa isang chicken soup at ang isa naman ay steamed bun, inilagay ko ang mga ito sa oven para painitin, binuksan ko ang ref at kinuha ko ang fresh milk nag salin lang ako sa isang baso at ibinalik ko din iyon, at pagkatapos ay nag simula na akong kumain.
Bumalik ako sa sofa nang matapos na ako kumain binuksan ko ang television at inilagay ito sa sinemax channel nag hanap pa ako ng magandang movie, hanggang sa nag palipat lipat ako ng channel at mapunta sa HBO channel ilang oras na akong nanunuod ng movie nang maalala ko na kailangan ko na palang uminom ng gamot three times a day iyon, kaya naman umakyat na ako sa aking kwarto para kunin ang mga neresitang gamot ng doctor, nang makita ko na ang maliit na plastik kumuha na ako ng isang kapsul at ininom ito, dinala ko narin ito paibaba ang isang maliit na plastic bag na gamot at ipinatong sa lamesa katabi ng lampshade sa tabi ng upuan at naupo ulit sa sofa, hapon na ng makaramdam ako ng antok kaya pinatay ko muna ang television at nahiga sa sofa inirelax ko ang aking buong katawan dito at umidlip.
“Crys!!” narinig kong sigaw sa labas ng bahay namin at may nag bubusina pa ng sasakyan, bumangon ako sa sofa at lumabas, nakita ko si patricia kaya agad ko naman itong pinag buksan at agad na bumalik ako sa loob ng bahay at muling na upo.
“Ang ingay ingay mo naman sigaw ka pa ng sigaw, bakit ba kasi nandito ka at sino ang kasama mo?” tanong ko sa aking kaibigan.
“Hindi ba obvious? dinadalaw ka namin syempre kasama ko si chester at alex, wala nga sila JB at miller eh busy daw.” Sagot naman niya.
“Asan sila alex?” Tanong ko naman dito at naupo narin siya sa aking tabi.
“Nasa labas kasama si chester nag park lang sila saglit.” Sagot naman niya, binuksan ko ang television ulit kasunod naman noon ay nakita kong pumasok si chester sa pinto at si alex sa likod nito na may dala dalang mga prutas at pagkain, nakita ko rin na may dala dala din itong isang bouquet na red rose.
“Crys, kamusta na pakiramdam mo?” tanong ni chester, at naupo na ito sa tabi ni patricia.
“Okay naman ako.” Sagot ko sa kanya at ngumiti na dito.
“Crys, para sayo nga pala ito.” Sabi ni alex habang nakatayo sa aking harapan hawak hawak ang isang bouquet na rose, kinuha ko ito sa mga kamay niya at ngumiti, kasunod noon inabot niya sa akin ang mga prutas na dala niya at tinanggap ko naman ito at ipinatong ito sa lamesa na nasa harapan namin, habang ang mga bulaklak naman ay hawak ko.
“Maupo ka alex.” Sabi ko naman dito, at naupo narin siya sa aking tabi. “kaka padala mo lang ng isang boquet na tulip kaninang umaga, dinalhan mo ako ulit ng mga bulaklak, at rose naman ngayon, thank you ha.” Sabi ko naman sakanya na nakangiti at tinignan ko ito sa aking tabi na parang gulat na gulat siya sa narinig.
“Ha? Wala naman akong pinadala na isang bouquet na tulip dito kaninang umaga eh.” Sabi naman nito na biglang napatingin sa lamesa kung saan ko inilagay ang isang bouquet na tulip at saka tumingin muli saakin, tinignan ko siya sa kanyang mga mata na baka nag bibiro lang ito, pero hindi! seryoso ang mukha niya, ilang saglit pa ay lumipat ang tingin ko kila patricia at chester nakita ko rin sila na tumingin sa akin, kinuha ni alex ang mga bulaklak na tulip sa mesa at tinignan ang mga ito,
“Hindi galing sa akin ang mga ito crys.” Paliwanag ni alex, lumipat ang tingin ni alex kila patricia. “Pat sa inyo ba ito? Kayo ba ang nag padala kay crys ng mga bulaklak?” Tanong ni alex sa dalawang kaibigan pero umiling lang ang mga ito.
“Baka naman pinadala ng mommy mo crys?” Sabi naman ni alex, hindi ko pinansin ang sinabi nito, tinignan ko nalang ang isang bouquet na tulip na hawak hawak niya at muli kong kinuha ang maliit na card at tinignan kung may pangalan na nakalagay, pero wala akong nakita doon kaya naman kinuha ko na sa mga kamay ni alex ang bulaklak at sinuri ng husto ang mga ito, inisip ko na baka may iba pang card na nakaipit, pero wala parin akong nakita, inilapag ko nalang ulit ito sa lamesa.
“Hindi naman mag papadala si mommy ng mga ganyang bulaklak sa akin eh, unless birthday ko.” Sabi ko naman sa kanilang tatlo, nag simula na akong tumayo at kinuha ang mga prutas na binigay sa akin at inilagay ang mga ito sa ref.
“Anong gusto ninyong kainin? Gusto n’yo ba ng snack or drinks? O kaya pagluto ko nalang kayo?” Tanong ko sa kanilang tatlo, nag presentang mag luto si patricia at si chester naman nag presentang tulungan ang aking kaibigan sabay silang tumayo at nag tungo sa kusina, samantalang kami ni alex ay naiwan sa sofa na nanunood ng T.V
“Crys, gusto n’yo ba ni alex ng lasagna mag bake ako, saglit lang naman ito eh.” Tanong ni patricia na nasa kusina habang tinutulungan ito ni chester,
”Uhm kayo nalang bahala ni chester kung anong lulutuin ninyo.” Sabi ko naman hanggang sa nakita ko na silang nag sisimula nang mag bake ng lasagna.
“Kailan ka nga pala papasok?” tanong sa akin ni alex habang nakaupo kaming dalawa sa sofa.
“After five days pa daw sabi ng doctor, pero kung maging okay na ako ng three days babalik na ako kagad.” Sabi ko naman.
“Ah okay, gusto mo ba ng maiinom? ikukuha kita.” Sabi naman niya sa akin, hindi na niya inantay ang sagot ko at tumayo na ito at nag tungo sa kusina.
Naiwan akong mag isa sa sofa na malalim ang iniisip, hanggang ngayon wala parin akong idea kung sino ang nag padala ng mga bulaklak na tulip, inisip ko rin kung sino ang nag message sa akin kagabi sa phone ko na unknown, o baka si alex lang iyon at nakalimutan lang mag reply, kung tanungin ko kaya si alex pag balik niya dito, marami na akong naiisip na kung ano ano, at hindi ko na napansin na naka balik na pala sa tabi ko si alex.
“Something bothering you?” tanong ni alex ng mapansin ang katahimikan ko.
“Ha? Wala.” Sagot ko naman sakanya.
“Ginawan nga pala kita ng lemon tea, maganda sayo iyan, inumin mo na habang mainit pa.” sabi naman niya na iniaabot sa akin ang isang tasa na may mainit na lemon tea.
“San ka nga pala kumuha ng tea?” tanong ko naman sakanya nang makuha ko na ang isang tasa.
“Gagawa dapat ako ng ginger tea para sayo, kaso nakita ko sa kabinet ninyo na maraming tea at iba’t ibang brand pa ang nakalagay sa bawat box kaya gumawa nalang ako ng lemon tea para sayo.” Sabi naman niya sa akin, naalala ko nga pala marami si mommy na tea dahil mahilig siya uminom ng chaa sa gabi bago matulog, at binibigyan din siya ng mommy ni trixie kapag umuuwi ito dito sa pilipinas.
“Thank you nga pala dito.” Sabi ko nalang sa kanya na nakaturo ang nguso ko sa iniinom na lemon tea.
“You're welcome.” Saad naman nito. “mahilig kaba uminom ng mga tea?” dagdag pa niya.
“Hindi eh, si mommy lang ang mahilig uminom ng mga iyon kapag gabi bago siya matulog, bakit mo naman naitanong?” tanong ko naman sa kanya.
“Wala naman naitanong ko lang, parehas pala sila ni dad mahilig din ito uminom ng chaa bago matulog.” Sagot naman niya.
“Talaga?” sabi ko naman.
“Yup, at alam mo ba na maganda ang benefits nito sa mga katawan natin, kasi can boost immune system, liver cleansing, soothes a sore throat, eases upset stomach, can maintain heart health, reduce blood sugar levels, aid digestion and help weight lose.” Paliwanag niya naman sa akin.
“Ah talaga? hindi ko alam iyon eh, hindi kasi ako tea lover eh.” Sagot ko naman dito, hanggang sa nakalimutan ko na ang itatanong ko tungkol sa nag message sa phone ko kagabi, sakto naman na dumating si patricia na dala dala ang lasagna na benake nito at nilagay sa harap ng lamesa, kasunod nito si chester na may dalang mga coke in can.
