Nang makarating na kami sa isang fast food chain na hindi kalayuan sa campus namin ay hinayaan ko na lang na si Sean ang umorder ng kakainin namin. Ito rin naman ang nagsabi na maupo na ako at ito na ang bahalang umorder para hindi na raw ako mapagod sa pagtayo.
Habang umoorder si Sean ng pagkain namin ay pinagmasdan ko ang likod niya. Kasalukuyan itong nakatalikod sa akin. Malapad din pala ang katawan nito, at hindi dahil sa mataba ito kung hindi may laman na muscle ang braso at mismong dibdib nito. Huwag lang talagang titingnan ang hitsura at porma nito ay pasok na sana sa banga. Matangkad din ito sa karaniwang mga lalake, mapusyaw din ang kulay ng balat nito.
Sakto naman na nakatitig pa rin ako sa likod nito ng bigla itong lumingon sa kinaroroonan ko at aksidente nitong nakita na nakatitig ako sa kanya. s**t! Baka kung ano pa ang isipin ng lalakeng to ah. Hindi ko naman siya gustong tingnan nuh… Weh, hindi nga? Nginitian lang niya ako ng ubod ng tamis na hindi ipinapakita ang mga ngipin nito.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang ngitian din ito ng isang matamis na ngiti at napangiwi na lang ako ng muli itong humarap sa cashier.
Hinintay ko na bumalik siya sa table kung saan kami kakain. Nang bumalik siya ay halos mapuno ang tray na bitbit nito ng mga pagkain. May fries, tig isang one piece chicken, mango pie at iba pang pagkain na inorder nito.
“Ang dami mo namang inorder.” Kunwari ay reklamo ko.
“Ayos lang, para makabawi rin ako sayo.” Sagot niya sa akin na hindi ko na lang sinagot at baka mainis na naman ako.
Nagsimula kaming kumain ng tahimik at manaka-naka ay tumitingin ako sa pinto ng fast food chain kung saan kami kumakain ngayon at baka biglang may pumasok na kakilala sila ni Sean at mabroadcast pa na magkasama silang dalawa ngayon. Good thing at nakaupo sila malayo sa ibang kumakain kaya hindi sila basta makikita kung sakaling may makapansin sa kanila na kasamahan nila sa school.
Nang matapos silang kumain ay isa-isang tinabi ni Sean ang mga pinagkalatan nila at inalagay sa try samantalang may mga crew naman na dapat gumawa ng bagay na’yun.
“Hayaan muna yan.” Saway ko sa kanya na hindi nito pinansin dahilan kung bakit bigla na namang sumibol ang inis ko sa kanya.
“Sinabi ng huwag mo nang linisin yan eh.” Doon ito biglang napatingin sa gawi ko.
“So---”
“Ano, magsosorry ka naman? Ilang beses ko bang sinasabi sayo na hindi mo naman kailangang palaging humingi ng sorry at nagmumukha ka ng tanga sa ginagawa mo. Kahit hindi mo kasalanan ay hingi ka pa rin ng hingi ng sorry. Kaya pinagtatawanan ka ng maraming tao eh, d’yan sa ugali mo na’yan.” Pinin-point ko ang ugali nito na hindi pangkaraniwan sa iba. Nakapadali nitong utuin at talagang maloloko kapag hindi mo pinagsabihan agad o binawal man lang.
“Shanelle…”
“Alam mo kung ano ang problema sayo Sean? Ang dali mong utuin, baka nga kapag sinabi ko na tumalong ka sa bangin ay tumalong ka agad-agad. Ganoon ka uto-uto, alam mo ba’yun?” Inis ko pa ring sabi sa kanya. Matuto ka namang magpahalaga sa sarili mo, hindi yung palagi ka na lang kinakawawa pero okay lang sayo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko Sean?” Galit ko ng tanong sa kanya, nakayuko na naman ito na parang bang isang bata na pinapagalitan at walang ibang kayang gawin kung hindi ang itago ang sarili sa ilalim ng mesa.
“At simula ngayon Sean, huwag ka ng lalapit sa akin puwede ba? Pumayag akong sumama sayo ngayon para sabihin na ayoko na palagi kang nakabuntot sa akin, pinagtatawanan ka tuloy ng mga kaibigan ko. Hindi naman kita mapagtanggol dahil ibubuyo nila ako na kesyo pinagtatanggol daw kita. Kaya kung puwede, para na rin sa ikabubuti mo ay huwag ka na lang lumapit sa akin at ng malayo ka sa mga mapanghusga kong kaibigan. Sana maintindihan mo ang mga sinasabi ko sayo Sean.” Pilit kong pinaunawa sa kanya ang sitwasyon naming dalawa.
Hindi sa ayoko ko siyang makasama dahil sa pisikal nitong hitsura kung hindi gusto ko lang siyang malayo sa mga mapanghusgang mga mata at bibig ng mga taong nakapaligid sa amin. Nakita ko ang biglang pagkungkot ng mukha ni Sean ng marinig nito ang sinabi ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na bumalot sa puso ko ng sa wakas ay nasabi ko na rin sa kanya ang mga bagay na akala ko ay hindi ko makakayang sabihin sa kanya ng harapan.
Dinampot ko ang mga libro ko na bitbit nito kanina at bag ko sa isang upuan na katabi ko lang at saka mabilis na umalis sa lugar na’yun. Hindi ko gustong patuloy na makita ang kalungkutan na mayroon si Sean ng mga oras na iyon. Pati ako ay nahahabag sa kalagayan niya kaya mas minabuti ko na lang na iwan siya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat ng iyon.
Matapos ang araw na huli kaming nag-usap ni Sean ay hindi na ito lumapit pa sa akin. Hindi ko na rin siya nakikita ng madalas sa campus o baka hindi lang talaga ito nagpapakita sa akin. At nagulat na lang ako ng makita ko siya isang hapon na naglalakad malapit sa registrar at kasama na naman nito ang babaeng kasama nito noong nagkita kami sa library. Masaya ang dalawa habang naglalakad papalayo sa office of the registrar, may mga papel ding hawak ang mga ito.
Napansin ko na hindi mapatid ang ngiti ng babaeng kasama ni Sean na hindi masyadong nakikita ang mukha dahil sa laki ng eyeglasses na suot nito. Dahil payat ito ay kalahati ata ng mukha nito ay sakop na ng salaming suot nito.
Hindi man lang ako sinulyapan ni Sean kahit na kitang-kita niya akong nakaupo sa isang upuang bato na malapit sa oval ng campus.
“Uy Shanelle, deadma lang ang peg ng pogi mong suitor? At in fairness ha, magkalebel na sila ng pormahan ng bago niyang kasama ah.” Narinig kong pang-aasar ni Abby sa akin matapos na makita nito si Sean at ang kasama nitong babae, plus hindi pa siya nito man lang tiningnan kahit sulyap man lang…may kasama lang itong babae eh ganoon na ito makaasta sa kanya ngayon. Tsssk!
“Lubayan nyo akong dalawa at nanahimik ako dito sa isang tabi.” Inis kong sagot kay Abby na kinatawa na naman ng mga ito. Inirapan ko na lang sila at tiningnan si Sean na tuluyan ng papalayo sa kinaroroonan ko kasama ang babaeng kasama nito ngayon.
****
Simula ng makita ko si Sean na nanggaling sa registrar kasama ang kaibigan nitong babae ay hindi ko na nakita pa ang anino niya sa university namin. Nacurious ako kaya palihim kong tinanong ang isa sa mga staff ng registrar tutal at kakilala ko naman si Celes na senior staff ng office na yun.
“Oh Shanelle, ano masamang hangin ang nagdala sayo dito sa registrar?” Pang-aalaska din nito sa akin, lahat na lang ng kakilala ko sa university ay puro ata may amats.
“Luka, anong masamang hanging ang pinagsasabi mo dyan. May tatanungin lang sana akong importante sayo.” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Tumawa muna ito bago muling nagsalita. “Ikaw naman hindi ka na mabiro. Ano ba kasi ang itatanong mo?”
“A-ammmm, itatanong ko lang sana kung ano ang kinuha ni Sean De Acosta dito sa office nyo ng huli siyang nagpunta dito tapos may kasama siyang isang babae.” Ibig kong matawa sa sarili ko at bakit ako humantong sa sitwasyon na ganito na kailangan ko pang magpakapagod para lang malaman ang ilang detalye tungkol sa lalakeng sa una pa lang ay hindi ko naimagine na magiging concern ako sa kanya katulad ng ginagawa ko ngayon.
“Ah si Sean ba, oo nagpunta siya dito bago lumipat ng bagong University. Kasama nya pa ngang umalis si Jasmine Dela Vega.” Ngayon ko lang nalaman ang totoong pangalan ng babaeng kasama ni Sean bago ito umalis at bigla akong nakaramdam ng lungkot sa katotohanang hindi ko na siya makikita pa kahit kailan sa university kung saan kami unang nagkita.
“Saan daw siyang school lilipat, Celes?” Hindi ko napigilang tanungin ito.
“Ah, sa Canada sila amg-aaral ni Jasmine kasi pareho silang kumuha ng mga credentials nila at sa isa sa kilalang university sa Canada naka address ang lahat ng papers nila.” Napatango na lang ako sa sinabi ni Celes at sa huli ay nagpaalam na ako at sinabing mahuhuli na ako sa susunod kong klase.
Habang papalayo ako sa office ay naisip ko na kung hindi dahil sa mga sinabi ko kay Sean ay baka hindi nito naisipang lumipat ng ibang school. Sana ay nakikita ko pa rin siya ngayon, at lihim na napapangiti kapag palapit na siya sa akin suot ang mga paborito nitong mga pormahan na hindi na ata napalitan simula ng tumungtong ito sa university. Malungkot akong naglakad papalayo sa lugar na’yun.