Kabanata 1

2319 Words
Charm Faye Velasquez’s POV xMaligaya©January 2022 “FAYE, Faye! Charm Faye!” Hingal na hingal akong napabalikwas sa aking pagkakahiga nang marinig ko ang nag-aalalang sigaw ng aking ina. Tagaktak ang aking pawis sa noo at nanlalamig ang aking buong katawan nang mahigpit akong yakapin ni Mommy. Tinapik niya nang marahan ang aking likod, tila sinasabing wala akong dapat ipag-alala ngunit hindi pa rin magkamayaw ang masasakit na pagdagundong sa loob ng aking dibdib. Walang patid ang pag-agos ng aking luha sa aking mga pisngi habang nanginginig ako at nakatulala sa kawalan. Ramdam ko ang sakit ng bawat salitang binitiwan niya, ramdam ko ang pagkislot sa aking puso nang nangyari sa kapalaran ng babaeng iyon. “Faye, baby, look at me,” Mommy begged as she unwrapped her arms around me before she wiped my sweat and tears using her palms. “Mommy, napanaginipan ko na naman siya. Mommy, hindi ko na kayang makita siyang mamatay ng paulit-ulit sa panaginip ko,” paghagulhol ko upang magsumbong sa aking ina. Impit ang aking boses habang sinasariwa ang babaeng walang mukha sa aking panaginip. Siya na naman ang nakita ko. Gabi-gabi akong binabangungot, tila mayroon akong nagawang malaking kasalanan sa aking nakaraan kaya ako pinarurusahan ng ganito. “Did you take your medicine?” pag-uusisa niya kasunod nang muli niyang pagyakap sa akin. This time, her hug was tighter than of earlier. “Yes. I-I took it. I took it, Mommy. But why can’t she leave me alone? Hindi ko siya kilala, hindi ko makita ang mukha niya pero paulit-ulit lang ang nangyayari at huli’y tatanggapin niya na lang na mamamatay siya.” Natutuliro ako at nagpa-panic dahil parang hindi tumatalab ang gamot na ini-reseta sa akin ng doktor. Mommy and I were in the middle of conversation when Daddy and my brothers went inside my room, looking so concern. “What’s going on?” my father called me as he strode to the bed. Tinabihan niya kaming dalawa ni Mommy habang ang dalawa kong kapatid na lalaki ay sinundan lamang ng tingin ang daddy. “She’s bothering me again. T-that girl in a red dress. S-she’s—” “Faye, you are already 28, a full-grown woman. Why can’t you be understanding?” I was taken aback as I heard his voice, the antagonist in my life. “Arnold!” magkasabay na saway sa kaniya ng aming mga magulang kaya napatingin ako sa kaniyang gawi at nagulantang ako nang makita siyang titig na titig sa akin. “Masyado niyo siyang bine-baby.” Hindi pa rin ito tumitigil kaya umiwas na lang ako ng tingin. “Kuya, stop pestering our sister, okay? Hindi ka nakakatulong,” my younger brother, Aillard to the rescue as he to explain my side to our stone-hearted brother. “Look, kamamatay lang ng bunso natin. We are all mourning, why can’t she give us time to take a rest?” pakikipag-argumento niya bago lumapit at umupo sa gilid ng aking kama kaya napayakap ako kay Mommy. “Please, Charm Faye, let us sleep.” His voice was authoritative but he still somehow showed concern that I didn’t expect. “P-pero baka nandoon na naman siya. Baka. . . Baka. . .” Hindi ko na na-ituloy ang aking sasabihin at napatungo na lamang nang mapagtanto ko ang nangyari kay Rachelle. Our youngest took her own life. Masyadong nasaktan ang pamilya ko sa nangyari kahit hindi man nila sabihin sa akin. Hindi ko na siya naabutan na humihinga. “May naalala ka na ba?” sumeryosong tanong niya kaya napatunghay ako at malungkot na napailing. Ang sabi ng Mommy at Daddy ay nahulog ako sa hagdanan at nabagok ang aking ulo kaya wala akong maalala. Tanging ang babae lamang sa panaginip ko ang gumising sa akin mula sa matagal na pagkakahimbing sa tulog. She once helped me wake up, and I am very grateful to her, however if she’s always bugging me in my sleep and making my life uncomfortable, I might go to psychiatric hospital. “Walang pumipilit na makaalala siya, Arnold. She can live without her memories in the past,” salaysay ni Mommy na nagpabalik sa akin sa realidad. Hinawakan nito ang aking palad at pinisil bago tumingin sa akin nang nakangiti. My heart felt so warm whenever I got that look from her. Whenever she smiles, I felt safer and I knew that I have an ally. I mouthed the words I love you to my mother, telling her I was so grateful to have her when Kuya Arnold started disagreeing. “But how about my job? It’s my job, Mom,” pag-angal ni Kuya bago