When things begin to get so hard and I'm finding it difficult to stay positive, I just kneel and pray, then hope it gets better. It usually does.
- - - - - -
Kakausap lang ni yoona sa doktor at inaapura na siya nito para maoperahan agad ang ina niya.
At noong isang araw pa niya tinawagan si cheche para tanggapin ang alok nito.
Nakisuyo muna siya kay aling mela kaibigan nang mama niya para bantayan muna ito.
Pupuntahan nila ni cheche ang amo ni ate macky at ipinaalam na rin ni ate Maky sa boss nito ang tungkol sa kanya.
Kinakabahan si Yoona habang sakay nang taxi na maghahatid sa kanila sa kumpanya na pinagtratrabahuan ni ate Macky.
Namangha siya sa laki nang building na hinintuan nila.
HFJ Company iyon ang nakalagay sa malaking bulding.
Agad silang pinapasok nang guard na nasabihan na pala sa pagdating nila agad silang sumakay sa elevator na magdadala sa kanila sa ika labin limang palapag nang naturang gusali.
Agad silang sinalubong ni Ate Macky nang makita sila nitong lumabas sa elevator.
" kumusta Mama mo Yoona?."
Pangungumusta nito sa nanay niya.
"Stable naman po siya Iyon nga po kailangan niyang maoperahan agad ate Macky para hindi mahulog sa kumplikasyon ang kalagayan niya."
Naluluhang pahayag niya,binigyan lang siya nito nang nakakaunawang tingin.
“Dasal ka lang Yoona malalapasan din ito nang nanay mo”
"Nasabi naman na siguro sa iyo ni che che kung ano ang gusto ni Sir.?"
Iginiya sila nito papunta kung saan naroon ang opisina nang CEO
"Ai ate sorry nakalimutan kung sabihin sa kanya ang pangalan." Pahayag ni cheche sabay kamot sa ulo.
"Ganoon ba ok lang iyon, hintayin lang natin sandali Si sir may meeting pa kasi siya,
at para siya na mismo ang magpa kilala sayo. maya maya nandito na iyon hwag kang mag alala yoona mabait si boss."
Mabait si ate Macky, sekretarya pala siya dito, naghintay lang naman sila nang mahigit isang oras bago may lumabas na naka pormal na suot na mga lalaki. naka suit and coat ang mga ito pawang ka respe respetong tingnan. sa isa sa mga kwarto ang mga ito lumabas iyon siguro ang conference room.
Ilang sandali pa ay pinapasok na sila sa opinsina nang CEO.
Namangha siya sa laki nang opisina nito kaya lang napaka boring nang kulay na purong black.
Hindi halata na paborito nitong kulay ang black.
Nagmumukha tuloy lungga ni Dracula ang loob.
Baka Vampira ang boss nila natawa si Yoona sa kalokohang naisip.
Isang naka talikod at naka upo sa swivel chair ang naabutan nila sa pagpasok nila.
" sir andito na po si Miss Yoona."
Pagkuha ni Ate Macky sa atensyon nito at humarap naman ito sa kanila.
'Oh My God' bulong ni Yoona sa isip.
Ito ang magiging ama nang anak niya.
Kakayanin ba niya iwan ang anak niya sa mala adonis na lalaking ito.
Whoat...
Biglang natigil sa pagpapantasya si Yoona sa lalaking kaharap ng tumikhim ito.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
Bigla siyang na conscious sa suot niya dahil naka faded jeans simpleng blouse lang ang suot nya samantalang ito. necktie pa lang nagsusumigaw na kung gaano kamahal at kaano kayaman ang lalaking ito.
"So you're Yoona Mendez,?"
Tanong nito agad siyang nagpakilala.
"Yoona Mendez po dalawamput apat na taong gulang po sir"
Pagpapakilala niya sabay lahad nang kamay subalit deadma lang ito at hindi man lang nakipag shake hands sa kanya at walang modo tinalikuran ba naman siya,pero bago ito tumalimod may nakita pa siyang kakaibang kislap sa mga mata nito.
‘Ano iyon?’
"You can go now Macky, and bring Your friend with you kakausapin ko lang si Ms. Mendez in private"
Sabi ni Drix kina macky at cheche hindi man lang kami pina upo.
Nginitian siya ni Macky Mouthing her Goodluck.
Samantalang ang baliw na si cheche binulungan siya nang 'tulo laway mo girl, ang hot at ang yummy ni papa drix ingat ka baka kainin ka nang buhay nang magkasalubong niyang kilay friend'
At dali daling lumabas ang bruha nang akmang babatukan niya ito sa kalokohang sinasabi nito.
Napailing na lang siya sa gawi nang kaibigan.
At naiwan silang dalawa Ni Mr. CEO Drix Felix Jimenez ayon sa nabasa niyang pangalan nito sa ibabaw nang office table niya.
Biglang tumikhim si Brix, kinakabahan siya sa pinasok niya.
Kaya napa kagat siya sa labi nang wala sa oras sa halo halong kabang nararamdaman.
Habit niya kasi ang kagatin ang labi kapag kinakabahan siya.
"Stop that..." sigaw ni Drix nang hindi namamalayan ni Yoona na nakaharap na pala sa kanya at matiim na naka tingin sa kanya lalo na sa labi niya ikinagulat pa niya ang biglang pagsigaw nito.
Ano bang masama sa pagkagat nang labi niya ang sungit naman nito hindi nga ako sumigaw sa nangangalit niyang kilay na sa kapal ay pwde nang tirhan nang mga kuto tsaka dinaig pa ang kilay ko sa pag tataas nang kilay niya.
Inirapan ito ni Yoona hindi pa sila nagsisimula mukhang hindi niya makakasundo ang masungit na ito.
_ _ _ _ _
Thank you;
@YajNna20