CHAPTER 2

947 Words
Bella's POV Hapong-hapo akong umupo sa isang silya dahil sa rami ng gawain na ipinapagawa sa akin sa buong araw dito sa kusina ng palasyo. Ako nalang ang nagprisenta na gumawa ng gawain dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ni lolo Marsyas dala na rin ng katandaan. Bubuhatin ko na sana ang mga plato upang iayos ito sa kanikanilang lalagyan. Nabitawan ko ang mga ito dahil parang sinisipsip nito ang temperatura na nagmumula sa kaharian ng Muspelhiem. "Ang tanga tanga mo naman simpleng gawain lang sa palasyo ay hindi mo pa magampanan ng maayos!" agad akong napalingon dahil sa malakas na pagaspas ng mga pakpak at hindi nga ako nagkamali si Megarea nanaman iyon. "Patawad, Hindi ko po sinasadyang mabitiwan ang mga plato." sagot ko sa kanya habang naka yuko at hinihimas ang kamay kong napaso. Hindi ko maipaliwanag kung bakit napakadali lang para sa kanila ang mga gawain sa palasyo ng hindi napapaso. Samantalang ako ay nagkakasugat sugat sa mga simpleng gawain na inuutos sa akin. "Pambihira ang hina-hina talaga ng mga mortal. Maari ka nang magpahinga bumalik ka nalang bukas para tapusin ang mga trabaho mo." sabi niya sa akin at ibinuka ang kanyang itim na pakpak at lumipad sa bintana ng kaharian. Matapos kong linisin ang nga nagkalat na mga plato sa sahig ay naglakad na ako palabas ng palasyo. Maliligo muna ako sa isang maliit na bukal bago umuwi at magpahinga. Nang makarating ako doon ay agad kong hinubad ang aking saplot at nagsimula nang magbabad sa medyo mainit na tubig ng bukal. Hindi ito tulad ng tubig na mula sa palasyo na sobrang init. At dahil banayad sa katawan ang tubig nakakatulong din itong mas mapabilis na pag-galing sa mga sugat at pasa sa katawan ko. Napangiti ako ng mapait nang makita ko ang marka ng latigo sa aking braso. Simula ng ibalik ako ni Lolo Marsyas sa poder ni Prinsepe Red ay puro p*******t lang ang nararanasan ko sa kanya. Ang buong akala ko ay magiging masaya kung mas malapit ako sa taong matagal ko ng hinahangaan. Ngunit hindi pala. At kahit na anong pagpapahirap ang gawin niya sa akin ay hindi parin mawawala ang pagtingin ko sa kanya. Pumitas ako ng isang tangkay ng bulaklak ng spider lily na tanging dito lang sa lugar na ito tumutubo. "Nandito ka lang pala." sagot ng isang matipunong boses dahil sa pagkabigla ko ay agad akong nagtago sa isang malaking bato upang matakpan ang hubad kong katawan. "S-sino ang nariyan!?" patanong kong sigaw sa lalaki. "Ako ito si Surtr." napalaki ang aking mga mata at sinilip kung ang hari nga ba ang narito. Laking gulat ko ng makita ko siyang naka upo sa bato malapit sa bukal. "P-pagpasensiyahan niyo na po mahal na Hari ngunit m-maari po ba kayong tumalikod saglit? M-magsusuot lang po ako ng damit." sagot ko sa kanya. "Ah ganon ba, sige maari ka nang magdamit." sagot niya. Sumilip muna ako upang kompirmahin kung nakatalikod na siya bago ako naglakad papunta sa likuran niya upang kunin ang damit ko na naka lagay sa batuhan. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay pinagmamasdan ko ang kabuoan niya. Ang maatoridad niyang postura ang maganda niyang pangangatawan. Ang kulay pula at mahaba niyang buhok na tinatangay ng mainit na hangin ng Muspelhiem. Bukod kay Prinsepe Red isa rin siya sa mga hinahangaan ko rito sa palasyo dahil sa angkin nito tapang at kakisigan bukod doon napaka-gwapo niya rin. Hindi mapagkakaila kung bakit maraming demonyita ang nakakagusto sa kanya. "Tapos na po ako Mahal na hari. Bakit po ba kayo naririto?" magalang kong tanong sa kanya bago siya humarap sa akin na may matamis na ngiti. "Nais ko lang namang ibigay ito sa iyo." sabi niya sa akin at may inabot siya sa aking mga bulaklak na hindi nagmula sa aming mundo. "Mga puting bulaklak." sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang mga ito at nilanghap ang mahalimuyak niyang amoy. "Isa yang puting rosas na nagmula pa sa mundo ng mortal. Nagustuhan mo ba?" sabi niya sa akin habang naka ngiti ng matamis. "Oo maraming salamat mahal na hari. Ngunit bakit niyo ba ako binigyan ng isang napakagandang regalo?" tanong ko sa kanya na ikinapagtataka ko. "Dahil espesyal na araw ito sayo. Hindi ba't kaarawan mo na ngayon kaunting panahon nalang magiging isa ka nang ganap na binibini. Nararapat lang na makatangap ng magandang regalo ang napakagandang binibining katulad mo." naka ngiti niyang sabi sa akin at inabot ang mga buhok kong tumatakip sa aking mukha at inipit sa likod ng aking tenga. Agad naman akong napayuko dahil pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha dahil sa matatamis na mga salitang lumalabas sa bibig ng Hari. "Maligayang kaarawan Bella." sabi niya sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik sa aking labi na agad kong ikinapula. "Sige aalis na ako. Marami pa pala akong gagawin sa kaharian." sabi niya sa akin at agad na tumalikod. Hindi rin naka takas sa akin ang pamumula ng kanyang matutulis na mga tenga. "M-maraming salamat ulit sa mga bulaklak mahal na hari." sagot ko sa kanya ngunit hindi niya na ako nilingon at ibinuka na ang kanyang itim na pakpak at nagsinula ng lumipad sa ere. Nagsimula na din akong maglakad pabalik ng kaharian upang makapag hapunan at makapagpahinga dahil marami-rami pa ang nag-aabang na trabaho ko bukas sa palasyo. "Hoy, mortal ipinapatawag ka ng Prinsepe!" sigaw ni Megarea na nasa himpapawid. Nagmadali na din akong sundan siya patungo sa palasyo dahil ang pinaka ayaw ni Prinsepe Red ay ang pinaghihintay siya ng matagal. ~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD