QUEENIE'S POV
Napangiti nalang ako ng tumunog ang cellphone ko. Sabi ko na nga ba siya nanaman. Hindi talaga niya ako nakakalimutang paalalahanan. Napatingin naman ako kay Clarah na nakakunot ang noo.
“Hay nako” sabi niya at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
“What's with the reaction hm?” usisa ko. Ibinulsa ko nadin yung cellphone na hawak ko.
Umiling siya. “Wala naman”
“Scammer ka girl wag kang ano diyan. Ano nga yon?”
“Wala nga gagi”
“Wag mo na siyang pilitin you know naman na di siya masyadong pala kwento” sabat ni Aleah na busy sa kaka-type.
Sana all talaga may jowa tangina! Sana all! Sana all talaga! Sobrang sana all!
“Ampanget pala ng college life dito sa BCU sobrang boring” nakapangalumbabang sabi ni Clarah.
Well tama naman siya. Hindi kagaya sa America na sobrang hirap talaga. Dito kasi parang ang chill, pabor to sa mga taong hindi mahilig sa school works at the same time baka mali siya. Kaka-start lang ng klase namin nung nakaraang linggo kaya siguro hindi pa ganoon kahirap.
“Nako te no jowa lang you kasi” ayan nanaman si Aleah. Anlakas mang-asar kahit kailan.
“Ay personalan?” taas kilay na tanong ni Clarah.
“Just saying the totoo lang naman”
“Paano nga ba naging kayo non?” tanong nanaman ni Clarah. Usisera alert!
“Well he court me then I sagot him after one month ng courting” nakangiting sabi nito. Nakatingin pa ito sa kisame na animo'y ini-imagine lahat.
Kadiri!
Paano ko nga ba naging kaibigan to? Tinalo pa ata sila Aldrake na ilang buwan ng walang label. Kung sabagay wala namang forever kaya maghihiwalay din sila kingina nila!
“Stop the act girl hindi bagay sayo” inis na turan ni Clarah.
Natawa naman ako. “Para siyang tumirik sa sarap HAHAHAHAHA” dagdag ko pa.
“Oh yes hindi talaga bagay coz Andrew is the only bagay to me”
Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. Okay Queenie, kaibigan mo siya. Magtimpi ka sa babaeng yan. Alalahanin mo ilang taon mo yang nakasama. Magtimpi ka.
Tanginaaaaaaaa!
“Mandiri ka pukingina mo!” mura sa kanya ni Clarah sabay hampas. Kahit kailan talaga napaka mapanakit ng babaeng yan yawa.
“WAHHHHHHHHH AYOKOOOO NAAAAAAA!” sigaw ng bagong dating na si Zyria. Umupo ito sabay dukdok ng mukha niya sa lamesa.
Nagkatinginan kaming tatlo sabay tingin ulit kay Zyria. Sabay-sabay kaming nagkibit balikat. Anyare sa kanya? Sinaltik nanaman? Well palagi namang may saltik si Zyria pero maganda siya kasama. Bully kasi siya sa amin tapos kapag kami na yung nangb-bully sa kanya inaaway naman kami ni Aldrake.
“Nyare sayo?” kunot-noong tanong ko.
“Na s-stress ako” sabi nito ng hindi manlang tumitingin sa akin.
“Saan nanaman, Zyria?” tanong ni Clarah. Lumapit din ito sa kanya.
“Di'ko alam basta gusto ko lang ma-stress”
Potangina!
Nahilot ko ang sintido ko ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Hindi ko na talaga alam anong trip ng babaeng yan. Grabe siya lang ata yung babaeng gustong ma-stress ng wala namang dahilan. Minsan nagtataka ako kung paano naging kaibigan ni Clarah yan. Masyado kayang maarte yung babaeng yon at ang alam ko hindi tipo ni Clarah makasama yung gaya ni Zyria. Ewan!
“Are you baliw naba girl?” nakataas kilay na tanong ni Aleah.
Andami ko ng problema dumagdag pa tong dalawang to. Isang conyo, isang may saltik sa ulo. Pukingina!
“Hindi siya baliw, may saltik lang talaga siya” sagot ko.
“I'm not talking to you kaya, I'm talking to Zyria” abat!
“Pakyu!” inis na sabi ko sabay dirty finger sa kanya.
Inerapan niya lang ako. Muli nanamang natuon ang atensyon namin kay Zyria na hindi padin tapos kakapadyak ng paa niya. Ewan nalang sayo Zyria ang gwapo ng kuya mo, mukhang matalino tapos ikaw naman may saltik.
Naagaw ng cellphone ko ang atensyon ko. May nagtext nanaman. Siguro siya nanaman to. Agad kong binuksan yung at hindi nga ako nagkakamali. Siya nanaman. Hindi talaga siya napagod sa pagpapaalala sa akin, pagsasabi saka pagaalaga sa akin though sa internet palang.
Sarap sa feeling
Ramdam kong special ako sa mga text niya. Ramdam ko din yung worth ko sa ginagawa niya and lastly, ramdam ko na may nagmamahal sa akin.
FLICH'S POV
Putangina napaka pa-special ng hinayupak na Aldrake na to. Sabi niya sunduin ko siya sa airport ng 8 am tapos ngayon, 12 noon na wala padin siya?! Tanginang yan.
“Mapapatay talaga kitang bwiset ka!” inis na usal ko.
Hindi ko alam bakit siya nagpapasundo. Dapat si Zyria nalang inutusan ko kingina hindi naman ako yung jowa. Sa ganito kasi dapat yung jowa yung susundo para may laplapan in airport. Tanga din tong si Aldrake, isang katerbang bobo.
“Sorry I'm late” walang emosyong sabi ng lalaki este ni Aldrake na nakatayo sa harapan ko.
Hindi ko siya nakilala. Naka-black na hoodie tapos naka sunglass. Taas ng araw sa airport grabe. Nahiya ako sa sunglass niya tsk.
“Wow ang aga mo naman dumating tol! Sobrang aga pa sana tinagalan mo pa!” sarcastic na sabi ko.
“Shut up! Alam mo ba anong nangyari?! Muntik pa akong magkaroon ng kaso dahil sa malanding flight attendant na yon!” inis na sabi niya. Nagtatangis pa ang mga bagang nito. Mukhang inis nga talaga siya.
Napakunot naman ang noo ko. “Bakit? Anong ginawa niya?”
“Kasi tangina ayokong magkwento naiinis ako!”
“Binastos ka? Ni-r**e ka?”
Anong klaseng tanong yan self?!
“Binastos. Ako pa yung muntik mabaliktad sa bantang huli” iiling-iling na sabi niya. “Una, umupo siya sa hita ko ng biglaan. Ang sabi niya nahilo lang daw siya kaya pinalagpas ko. Pangalawa, sinadya niyang tapunan ng wine yung pants ko. Hindi din daw niya sinasadya pero sinakto niya sa may junjun ko. Pangatlo, nung magpapalit na ako pumasok siya sa cr. Pinalalabas ko siya kasi magpapalit nga ako tanga ba siya? Ayaw niya umalis, maghuhubad na nga siya sa harapan ko yun nga lang tinulak ko siya palabas. Sumalampak siya sa sahig tapos umiyak, sumigaw ng r**e tangina” mahabang kwento ni Aldrake.
Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa kwento niya. May mga babaeng desperada pa pala hanggang ngayon? Yung sa sobrang desperada sila na yung babastos sa lalaki. Gago ang laugh trip naman non!
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA awit sa kanya gago!” natatawang lintanya ko.
Hindi naman nagbago ang expression ni Aldrake. Kunot padin ang noo niya at magkasalubong padin ang mga kilay niya. Halatang hindi siya natutuwa sa nangyari.
“Pathetic” usal niya.
Tinapik ko naman siya sa balikat. “Hayaan mo na 'dre. Gwapo ka eh. Mana ka sa'kin kaya lahat ng babae magkakandarapa sa ating dalawa” ang hirap maging gwapo.
Napatingin siya sakin mula ulo hanggang paa. “You're not my dad idiot” sabi nito saka naglakad.
Ang sungit talaga tangina! Buti natatagalan pa siya ni Zyria. Sabagay kapag si Zyria kasi ang usapan talagang nawawala yung kasungitan niyang si Aldrake. Minsan natatawa nalang ako kung paano sumunod si Aldrake sa mga gusto ni Zyria lalo na sa mga pagkain.
Zyria lang malakas!
Hindi na kami nag-usap ni Aldrake hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Syempre ako ang sundo, ako din ang driver. Wala eh eto lang lang ako isang gwapong nagiging alalay pagdating sa bestfriend ko.
Hindi naman masakit!
Wala namang masakit!
Okay nga lang ako eh!
Flich ang drama mo!
Tangina kasi bakit ayaw akong kausapin ng hayop na to?! Alam kong hindi siya madaldal but how come he stay in this kind of atmosphere? Ang tahimik. I really hate silent place, ramdam ko yung pagiging alone ko. Tumikhim muna ako bago magsalita.
“Alam naba ni Zyria na uuwi ka?” tanong ko.
Umiling naman siya. “Hindi. Wala akong sinabi na uuwi na ako ngayon” walang emosyong sagot niya habang nakatingin sa labas.
Napaka-emotionless!
“Surprise ganon?”
Tumango siya.
“Naks binata kana talaga 'dre” nakangiti habang umiiling na sabi ko.
This time tumingin na siya sa akin. Tinaasan pa ako ng kilay ni gago napaka talaga!
“Ikaw? Kailan ka magbibinata?” makahulugang tanong niya.
“Kapag malakas na loob”
“Kailan yon?”
Nagkibit balikat ako. “Hindi ko alam”
“Habang tumatagal mas lalo kang nagiging duwag”
Real talk awts!
“Ewan ko ba tinangka ko din naman kaso hindi ko magawa. Nauunahan ako ng takot lalo na alam ko yung mga naranasan niya before”
Isang mapait na ngiti nanaman ang pinakawalan ko. Masakit sa parte ko na hindi ko manlang masabi yung nararamdaman ko para sa babaeng mahal ko. Hindi ko manlang maipakita sa kanya personal yung talagang gusto kong mangyari.
Kilala niya din ako. Madami din siyang alam sa akin lalo na sa mga kalokohan ko. Natatakot ako na baka hindi niya ako matanggap dahil sa mga ginagawa ko at mga nagawa ko. Makalokohan akong tao, nakikipag-s*x kapag ginusto, p*****t lahat na ata ng kalokohan nasa akin.
Tinapik niya ang balikat ko. “Makakaya mo yan soon” sabi nito.
“Sana”
Hindi ko talaga alam kung kakayanin ko basta looking forward nalang sa mga mangyayari. Natatakot din naman ako sa thought na baka may makaagaw sa kanya o kaya baka may makilala siya.
Ewan!
Ang hirap ng sitwasyon ko. Sobrang hirap, nahihirapan ako. Gusto kong umamin para lantaran na lahat ng pag-a-alagang gustong gawin ko sa kanya kaso ewan ko ba. Antanga-tanga ko hindi ako makaamin.
Hinatid ko lang si Aldrake sa bahay nila. Doon ko nalang daw siya ihatid para daw makapaghanda siya ng makakain nila before umuwi si Zyria. Talagang plano niyang i-surprise. Wala pang label yan guys ha. Wala pa talaga.
When kaya yung label?!
Matapos ko siyang ihatid dumeretso naman ako sa club na paborito naming puntahan dati, noong kompleto pa kami. Isa sa mga nakakamiss talaga yung moment na magkakasama kami tapos sabay-sabay kaming mambababae. Pinaka matinik sa amin si Kreus, oo siya talaga. Halos lahat ng babae sa kanya nalapit.
Iba kasi ang charm ng hayop na yon. May kasungitan ang mukha pero talagang nakukuha niya yung attention ng mga babaeng nakapaligid sa kanya. May gayuma atang ibinuhos sa gagong yon kaya ganon amp.
Nang makababa ako sa kotse ko nagtungo muna ako sa isang car watcher saka ibinigay sa kanya yung susi ng cellphone ko. Parte ng pagiingat, mahirap na kapag nalasing baka mahulog ko pa kung saan yung susi.
Hinagis ko sa kanya yung susi. Agad din naman niya itong nasalo. “Bantayan mo kotse ko” walang emosyong sabi ko.
Sumaludo ito. “Alegrado boss. Mag-isa ka ata ngayon”
“Busy sila” maikling sabi ko. Tumango naman siya.
Pumasok na ako sa loob ng bar. Ayokong mag-aksaya ng oras ko. Gusto ko ngayon ng alak at babae, gusto ko ng makakatanggal sa stress ko ngayon. Yes I do s*x with other girls para matanggal yung inis, bad trip saka stress ko. Nang makapasok ako agad kong nalanghap ang amoy ng sigarilyo, alak, pabango ng babae.
I miss the scent!
Matagal-tagal nadin since nung huling punta ko dito. Humanap agad ako ng vacant na upuan saka umupo doon. Bago mag-order dinukot ko muna yung cellphone ko sa bulsa saka nag-text sa kanya. Sa lahat ng dapat kong gawin eto talaga yung hindi ko kinakalimutan.
I'm all about to send my text kaso nakita ko siya. She's with her friend. Damn! Bakit ganon yung suot niya?! Sobrang ikli ng short niya, naka-tube lang siya. Nadilim ang piningin ko ng wala sa oras. Pinicturan ko siya saka sinend ito sa kanya.
To;
Why are you wearing like that huh?! Umuwi kana or else ipapakaladkad kita palabas!
Nanginginig ang mga kalamnan ko. Gusto ko siyang hatakin papalabas pero may pumipigil sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko, pakiramdam ko nga mababasag ito ng kusa.