muling humarao sa akin, “Tell me if you remember anything, Faye. Ako ang dapat na unang makaalam.” Kaagad naman siyang sinaway ni Daddy ngunit ayaw niya pa ring magpatalo kaya napatayo na si Mommy. “Arnold Russel, we don’t care about your bullshit. She’s my daughter and she’s your younger sister, for goodness’ sake.” Our mother hysterically got mad at him before she told everybody to get out of my room. Walang silang nagawa kundi magpaalam sa akin maliban kay Kuya Arnold na mabilis nang lumabas sa aking kwarto na hindi man lamang lumingon sa akin. Hindi ko alam kung magagalit ako sa kaniya o maaawa dahil simula nang magising ako sa pagkaka-comatose ay palagi na lamang siyang pinagagalitan ng mga magulang namin. Hindi ko maintindihan kung bakit. “Mommy, ano po bang kinalaman ko sa trabaho ni Kuya?” Sa wakas ay na-itanong ko na rin ang gustong-gusto kong malaman simula pa lamang noong una. “Huwag mong pansinin ang kuya mo. It’s nothing. You know, villain thing.” Mommy winked at me while smiling. Hindi niya yata napansin na nagtataka na ako sa lahat ng ikinikilos nila sa bahay lalo na kapag nandito si Kuya Arnold. “Mommy,” tawag ko gamit ang mahinang boses. Lumingon naman siya sa akin at nginitian ako. “Nahulog lang ba talaga ako sa hagdanan natin at nabarog ang ulo kaya ako nawalan ng memorya?” “Hindi ba ako na-aksidente sa kalsada? Hindi ba ako nasagasaan ng sasakyan?” dagdag ko pa pero hindi ko nakitaan ng pag-aalangan ang aking ina. Sa halip ay tipid lamang siyang ngumiti at sumenyas na mahiga na akong muli sa kama. Sinunod ko ang aking ina at muling nahiga kahit na labag sa aking loob. I really wanted to know everything about my life in the past. Hindi lang si Kuya Arnold ang nadidismaya, kundi ako rin. All I know is that I am Charm Faye Velasquez, daughter of Arnaldo and Carmina Velasquez. I once worked in our real-estate company as secretary of my father but now that I am still sick like they are saying, I was staying at home. “Pakiramdam ko po kasi, totoo iyon. Maliwanag na maliwanag kong nakikita ang eksena pati na rin ang mga tunog ng sasakyan at mga sigaw ng tao,” pagkukwento ko kasabay nang pagbalik na naman ng pagsidhi ng aking damdamin. “Faye, ilang beses kong uulitin na hindi ikaw ang babae sa panaginip mo?” seryoso ngunit malumanay na wika ni Mommy. “Matulog na tayo ulit, anak. Yayakapin ka na lang ni Mommy para hindi ka na ulit dalawin ng masamang panaginip.” Hinalikan ako ng aking ina sa aking noo pagkatapos ay tumabi na sa aking pagtulog. Bago ako kainin ng aking antok ay hindi sinasadyang narinig ko ang huli niyang sinabi. “Oh Lord, ganito na lang sana. Huwag na siyang makaalala.” Inayos niya ang comforter at ang unan ko pagkatapos ay mahigpit na yumakap sa akin, samantalang napuno naman ako ng maraming katanungan. Bakit ayaw niya nang maalala ko? Ano ba’ng mayroon sa nakaraan? Tumalikod ako kay Mommy pagkatapos ay magkasunod na tumulo ang aking luha sa aking mga pisngi. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na kayang paniwalaan ang mga sinasabi nila. Pakiramdam ko’y lahat sila’y may tinatago sa akin. Nang maramdaman kong malalim na ang tulog ni Mommy ay marahan akong humarap sa kaniya pagkatapos ay maingat na umalis sa aking kama. Ala-una pa lamang ng madaling araw ngunit sa palagay ko’y hindi na ako makakatulog kaya minabuti ko na lamang na lumabas ng bahay upang lumasap ng sariwang hangin at para na rin pakalmahin ang kakaibang kabog ng aking dibdib. Pinagmasdan ko ang aking paligid sa labas ng bahay. Tanging ang ilaw lamang sa aming main door at sa gate ang dahilan kung bakit maliwanag. Mayroon pa rin akong naririnig na tugtugin ngunit sigurado akong nasa malayo ang nagpa-party. Bumuntonghininga ako nang makita ko ang mga bituin sa langit. Ngunit tila nawala ang kinang sa kanilang lahat. Malungkot din sila katulad ko. I marched towards the gate, so I could go out. Umupo ako sa may tabi ng kalsada matapos kong tumingin sa aking kaliwa at kanan. This village. I wish I could remember how my siblings and I played here during our childhood. “Isa. Dalawa. Tatlo,” pagbibilang ko habang nakatingin sa mga bituin sa langit. “Isa. Dalawa. Tatlo.” Napatawa ako nang mahina dahil napansin kong pati ang paraan ng pagbibilang ng babaeng nagpapakita sa aking panaginip ay nakuha ko na rin. “Wala ka na bang alam na ibang numero