Bella's POV
Paika-ika akong naglakad pauwi sa aking kubo. Pagdating ko doon ay nakita ko si Savania na nag-aayos ng pagkain para sa agahan.
"Ang aga mo naman atang pumunta dito." sabi ko sa kanya at nagsimulang kumuha ng damit ko upang makapaghugas ako ng katawan.
"Ikaw ang dapat kong tanungin. Bakit ngayon ka lang umuwi. Magkwento ka na dali." sabi niya at lumapit sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako bago nagsalita.
"Sige, pero wag kang magkwekwento nito sa iba hah. habang nasa kasiyahan ako kagabi may lalaking nakipagkilala sa akin at ang pangalan niya ay Lust. Binigyan niya ako ng alak. At ang alak na yun ang alak ng pagnanasa. Tapos hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising nalang ako na masakit ang pagitan ng binti ko. At ang mas lalo pang nagpayanig ng mundo ko ay magkatabi kami ni Prinsepe Red sa kanyang kwarto at walang saplot sa katawan." mahabang kwento ko naman sa kanya habang naka ngiti siyang nakikinig.
"Nako Bella. Sinabi mong may masakit sa pagitan ng hita mo at wala kayong saplot na magkatabi ni Prinsepe Red. Ang ibig sabihin lang nyan ay may nangyari na sa inyo ni Prinsepe Red. Nakuha niya na ang pagka-berhen mo!" sigaw niya habang yakap-yakap ang sarili na ani mo'y may kayakap siya na kung sino.
Napatulala naman ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na sa wakas ay napansin din ako ng nilalang na matagal ko nang hinahanggan.
"Ano ka ba hindi ka ba masaya?" tanong niya sa akin.
"Syempre masaya. Pero... Paano pag ang pangyayari na yun ay hindi na muling masusundan pa? Paano kung ang nangyari sa amin ay isang palipas oras lang tulad ng mga kung sinong nilalang na babae ang ikinakama niya?" malungkot ko namang sambit kay Savania.
"Ano ka ba. Syempre gumawa ka ng paraan na maakit siya sayo. Magpaganda ka manlang o kaya magsuot ka ng ka-akit akit na damit. At ganito ang gagawin mo kapag nariyan siya at kayo lang dalawa..." sabi niya sa akin sabay bulong sa aking taenga.
"Ano, hindi ko kayang gawin yun. Ni hindi nga ako nagsusuot ng mga maiiksing damit na halos wala nang saplot." sagot ko naman sa kanya at ramdam ko sa mukha ko ang pamumula nito.
"Ah basta. Maligo ka na dahil kukuha lang ako ng isusuot mo." sabi niya sa akin at tinulak ako papunta sa maliit kong banyo.
Wala na akong nagawa kundi buksan ang bangga at kumuha ng tubig doon para maligo.
"Yan bagay na bagay sa iyo." sabi ni Savania matapos niyang sapilitan akong pinasuot ng maiksing bistida na hapit na hapit sa akin. At halos iluwa na nito ang aking malulusog na dibdib.
Matapos naming kumain ay sabay kaming pumunta sa palasyo upang maglinis. Hindi kami magkasama sa paglilinis dahil inatasan siya sa ika anim na palapag ng palasyo. Samantalang ako naman ay nasa kuridor nagpupunas ng mga statwa ng mga nilalang.
"Ahmmmm.... Hmmm...." impit na ungol ng isang babae. Naglakad ako at sinundan ang ungol.
Nabitiwan ko ang hawak kong bangga na may lamang tubig ng makita ko ang isang babaeng Erinyes na mapusok na nakikipaghalikan kay Prinsepe Red. Para akong sinaksak ng isan daang patalim sa nakikita ko.
Napansin naman nila ang presensiya ko dahil umalingaw-ngaw ang tunog ng nabasag na bangga ng tubig sa sahig. Huminto sila sa paghahalikan.
"P-pasensiya na-na h-hindi ko s-sinasadyang abalahin k-kayo." nauutal kong paumanhin sa kanila at yumuko.
"Sa susunod ayos ayusin mo ang trabaho mo para hindi ka nakaka-abala ng iba. Tara na mahal na Prinsepe." sabi naman ng babaeng Erinyes at kumapit sa braso ni Prinsepe Red.
Tumingin ako ako sa kanya upang malaman kung ano ang reaksiyon niya sa aking itsura. Ngunit pinukawan niya lang ako ng walang emosyong titig. Napayuko nalang ako at naka-kagat labing pinulot ang nagkalat na basag na bangga sa sahig.
"Matapos mong linisin ang mga kalat. Magdala ka ng meryenda sa aking silid. Tara na..." yun nalang ang sinabi sa akin ni Prinsepe Red at hinila na paalis ang babaeng Erinyes.
"M-masusunod po k-kamahalan." yun nang ang tangging naisagot ko at nag bow sa kanya kahit na likod nalang nilang dalawa ang natatanaw ko.
Namalayan ko nalang na tumulo na pala ang aking luha. Ngunit bakit parang wala lang sa kanya ang namagitan sa aming dalawa ni Prinsepe Red ng gabing yun kung titigan niya ako ng walang emosyong tingin.
Napangiti nalang ako ng mapait, ano bang aasahan niya sa isang aliping katulad ko sa isang maharlikang katulad nila. Magpasalamat nalang ako dahil siya ang nadala sa akin sa mundong ito. Binigyan niya ako ng pagkain, tahanan at taong mag-aaruga hanggang sa paglaki ko.
Pagdating ko sa kusina ng palasyo ay naabutan ko doon si Savania na nagluluto. Natapos na pala siyang maglinis sa ika anim na palapag ng palasyo.
"Ano kamusta?" naka-ngiti niyang tanong sa akin. Ngunit binigyan ko lang siya ng mapait na ngiti.
"Hindi mo ba nagawa ang sinabi ko kanina?" usisa niya pang muli. Umiling lang ako sa kanya bago sumagot.
"Habang naglilinis ako sa palasyo kanina. Nakita ko siyang nakikipaghalikan sa isang Erinyes. Kaya hindi ako naka-kilos ng maayos ang malala pa ay nabasag ko pa ang bangga." sagot ko naman sa kanya.
"Bago ko nga pala makalimutan. Hihingi ako sa niluluto mo dahil nagpapahatid ng meryenda si Prinsepe Red para sa kanila ng babaeng Erinyes." sabi ko naman sa kanya at naupo sa bangko malapit sa pinaglulutuan niya.
"Ganon ba? Sayang naman. Pero kapag kayo nalang dalawa ay alam mo na ang gagawin mo." sabi niya sa akin kaya napangiti nalang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko.
Kaya matapos niyang magluto ay kumuha na din ako ng pagkain na dadalhin ko sa silid ni Prinsepe Red.
Tinahak ko ang pasilyo patungo sa kanyang silid na may mabibigat na hakbang.
Matapos ang tatlong katok ko sa pinto ay pinagbuksan niya naman ako. Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong nakikitang Erinyes.
"Prinsepe Red narito na po ang inyong meryenda." sabi ko naman sa kanya at derektang naka-tingin sa mga mata niyang walang emosyon.
"Ilagay mo nalang sa ibabaw ng mesa." sagot niya sa akin kaya naglakad ako patungo sa mesang nasa gilid ng kanyang kama.
Tulad ng sinabi ni Savania na ikembot ko ng kaunti ang aking pang-upo habang naglalakad. At kapag na ilapag ko na ang pagkain sa mesa at tumuwad ako ng kaunti. Hindi ko din alam kung bakit kailangan ko pa yung gawin.
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