15th Blood: Rules Are Rules UMALINGAWNGAW ang tunog ng school bell nang sumapit ang lunch break. Tumayo na si Vina mula sa kanyang silya at lumabas ng classroom bago pa may isa roon na tapunan siya ng tingin na araw-araw niya nang natatanggap simula nang pumasok siya sa Academy na ito. Oh, well it’s alright. She’s living like a princess sa mansyon ni Rain, para balanse de gawin nilang impyerno ang kanyang buhay dito. Iyon eh kung kaya nila. Hah! “Hoy, sabay na tayo mag-lunch.” Napatingin siya sa sumabay sa kanyang maglakad. Si Shie. “Well, look who’s here. Sure, libre mo?” Umirap ang kaibigan. “Mukha mo. Bumili ka ng sarili mong lunch. Wala na akong pera, noh.” “Ang yaman-yaman mo pero ang kuripot mo. Labo nito. Kailan ka b