Nakatingin lang ako sa kanya. Tumingin siya sa cellphone niya saka nagpalinga-linga. Hinahanap niya ata ako. As if naman makita niya ako, hindi niya ako makikita. mula dito natatanaw ko kung paano sila magusap-usap magkakaibigan. Nagpapadyak pa yung isa, mukhang ayaw pa umalis.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila. Hindi din siya natigil sa kakatingin sa mga tao. Ilang sandali pa lumabas na sila ng bar.
That's my girl.
Magkakasundo naman kami kung ganyan siya ka-masunurin. Kung natakot man siya sa ginawa ko pwes, hindi ko na kasalanan yon. I'm just protecting her. Kung sakali mang may babastos sa kanya ako lang dapat yon at walang iba.
ALEAH'S POV
Padabog akong sumakay sa kotse. It's so unfair hindi ko na-enjoy yung loob ng bar tapos nagyaya agad sila. They are so unfair talaga! I hate them.
Bumusangot nalang ako sa likuran. I can't believe it na sa isang text message lang uuwi na agad kami like hello it's just a stalker. Hays ayoko na kainis! Sayang outfit! Sayang paalam! Sayang lahat.
“Kainis!” usal ko.
Sabay naman na bumuntong hininga ang dalawa. Oh nice they do it again. Lagi nalang silang duet sa pagbuntong hininga.
“Sorry Aleah ha may next time pa naman” paumanhin ni Queenie.
“Hmp” ayoko nalang mag-talk iinis ako!
“Sorry talaga promise next time” sabi pa ulit ni Queenie.
Wala naman akong magagawa eh. Nandito na kami sa labas eh. Isa pa ayoko din namang makaladlad palabas. Nakasimangot akong tumingin sa dalawa na ngayon ay nakatingin din sa akin. I hate them for having a stalker like that.
“Wala naman akong magagawa no. Hayaan niyo nalang you said naman na there's next time pa” napipilitan na sabi ko.
“Yup may next time pa at siguro isama nalang natin sila Andrew para at least may tagapag-tanggol tayo” suggest ni Queenie.
“He won't hurt us naman sa tingin ko. He's just concern about the outfit or what.” yon yung nakikita ko as I read the text messages.
Wala ng sumagot sa akin kaya nanahimik nalang din ako. Hindi ko talaga alam yung nangyayari basta ang alam ko may stalker yung isa sa kanila. Hindi ko alam kung sino kasi busy ako sa kakaharot ko pero they say na sobrang creepy daw ni kuya.
Who is he?
Even my lakad nadadamay sa pagiging stalker niya. I just want to talk to him tapos sasabihin ko "hi kuya don't purnada my gala naman coz sayang outfit ko" gigil niya ako kung sino man that guy.
Mas lalo akong napasimangot. Kapag naalala ko yung nangyari gusto ko biglang pumatay ng stalker na unknown. Tanga lang Aleah? May stalker ba na kilala? Ang kabobohan nilalagay sa lugar, masyado mo ng inaaraw-araw self.
Hindi ko talaga alam ang sense of having my own point of view. Hindi naman related sa kung anong mga sinasabi ko jusme. Napatigil ako sa pagiisip ng mga katangahan when my phone ring. Tumatawag ang baby ko acckk. Enebe kese yen kekeleg eke.
“Hello” may kaartehang sagot ko. Napatingin sa akin si Clarah. Biglang kumunot ang noo nito dahil siguro sa tono ng pananalita ko.
“Nasaan kana hm?” s**t ang sexy naman ng voice niya acckk.
“Uhm pauwi na kami kasi may epal” inis na panimula ko. “He's a stalker! Nakakainis siya you know pinauwi niya ka! Pinagbantaan niya yung isa sa amin na ipapakaladkad daw kami sa guard kainis siya!” inis na pabebeng sabi ko.
Sa kanya lang ako ganyarn!
“Oh, don't mind him nalang baby. Umuwi kana see you tomorrow. Goodnight. I love you” ang sweet talaga.
“Goodnight too. I love you too hihi” nikikilig ako.
Ako na mismo ang nagbaba ng tawag. Napakagat nalang ako ng labi ko sa sobrang kilig. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Clarah, yung tingin na parang nasususura na ewan. What's her problem ba? I didn't do anything naman eh.
“Ang harot mo” sabi nito saka tumalikod.
Nag-make face nalang ako sa sinabi niya. Napaka kontrabida nila sa love life ko. I'm so lucky to have him nga eh. I thought no one's like me because of what I am. Look ang conyo ko and some of the boys I already dated is naiinis sa akin.
I'm so lucky na there's a man who love me.