bukod sa isa, dalawa, tatlo?” Nagulat ako nang mayroong magsalita sa aking likuran kaya mabilis akong napatayo at napalingon sa nagsalita. “K-Kuya Arnold!” bulalas ko pero hindi niya na ako pinansin. Binuksan niya ang gate para makalabas ang kaniyang kotse. He climbed in his car, driving it out of our gate. Tumabi naman ako para hindi ako makasagabal sa pag-alis niya. Saan siya pupunta? Ang akala ko’y mag-di-diretso na siya ngunit itinigil niya ang kaniyang kotse at lumabas pagkatapos ay naglakad siya papalapit sa akin. “Bakit lumabas ka ng bahay?” “Hindi na ako makatulog. Hindi siya maalis sa isip ko. Pakiramdam ko nga’y ako ang babaeng iyon. Kung hindi lang sa mga huling sinabi niya, baka ipinilit ko sa inyong ako siya.” “What did that woman say?” His eyes darted on me, as if he was examining my facial expression. He seems really curious. “S-she said that she’s still his lawful wife until her last breath and she’s smiling as she said those words.” Naramdaman kong nanikip ang aking dibdib nang sabihin ko ang mga katagang iyon. She’s a matyr wife. Sa halip na lumaban ay tinanggap niya na lamang na talunan siya. That’s the reason why my heart ached for that woman. She didn’t deserved it kahit na sabihin produkto lamang siya ng malikot kong pag-iisip. “She’s insane,” komento niya bago inilayo ang tingin sa akin. Itinuon niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang kotse malapit sa aming dalawa. “Yes, she is really crazy. For loving a man more than her life, more than her everything.” Pakiramdam ko’y naging bitter na ako dahil sa pagpapakita ng babaeng iyon sa akin. “Faye,” he called my name which made me looked up to him. I was astonished when I caught him staring at me. “Did I hurt your feelings so much? I’m sorry.” I couldn’t understand his words at first but after thinking thoroughly, I think he’s apologizing for his wickedness since I woke up. “Yes, you’re a villain. Hmp!” Matalim ang ginawa kong pag-irap bago ko siya sinamangutan. He just laughed a little, “But you love villains. You always fell inlove with the villains in movies, baby.” “Talaga?” hindi ko makapaniwalang tanong dahil ito ang unang beses na may nalaman akong parang totoo sa pagkatao ko. Tumango naman siya kasunod nang pagdaan ng katahimikan sa aming paligid. “By the way, I’ll go now. Pumasok ka na sa loob.” “Saan ka pupunta, K-Kuya?” “Kuya,” he blurted it out again and again then he smirked. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya sumunod ako sa kaniya hanggang sa may kotse. “Pasok na sa loob,” utos niya na hindi ko agad sinunod dahil gusto ko siyang ihatid ng tingin. “S-sige. I-ingat sa byahe,” paalam ko kasabay ng wala sa sariling paglapit ko sa kaniya at paghalik sa kaniyang pisngi. Pareho kaming nagulat sa aking inakto kaya mabilis kaming umiwas ng tingin sa isa’t-isa. Bakit lumakas ang pagkabog ng dibdib ko at bakit pakiramdam ko’y sanay na sanay akong halikan siya sa pisngi? “Faye,” he seriously called me, but because of embarrassment, I said all nonsense things to cover up my undescribable feeling. “Can you atleast treat your sister right? Hindi ‘yong palagi kang galit sa akin,” panenermon ko habang nakapameywang. Nawala lang ako sa focus nang bigla siyang umiling at magsalita. “But you are not my sister,” he muttered that made my eyes popped out. My lips created an “o” as I froze for seconds. Tila bumagal ang oras at may dumagdag na namang misteryo sa buhay ko. “W-what did you say?” “You heard it. I am not your brother.” Yumanig ang aking kinatatayuan nang makita kong seryoso siya habang nakatitig sa akin. “B-bakit? A-are you adopted?” sunod-sunod kong tanong pagkatapos ay kaagad kong tinakpan ng palad ko ang aking bibig. Napaatras din ako ng kaunti bago napasabunot sa aking buhok. “Go back inside. Saka huwag kang lalabas na ganiyan lang ang suot mo. Masisilipan ka niyan, e.” He didn’t answer my question again, instead he just reprimanded me. “Wait, Kuya. We’re not yet done talking,” paghahabol ko ngunit mabilis siyang sumakay sa kaniyang kotse. He started his engine then he glanced on me again before driving away. Naiwan akong nakatulala sa kawalan kasabay ng pagkabuo ng milyon-milyong tanong sa isip. The high and mighty Arnold Russel Velasquez is adopted? ~×~ xMaligaya©January2022

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD