5th Blood: Chains
HUMIMPIL ang sasakyan sa tapat ng napakatayog na gate. Awtomatikong bumukas iyon. Agad na ipinasok ni Rain ang kotse at
tila gusto pa nga nitong paliparin iyon sa sobrang bilis ng pagpapaandar.
Gusto na ba niyang patayin kami? Marami pa akong pangarap, aba! At hindi kasama ro’n ang mamatay kasama siya! Paghihimutok ni Vina sa isipan.
“Get down.”
Hindi gumalaw si Vina mula sa kinauupuan kahit malinaw sa kanyang pandinig ang kalakip na utos sa sinabing iyon ng lalaki. Mukha rin namang walang balak makipagbiruan si Rain sa kanya at sadya nga yatang umigsi na ang pisi ng pasensya nito.
“I said get the hell down!”
Napakurap si Vina sa sigaw na iyon ni Rain. Ngunit patuloy siyang nagmatigas. Bakit naman kasi siya bababa ng sasakyan? Malay niya ba kung anong meron sa loob ng mansyon na iyan? Baka mamaya tsugiin siya r’yan ng wala sa oras. Ay, ayaw niya no’n. Marami pa siyang pangarap sa buhay.
“O-oy! Ooooyyyy!” Napatili si Vina nang biglang bigla ay buhatin siya ng binata.
Pipiglas sana siya nang makita niyang may mga nanonood sa kanila at ang iba roon ay binabati pa nga siya. Hindi niya malaman kung anong magiging reaksyon doon kaya’t nanahimik na lamang siya at nagpadala sa trip ng binata. Si Rain naman ay deadma lang, tila sanay na sa ganoong klaseng pagbungad.
Nang pagpasok sa mansyon, may isang lalaking sumunod sa kanila. He was smiling politely at her ngunit nang tawagin ni Rain ang pansin nito’y napapitlag ang lalaki na para bang bigla ring natakot.
Ah, feel you, buddy. Same here.
“Roy,” untag ni Rain sa lalaking sumusunod sa kanila papasok. Ang tigas ng boses ng binata. Naikunot ni Vina ang noo. Kapag ganoon ito magsalita, parang nakakatakot kausap si Rain.
“Y-yes, Alpha?”
“Get the chains from the dungeon, install them to my bedroom.”
Nanlaki ang mga mata ni Vina sa narinig at sumasal ang kaba sa dibdib niya. Anong ibig sabihin niyon?
“Po… Alpha?” At mukhang hindi naman siya nag-iisa sa reaksyong iyon. Parang hindi rin naunawaan ni Roy ang sinasabi ng kanyang Alpha.
“The chains! Now!”
“As in kadena?”
“Yes, idiot!”
Napasigaw si Vina nang makumpirma ang hinala niya. Nagpupumiglas siya subalit mas lalo lamang humihigpit ang hawak sa kanya ni Rain.
“Sira ulo ka ba? Kadena? What do you plan to do with that stuff? Are you f*****g out of your mind?!”
Sa gilid ng mga mata niya’y nakita niyang nagtitinginan na ang mga tao sa mansyon. Nakatitig ang mga ito na parang naeeskandalo sa kanya lalo na nang simulan niyang sigaw-sigawan ang Alpha nila’t hataw-hatawin ito sa dibdib nang magmatigas itong pakawalan siya.
“Kung nasisiraan na ako ng bait de sana kanina pa kita hina-harass!”
“Wow, hindi pa ba harassment ito? Anong meaning ng harassment sa ‘yo?”
“Sexually, of course!”
Napanganga siya at napatitig kay Rain na nilebel din ang mga mata sa kanya na para bang tinutuya siya’t hinahamon. Sumimangot siya. “Anong of course? There’s no of course about it, you p*****t! Anong klaseng pag-iisip ang mayroon ka?”
Nagkibit lamang ito ng balikat. Ipagpapatuloy niya sanang muli ang pagpupumiglas nang tumatakbong bumaba iyong lalaking tinawag ni Rain kanina na Roy. Pakiramdam niya’y sinentensyahan na siya nang mga sandaling iyon.
“Okay na po, Alpha.”
“Okay na?” she echoed incredulously. “Anong okay na?!” bulyaw niya. “Ano ka, uto-uto? Kadena ‘yon! Sumunod ka naman! Pambihira! Bitawan mo na nga ako, Rain! Bitawan mo ako! Bitaaaawww!”