“Wait lang guys kukuha ako ng plato natin.” Sabi ko naman sa kanila, tatayo na sana ako nang hinawakan ni alex ang kamay ko at tumingin sa aking mga mata.
“Ako na ang kukuha, just sit there.” Sabi niya sa akin at tumayo na ito para kumuha ng plato sa kusina, pag balik niya ay iniabot niya ang dalawang plato kay chester at dalawang kutsara, at siya naman ay naupo ulit sa aking tabi para lagyan ang plato ko ng isang slice na lasagna at nag lagay din siya ng isa pang slice para naman sa kanya at nag bukas ito ng coke in can saka naman ito tumingin sa akin at ngumiti.
“Bawal pa sayo malamig, kaya mag lemon tea ka nalang muna.” Sabi naman niya pag katapos niyang mag bukas ng isang coke in can. Kaya tumango lang ako sa kanya.
Pag katapos namin kumain ako na ang nagligpit ng mga plato para hugasan ang mga ito, nakakahiya naman kasi kung pati pag huhugas ng kinainan namin ay sila patricia at chester pa ang gagawa nito, nakita naman ni alex ang ginagawa ko kaya kinuha niya na sa aking kamay ang mga plato na hawak ko.
“Ako na ang mag huhugas nito.” Sabi ko kay alex at kinuha ulit ang mga plato sa kanya.
“Wag na! ako na ang mag huhugas ng mga ito, baka kung mapano kapa sa kusina.” Sabi naman niya at hindi na ibinigay sa akin ang plato na hawak niya, nag pumilit pa ako na kunin ang mga ito sa kanya pero hindi niya talaga binigay ito. “Just take a rest there.” Dagdag pa niya na nakaturo ang kabilang kamay nito sa upuan.
“Sasamahan nalang kita sa kusina.” Sabi ko naman sa kanya, dahil alam kong hindi naman ako mananalo pa sa gusto niya hindi na siya tumanggi doon na samahan ko siya, dinala ko ang lemon tea ko sa kusina at doon nalang ako umupo at uminom ng tea, nakita ko siyang nag suot ng apron at nag simula ng maghugas ng plato, pinabayaan ko na lang siyang mag hugas ng mag hugas ng mga pinggan, natatawa nalang ako sa kanya pati na ang mga kalat at pinag lutuan nila patricia ay nilinis niya na. pinanuod ko nalang siya habang naka talikod ito, tinignan ko ang buong katawan niya, matangkad siya, maganda ang pangangatawan nito, napapalunok nalang ako sa sariling laway ko, hanggang sa matapos ang mga hinugasan niya at humarap sa akin.
“What?” tanong niya nang makita niya ako na titig na titig sa kanya habang naka talikod ito, natulala ako at hindi kaagad naka sagot sakanya. “loving the view huh?” pabiro niyang sabi, kaya naman nabilaukan ako sa iniinom kong lemon tea, namula agad ang mga pisnge ko at agad na naghanap ng sasabihin.
“Never, in my wildest dream!” Sagot ko naman sa kanya na natatawa at umirap dito, kaya naman hulakhak ito.
"I’m just kidding.” Agad niyang sagot sa akin na naka ngiti, tumayo na ako sa aking kina uupuan at naglakad paalis nag punta nalang ako sa sofa, baka kasi lalo lang mamula ang pisnge ko habang kausap siya at isipin pa nito na pinag nanasaan ko ang katawan niya, naupo ako kung saan naka upo sila patricia at chester habang nag uusap ang mga ito, sumunod sa akin si alex at naupo din sa tabi ko.
“Crys, kailangan na nga pala naming umuwi ni chester, okay lang ba sayo? Nandito naman si alex eh sasamahan ka nalang muna niya habang wala pa si tita.” Sabi naman ni patricia.
“Ah okay sige, kaya ko naman na eh.” Sagot ko sa aking kaibigan, nag simula na ang mga ito tumayo sa sofa at nag paalam na sila sa akin, si chester naman ay nakipag fist bump kay alex, ihahatid ko pa sana sila sa labas ng bahay pero tumanggi ang mga ito, kaya naman naupo nalang ako, at si alex nalang ang nag hatid dito palabas.
“Crys okay lang ba sayo na mag stay pa ako dito sa bahay ninyo habang wala pa ang mommy mo?” Panimulang tanong niya sa akin ng kaming dalawa nalang ang naiwan sa sofa.
“Okay lang naman.” Sagot ko naman sakanya. “Wala ka bang lakad ngayon?” dagdag ko pa.
“Wala naman, saka wala din naman akong kasama sa bahay eh.” Sagot niya sakin.
“Uhm, sabihin mo lang sa akin kung may lakad ka wag kang mahiya, saka Okay lang naman ako eh.” Sabi ko naman sa kanya pero umiling lang ito.
Matapos ang ilang oras naming pag uusap at ilang oras na panunood ng T.V ay wala parin si mommy, naisip ko na baka nagugutom na si alex kaya tinawag ko siya sa pangalan niya habang seryosong nanunood ito.
“Alex hindi ka ba nagugutom.?” Tanong ko sa kanya, habang nanunood din ng T.V kasama siya.
“Hindi naman, saka busog pa ako.” Sagot niya. “Ikaw nagugutom ka ba?” balik tanong niya sakin, kaya naman umiling nalang ako. “Ipag luluto kita wag kang mahiya sa akin sabihin mo lang.” pamimilit niya.
“Hindi pa talaga ako gutom, busog pa ako sa kinain natin kaninang lasagna, saka wala pa ako gaanong panlasa sa pagkain.” Paliwanag ko naman sakanya.
“Sigurado ka ha? baka mamaya pag uwi ko may mangyari sayong masama.” Sabi naman niya sa mahinang boses habang nakatingin ito sa aking mukha.
“Oo naman! kapag nagutom ka nga pala pwede kang mag luto at kumain dito.” Sabi ko naman.
“Naka inom ka na ba ng gamot mo?” tanong niya sakin at umiling ako.
“Hindi pa eh, ang huling inom ko kaninang tanghali pa iyon.” sagot ko sa kanya.
“Asan ba ang mga gamot mo?” tanong niya sa akin na agad ko namang tinuro ang katabi niyang lamesa na may lampshade at nakita niya doon ang maliit na plastic bag, kumuha siya kaagad ng gamot ko at iniabot sa akin pag katapos ay tumayo siya at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig, pag balik nito ay may dala na siyang isang basong tubig at iniabot niya sakin ito, at agad ko naman ito kinuha para maka inom na ng gamot.
“Thank you.” Sabi ko naman sa kanya at muli itong naupo sa aking tabi.
“It’s my pleasure.” Sagot niya. “Gusto mo bang manood ng mga romantic movie?” Tanong nito.
“Uhm wala akong alam na romantic movie eh.” Sagot ko naman sa kanya, kaya naman kumunot ang noo nito.
“Ako bahala, may dala akong usb dito at maraming movie na naka save.” Sabi naman niya na agad niyang inilabas ang usb sa bag nito kaya naman iniabot ko sa kanya ang remote, pumunta siya sa harapan ng T.V at nag simulang isalpak ang usb niyang hawak, lumabas sa malaking screen ng T.V ang sandamak mak na movie, may comedy, action, horror, love story, etc. lumapit siya sa akin at tumabi sa aking upuan sobrang lapit halos mag dikit na ang balat namin, pinapili niya ako ng gusto kong movie at ang napili ko ay horror, enenter niya ang horror movie at nag simula na ang palabas, nagulat ako ng bigla siyang tumayo at pinatay ang ilaw.
“Bakit mo pinatay ang ilaw?” takang tanong ko sa kanya.
“Mas maganda kasi kapag naka patay ang ilaw, mas nakaka takot.” Sagot niya kaagad. “Ayaw mo ba? Sabihin mo lang bubuksan ko kaagad ang ilaw.” Sabi naman niya na may pag alala sa mukha, kaya naman umiling nalang ako kaagad.
Habang nanonood kami ng horror movie ay panay na ang hikab ko ng hikab napansin ko na bumabagsak na ang aking mga mata, hanggang sa nakatulog na ako ng tuluyan.
Nagising nalang ako sa sarili kong kama at nakahiga na dito, umaga na kaya naman naisipan ko nang bumangon, nakita ko ang gamot sa gilid ng kama ko at isang mineral water, kumuha ako ng isang kapsul para inumin at uminom ng mineral water bago bumaba sa kusina,
Nakita ko si mommy na nag luluto sa kusina kaya humalik muna ako sakanya bago naupo sa harapan ng lamesa.
“Anak gising kana pala, may nag padala nga palang isang bouquet ng tulip ipinatong ko ito sa sofa.” Sabi naman ni mommy habang nag luluto.