" Look, I am Caleb's girlfriend and anytime from now, we're going to get married. I will be Mrs. Alexander Caleb Hernandez soon." Malakas na sigaw ng isang babae habang nagsasayaw kasama ang mga kaibigan nito sa elite society.
Parang isang sampal na ang narinig ni Yna. Bigla syang natauhan mula sa kanyang kalasingan. Nakaramdam sya nang bigat kanyang puso at di nya namamalayang unti unti na palang bumabagsak sa kanyang pisingi ang mga luhang nais kumawala sa sakit mula sa narinig.
Pinagsisihan ni Yna ang pagpunta sa birthday ng kanyang kaibigan sa isang sikat at exclusive Bar para sa mga elite kung saan kabilang ang kanilang pamilya. Hindi naman talaga sya umiinom ngunit dahil sa gusto nyang pagbigyan ang hiling ng kanyang mga kaibigan dahil sa wakas ay graduate na sila sa college.
Dahil sa ingay at madilim ang paligid, walang may nakakita sa kanyang mga luha. Kinuha nya ang isang bote ng beer at itinaas sabay sayaw at sigaw nito.
"Let's celebrate this damn life guys!" let's enjoy this f****** night." sigaw nito habang tumatawa.
Gulat na gulat ang kanyang kaibigan sa inakto nito.
"Yna, are you okey? mukhang lasing kana. let's go, ihahatid na kita baka mapagalitan pa kami ng parents mo." Inawat sya ng kanyang kaibigang si Kate.
"No Kate, I want to enjoy this night, ngayon lang ako nagpakasaya so please hayaan nyo na muna-" Hindi na natapos ang kanyang sasabihin nang bigla nalang syang hinimatay sa gitna ng crowd.
"Besty, gumising ka!" Nag aalalang inalalayan ni Kate ang kaibigan.
Hihingi pa sana nang tulong si Kate nang may lumapit sa kanilang lalaki at tinulungan sila nitong maka labas ng bar.
"Paki sakay nalang dito sa kotse ko ang kaibigan ko, maraming salamat pogi ha!" kilig na sabi ni Kate sa do kilalang lalaki.
"I'm Gerry Lacson by the way and I'm the owner of this place." Saad ng lalaki.
"Kate, ano ba? balik tayo doon, di pa nga tapos ang party eh, at sino naman itong gwapong kasama natin ha? nasa heaven na na tayo? at parang may angel akong nakita ha? " Lasing na sabi ni Yna.
Humarap ang lalaki sa kanya para sana kamayan sya, ngunit hindi napigilan ng dalaga at nasukahan nya ito.
"Oh, sh*t besty what did you do. OMG! Im sorry Mr. Gerry." Pahayag ni Kate na hiyang hiya sa ginawa ng kaibigan.
"Oh, God. but it's okey. I can handle this. I think you should go. Para makapag pahinga yong kaibigan mo.
"He promise me that he will love me forever, despite of this D*** age gap we had, but I'm stupid coz I believed in him. He betray me, sabi nya pagbalik nya hindi na namin kailangang itago ang relasyon namin, pinaniwala nya ako sa walang kwenta nyang pangako. Tahimik at di makapaniwala si Kate sa mga narinig mula sa kaibigan.
Bigla nitong naihinto ang kotse at napatingin sa kaibigan. Lasing na lasing nga ito dahil sa mga pinagsasabi nito. Walang ka alam alam si Kate sa mga narinig mula sa kaibigan.
"You owe me a story Ms. Delgado, Marami kang sekretong tinatago sakin." sabi ni Kate sa sarili.
Kinaumagahan ay nagising si Yna sa sobrang sakit ng ulo. Dumadagdag pa sa sakit ng ulo nito ang sakit ng kanya g puso sa narinig na usapan kagabe na dahilan ng kanyang paglalasing.
"Walang hiya ka Caleb Alexander Hernandez! nahulog ako sa patibong mo. kaya pala pumayag ka sa gusto kong itago muna ang relasyon natin dahil pinaglalaruan mo lang ako, dahil option mo lang ako, Hindi ka manlang nahuya sa kuya ko. and worst! ibinigay ko sayo lahat, isinuko ko ang sarili ko sayo. sh*t napakalaki Kong Tanga!"
Tatlong araw nag kulong si Yna sa loob ng kwarto. ni hindi namalayan ng mga magulang at kapatid nito na may sakit na syang iniida dahil sa pagka busy nito sa kanilang negosyo.
Hanggang sa isang umaga napag desisyonan niyang bumaba para mag breakfast ngunit parang hindi nya ma control ang kanyang sarili sa pagkahilo na parang mabubuwal at may kalabasa sa kanyang bibig dahil sa na aamoy nitong bawang mula sa kusina.
"iha, na paano ka? may masakit ba sayo?" Tanong ng kanyang Yaya Soling" Bigla syang nahilo at natumba.
Nagulat ang dalaga ng bigla syang nagising sa amoy alcohol na paligid.
"Mommy, ano po ang nagyari at bakit po ako nandito?" Tanong nito sa makuha luhang Ina.
"Anak, I'm sorry, I'm very very sorry kung nagkulang kami ng Daddy mo sayo. Kung na ubos ang oras namin sa negosyo. Lagi mo lang tandaan anak na mahal na mahal ka namin ng daddy mo." Saad ng lumuluhang ginang.
"We're here for you anak, hindi ka namin pababayaan. " Sabi ng ama nito at hinawakan ang kanyang kamay.
"Mommy, Daddy ano po ang nagyayari? "
Tanong nito.
"Anak, buntis ka! 3weeks pregnant ka. kaya ka nasuka at nahilo."
"Mommy! I'm sorry" Tanging nasabi ng dalaga at tuluyan nang naiyak ito.
"Anak, stop crying, makakasama sa inyo ng baby mo yan. whatever happens nandito kami ng dad at Kuya mo. What ever decisions you have. Susuportahan ka namin. " nakangiting wika ng ginang.