Walang ka-effort-effort na pumanhik si Rain sa hagdan at ipinasok siya sa isang malaking silid. This time, hindi siya nito ibinalibag sa kama gaya ng ginawa nito kanina sa kanya sa kotse. He placed her on the bed gently but he was quick enough to snap the chains around her wrists and ankles. Nakakabit ang kadena sa apat na sulok ng bed posts. Sapat ang haba niyon para makagalaw siya ng maayos sa kama.
“Pakawalan mo ako rito!” singhal niya kay Rain na blangko lamang ang mukha na nakatitig sa kanya. “Pakawalan mo ako! Isa!”
“First, you ran off from me without a single backward glance. And then you attempted to run me off the streets when you saw me again. Notice the emphasis on run, princess?” Umirap siya sa panunuyang iyon ni Rain. “And now you think you can threaten me like that?”
“And why not, you idiot? This is k********g, harassment, and physical injury! I’m gonna sue you! I’m sure may batas para rito!”
Ang blangkong mukha nito’y napalitan ng malapad na ngisi. “Oh you can’t sue me, princess.”
Sukat doon ay umarko ang kilay niya. “And why the hell not?”
“Because I’m pretty sure, you’ll soon fall in love with me now that we are given the time to be together.”
Ilang segundo siyang napanganga dahil sa narinig. Kung pwede nga lang ay mag-aantanda siya dahil pakiramdam niya’y tuluyan na talagang nasisiraan ng bait ang isang ito. Kamalas naman niyang tao. Alpha na nga ang mate niya, may hablig pa sa ulo.
“Nahihibang ka na ba? Sinong may sabi sa ‘yo? Baliw! Magpa-mental ka na! Kinakain na ng uod ‘yang utak mo, baliw ka!”
Much to Vina’s rage, he simply laughed. Natigilan siya nang matitigan ang lalaki habang tumatawa. Gusto niyang magpapadyak ni Vina sa kama.
Man! How can he be so gwapo when he’s laughing?
Wala kasi sa itsura ni Rain ang palatawa. Mukha kasing Biyernes Santo ang mukha nito, palaging nakabinangrot. Akala mo’y sandamakol ang problemang pasan-pasan. Pagkatapos ay sa simpleng pagsigaw niya’y tatawa ito? Hindi kaya may sayad talaga si Rain?
“I’ve lost count of how many times I mentally kicked myself for imagining you kissing me. So do me a favor and shut up before I can’t help myself. I might devour your lips, princess.”
Ganoon lang at umalis na ito. Ni hindi man lang siya hinintay na makapagsalita. What the hell is wrong with that guy? What the hell is going on with his brain at talagang kinadena pa siya nito sa pagkalaki nitong kama na doble ng king size bed ang laki.
This is freaking annoying!
HINDI namalayan ni Vina na nakatulog siya. Nagising na lamang siya sa kalansing ng kadena nang igalaw niya ang kaliwa niyang paa. Napabuntong hininga siya nang magbalik sa alaala ang lahat ng mga nangyari. Naupo siya sa kama, nagpalinga-linga. Walang tao sa kwarto. Wala rin doon ang gamol na Alpha ng Autumn Knight. Mula naman sa bintana ay nakita niyang gabi na. Hindi na siya nag-abala pang maghanap ng orasan dahil wala rin namang silbi iyon ngayon.
Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makalabas siya roon. Pero paano nga naman niya gagawin iyon kung puro mga taong-lobo ang nasa loob ng mansyon?
Wow. How dumb could she be? Ni hindi man lang niya nagawang isipin iyon habang ipinapasok siya ni Rain sa mansyong ito kanina. Dapat pala tumalon na lamang siya mula sa kotse habang nagmamaneho ito. Pero hindi rin naman pwede iyon dahil hahabulin din naman siya nito’t siguradong mas mabilis ito sa kanya bilang isa nga itong Alpha werewolf. Even then, nakatakas lang naman siya dahil na-distract ito noon sa mga lobong humarang sa kanila sa kakahuyan.
Ah, world. Why so cruel?
“Vina?”
Napapitlag siya’t agad na bumaling sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nabuhayan siya ng loob nang makita si Becka na pumasok sa silid.
“Becka!”
Tumakbo si Becka papunta sa kanya’t niyakap siya ng mahigpit. Sinilip ni Vina kung may kasunod si Becka na gwapong damuho. Nakahinga siya ng maluwag nang walang makita.
“I’m so sorry, Vina.” Kumalas sa kanya si Becka. “Hindi ko alam na mate ka ni Alpha Rain.”
Napairap siya nang marinig na namang muli ang terminolohiyang iyon. “Mate his face.”
Nagbago ang ekspresyon ni Becka. She gave her a disapproving look na tila binabalaan siyang h’wag uulitin ang sinabi niya. “Batuhin mo na siya ng kahit na ano, sampalin mo na siya, sapakin mo na siya, sigawan mo na siya, h’wag na h’wag mo lang ikakailang mate mo siya. Masasaktan siya, Vina.”
Ngumuso siya’t nag-iwas ng tingin. Nakaunawa naman marahil si Becka na ayaw na niyang ituloy pa ang usapang iyon.
“Shie is alright. Sa ngayon siya na ang tumitira ro’n sa bahay ni Alex. Kinompel siya ni Kill. Ang alam niya nasa Lake Salt ka ulit at pinakiusapan ng dati mong employer para bumalik sa bakery. Iyon rin ang sasabihin niya kay Alex para hindi mag-panic si Alex sa pagkuha sa ‘yo ng Alpha namin.”
“Hindi mo ba ako pwedeng tulungan? Promise, lalayo na ako ng tuluyan. Hindi na talaga ako magpapakita ever, tulungan mo lang akong makatakas.”
Umiling-iling si Becka. “Pasensya na. Nasa pack ako, Vina. Lahat ng loyalty ko sa ngayon nasa Alpha ko. Hindi kita pwedeng tulungang tumakas. Hanggang ganito lang ang pwede kong itulong sa ‘yo. Pasensya na talaga.”
Bumuntong hininga si Vina at nalaglag ang balikat dahil sa panlulumo. “Hindi ko maintindihan. Tao ako, ni hindi ko nga alam kung paano mag-shift bilang lobo. Becka, hindi pa ako nakakapag-shift sa wolf form ko ever at alam kong hindi ako pwedeng mag-shift sa gano’n kaya paano mangyayari na magkakaroon ako ng mate at isang Alpha pa? Malaking gulo ito.”
“Alam ko, alam ko. Pero ang sabi sa akin ni Enie, baka raw nakuha ang mating traits sa werewolf gene mo. Then the rest is human. It’s just that mas malakas lang ang pull kay Alpha Rain dahil werewolf siya at Alpha, heightened ang lahat ng senses niya. Sa ‘yo… normal lang. Na parang pwede mong pagkamalang attraction.”
“Anong gagawin ko?”
“Hindi ko alam. Seriously, Vina, hindi ko alam. I think Rain is all set with keeping you forever in here until you give up and stop running away from him. Alam mo bang ikaw pala ang dahilan kung bakit dalawang araw na walang kumausap sa kanya? He’s so mad and devastated when you left him in the forest. When he howled in agony, you should’ve felt the pull and ran back towards him but you didn’t.”
Nag-iwas si Vina ng tingin. Bigla siyang na-guilty, tipong parang may kung anong kumurot sa kanyang puso. “I… I almost did.”
Katahimikan. And then later, Becka simply ended with: “You are mates, Vina. Hindi mo pwedeng itanggi ‘yon.”
Vina simply sighed at hindi na nagsalita. Of all people, bakit siya pa ang kailangang magkaroon ng mate na Alpha? Pinaglalaruan ba talaga siya ng tadhana?
I mean, seriously… masaya ba akong paglaruan? Para kasing hindi ako natutuwa, eh.
Umalis rin si Becka mayamaya matapos masigurong maayos siya’t maitanong kung ano-ano pa ang kailangan niya. Sabi kasi nito, magdadala daw si Becka ng mga posibleng kailanganin niya. Girls stuff and such. Malamang ay wala naman kasing alam ang kumag na iyon sa mga ganyan.
Ginalaw-galaw ni Vina ang mga kadena. Imposibleng masira niya iyon. Masyadong matatag ang pagkaka-install niyon sa bed post. Isa pa, sigurado siyang hindi lamang basta-bastang kadena iyon. After all, sa dungeon nanggaling iyon at hindi lamang simpleng tao ang kinakadena roon.
Napapitlag siya mula sa pag-iisip nang makarinig ng sunod-sunod na magagaang katok. “Alphiya, papasok po ako.”
Bumukas ang pintuan kasunod niyon. Pumasok ang babaeng may dala ng tray. Inilapag nito iyon sa harapan niya. Pagkain. Maraming maraming pagkain. Akala yata nito’y isang dekada siyang hindi kumain.
“Ako po si Lena, Alphiya,” ngiting pagpapakilala nito sa kanya. “Heto po, kumain na kayo. Baka nagugutom na kayo.”
Itinaas niya ang kamay niya na nakakabit sa kadena. “Seryoso ka? Hindi ako komportableng kumain ng naka-ganito.”
She nervously glanced at the closed door. Naningkit ang mga mata ni Vina. Tumingin ito sa kanya at biglang naging nerbyoso ang ekspresyon ng mukha nito. “H-hindi ko raw po kayong pwedeng pakawalan, Alphiya. K-kaya sige na po, p-pwede naman po kayong kumain ng naka-ganyan. H-hindi naman p-po siguro magiging problema.”
“Ayokong kumain ng naka-ganito.”
“P-pero…”
“Ah ewan! Fine.” Kung hindi niya lang nararamdaman na parang bibitayin ng kung sinumang nasa labas ng pintuan na iyon ang babaeng kawaksi, hindi talaga siya kakain.
Kumain siya ng tahimik. Nakangiti na ang kawaksi habang binabantayan siya. Para namang makakatakas siya habang kumakain.
“May tanong ako, Lena.”
“Ano po ‘yon, Alphiya?”
“Ilang turnilyo na ang nalaglag sa Alpha n’yo? Nagpa-check na ba sa Mandaluyong ‘yan? Pakiramdam ko malakas na hablig sa utak n’yan eh.”
Biglang namutla si Lena. May narinig siyang galit na ungol na nagmumula sa likuran ng pintuan. Napangisi siya. “Hindi mo alam kung ilang turnilyo ang maluwag?”
“A-Alphiya… ano…”
“O baka laglag na lahat?”
“Alphiya… h-h’wag n’yo na lang pong isipin kung—”
“Isa pang tanong. Mahilig ba talaga siyang mang-harass ng mga babae?”
Napatalon sila sa gulat ni Lena nang ibalibag ni Rain pabukas ang pintuan. Vina just smirked while he frowned. “One word from you and you’re gonna get what you’re looking for, Vina!” pagkatapos ay ibinalibag na namang muli nito ang pinto pasarado.
Nginiwian niya ang Alpha. “Yeah, like I’m scared! The way I ran the other day na parang si red riding hood ‘tapos ikaw ang big bad wolf na—”
Muling bumukas ang pinto. Dere-deretso siyang sinugod ni Rain. Napatanga si Vina sa mga mata nito. For a moment there she actually felt scared.
Then the next thing she knew, a pair of soft luscious lips pressed against hers. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang reaksyon. Hindi niya rin malaman kung anong gagawin. Rain held her head firm, ang kamay nito’y nasa likuran ng kanyang ulo at ang isa pa’y nasa kanyang baywang.
Hindi niya maisplika ang pakiramdam ng paghalik ni Rain. But one thing she was sure about is that… it felt good. She liked it. And it was weird because she liked it. Pakiramdam niya, ang bawat dampi ng labi nito’t bawat diin sa kanyang labi’y parang paghinga kay Rain. He kisses her like she was his reason to breathe. Like this was his reason to breathe. Hindi niya namalayang tumaas ang kanyang kamay at nailagay niya iyon sa magkabilang pisngi ng binata. Noon niya naramdamang kailangan na nitong huminga. He was loosing air as well as she was loosing hers.
“You gotta stop…” he panted. Ngunit ang mga mata nito’y nanatiling nakapikit habang naghahabol ng hininga. Lalayo ito sa kanya ng bahagya para huminga saglit ngunit agad ding dadampi muli ang labi sa kanya na para bang hindi nito kayang lumayo ng napakatagal. “…turning me on…” lumunok ang binata pagkatapos ay hinalikan siyang muli. Pull away then kiss her again, pull away again and then kiss her. The thing keeps going on and on. “I don’t know how to control myself…”
Until he pulled away completely at nag-deretso sa banyo. Iniwan siya nitong nakatunganga sa ere at lumulunok habang pinamumulahan ng mukha dahil naroon pa rin si Lena at parang binuhusan ng malamig na tubig ang reaksyon.
Vina feels for the girl. Naka-witness kasi ito ng mahalay na halikan between her horny Alpha at sa mate niyang naka-kadena sa kama. Isang eksenang madalas ay sa p*********y sites lang mapapanood.
Well, Vina, way to gooooo.