Prologue

2155 Words
"Era, apo, bakit hindi ka pa nagpapalit? Anong oras na?" Itinigil ko ang pagbabasa at nag-angat ng tingin upang makita si Lola na nakatayo sa tabi ng malaking aparador. Ngumuso ako at ibinagsak ang tingin sa libro. "Kailangan ba talaga nating pumunta, Lola? Wala pa po si Papa." "Hay naku, Era. Wala ka na bang balak buong summer kundi basahin iyang makakapal mong libro? Benjamin is expecting me there." Pinanlakihan niya ako ng mga mata. I sighed and closed my book. As much as I want to read more, I don't want to let Lola go alone to that homecoming party. Nasa trabaho pa si Papa kaya naman walang maghahatid sa amin. Lalong kailangan kong samahan si Lola. "Magtatagal ba tayo ro'n, Lola?" Tumayo na ako. "Era, ikaw talagang bata ka! You should at least socialize there!" Umiling siya. Ngumuso ako at binuhat ang libro. Inayos ko itong sa bookshelves at lumapit kay Lola upang alalayan siyang umupo. I put her cane beside the sofa and stood beside her. "Maliligo lang po ako. Susunduin po ba tayo ni Papa?" I asked. "Hindi ko alam at nasabihan ko naman siya kaninang umaga na may pagtitipon doon kina Benjamin. We'll call him later even your mother." She replied and focused her eyes on the television. Umakyat na ako sa aking kwarto upang maligo. Isang kulay rosas na bestido ang pinili kong isuot. I put on my stringed sandals. Pumunta ako sa harap ng malaking salamin upang tingnan ang kabuuan ko. Pinasadahan ko ng kamay ang alon sa aking buhok. My hair is naturally wavy, starting from the middle to the end. I put on very slight makeup to cover my pale skin. I have porcelain skin and it makes me look pale most of the time. Satisfied at how I look, I took my sling bag and went out of my room. "Kung wala pa kami at narito na si Arturo, sabihin mong na kila Benjamin kami. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay." Bilin ni Lola kay Manang Nona. Bumaling silang dalawa sa akin nang makalapit ako. Ngumiti si Manang Nona. I smiled back and glanced at my grandmother who is watching me closely. "Tingnan mo? That kind of beauty should be showcased outside! Hindi iyong nagkululong ka rito sa bahay!" Ani Lola. I frowned at Lola. She shook her head and stood up. "Tama nga naman si Lola mo, Era." Segunda ni Manang Nona. "I need to do advance reading, Lola." Sabi ko na lamang. "Not to the point you're going to waste your whole summer on that. Oh, siya, Nona, aalis na kami. Ikaw na muna ang bahala rito." Lola said and looked at me. Nagpaalam ako kay Manang Nona at umalalay kay Lola. Hawak ko ang siko niya habang palabas kami ng bahay. Binuksan ko ang gate at agad na pinara ang traysikel na paparating. "Sa mansyon ng mga Rosales." Si Lola ang nagsalita. Habang nasa biyahe kami papunta roon ay panay ang kuwento ni Lola. I've heard her stories multiple times kaya naman ay panay tango na lamang ako dahil alam ko naman na ang susunod sa mga kuwento niya. "It's a shame that Grace is not here anymore. Ilang taon na ang lumipas noong mawala siya pero hanggang ngayon ay namimiss ko pa rin siya." Biglang suminghot si Lola kaya nilingon ko siya. Sa ilalim ng kaniyang salamin ay namumula ang mga mata niya. I smiled and massaged her back. "Lola Grace is in her comfort place now, Lola. I'm sure that she's happy wherever she is." Alo ko. "Alam ko iyon pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Kung sana lamang ay nagtagal pa siya." I smiled and comforted her. I'm sure she misses her best friend so much. Bata pa lang yata ako no'ng mawala si Lola Grace. Asawa siya ni Lolo Benjamin. Based on her stories, they are the unseparated trio during their teenage days. The three of them are best friends. At kalaunan ay nag-asawa sina Lola Grace at Lolo Benjamin. Tumigil ang traysikel sa harap ng isang malaking gate. On the big gates, the surname of the family is deeply engraved. ROSALES. Bilang sa daliri ang pagpunta ko rito. Aside from Lolo Benjamin is the only person I know here, medyo malayo pa ito sa barangay namin. And I'm a very busy person too. Ilang taon yata no'ng huli kong bisita rito. Hindi ko alam kung huli na ba kami sa party o sakto lang. Maraming bisita sa malawak na bakuran ng mansyon. Doon ginanap ang pagtitipon. Maraming bumabati kay Lola, ilan sa mga ito'y dati niyang estudyante. She's a retired teacher that's why. I spotted some familiar faces. Ngiti lamang ang iginagawad ko sa kanila dahil abala ako sa pag-alalay kay Lola. "Naku, Ma'am Ethel! Kumusta na po kayo?" May lumapit na babae sa amin habang naglalakad kami. "Marian? Pasensya na at medyo nakakalimot na ako." Humalakhak si Lola. "Mabuti naman ako. Ito nga pala si Era, apo ko." "Hello, po." I greeted. The woman stared at me for a moment and smiled. "Ito na ba iyong anak nina Elicia at Arturo? She grew up as a fine lady! Sanggol ka pa lamang no'ng huling kita ko sayo, hija!" Tinapik nito ang balikat ko. I smiled again. Hindi rin nagtagal ay natapos ang usapan. Nagsimula ulit kaming maglakad. Lola is looking for Lolo Benjamin. In the middle of our search, someone loudly called Lola. "Tita Ethel!" A tall huge man is walking towards us. Maputi ito at hindi ko pa kailanman nakita. But somehow, he looks familiar. He looks like Lolo Benjamin. His son? "Beltran!" Sumigla ang boses ni Lola. Mabilis na niyakap ng lalaki si Lola. Naalarma ako nang biglang umiiyak si Lola. Tumawa ang lalaki at hinagod ang likuran ni Lola. "Don't cry, Tita. Aren't you happy that I'm back?" "Nakikita ko sayo ang Mama mo, Beltran. Maraming salamat sa Diyos at naka-uwi ka ulit pagkatapos ng maraming taon. Huling bisita mo rito ay noong nawala si Grace. Salamat at bumalik ka na!" Hikbi ni Lola. I watched them as they reconciled. Multiple times, Lola would reminisce her good old days and I have proven that she really loves her best friend, Lola Grace. "Is this Arturo's daughter?" Bumaling sa akin ang lalaki. I gave a small smile. Nakikita ko sa kaniya si Lolo Benjamin. Mas maputi nga lang ito. Hindi kaya ay ito iyong galing ibang bansa na sinasabi ni Lola? According to what she said earlier. "Hello po, ako po si Era." I said. "You look like your father, hija! But then, you got your eyes from your mother, I'm sure! Ang laki mo na! I'm your Tito Beltran, a friend of your father." Ngumiti ito. "Thank you po." Ngumiti ako. "Where's your father? Your mother is still in Canada, right?" He probed. "Ah, opo. Nasa trabaho pa po si Papa." Tugon ko. Tumango ito at bumaling kay Lola. Kumapit sa kaniya si Lola habang ako nama'y bumitaw na dahil nakaalalay na si Tito Beltran. "Let's go inside. I'll introduce you to my family, at naroon rin si Papa." Aniya. Along the way, greetings to Tito Beltran didn't stop. Nakumpirma ko ang tanong kung sino nga ba siya. Nang pumasok kami sa malaking mansyon ay hindi ko maiwasang mamangha. The Spanish mansion looks vintage as I believe it was built decades ago. Maybe 1970's or earlier. Galing sa isang marangal at mayaman na pamilya ng mga Espanyol si Lolo Benjamin. And until now, their family is considered as the wealthiest in Cagayan. Hindi ko pa kailanman nakita ang kaniyang mga anak, or maybe I have seen them when I was still a child and I don't remember it now. "Oh, Beltran! Kanina ko pa hinahanap si Admiral, buti at nakita kita." Isang matandang lalaki ang lumapit sa amin. "General, ikaw pala. Come with us, kay Papa po ang tungo namin ngayon." Tugon ni Tito Beltran. Hanggang sa makarating kami sa isang malawak na bulwagan kung saan kakaunti lamang ang tao. Nakita ko agad si Lolo Benjamin. He's wearing a black old man's hat with a smoke pipe in his lips. "Admiral!" Bati no'ng matandang lalaki. "General! Mabuti at nakarating ka!" Baritono ang boses ni Lolo Benjamin. Nanatili ako sa tabi ni Lola. Inilibot ko ang tingin sa bulwagan. Iilan lamang ang naroon at natuon ang tingin ko sa babaeng lumapit kay Tito Beltran. She kissed his cheeks then looked at Lola. "Tita, sana hindi niyo pa po ako nalilimutan." Bati no'ng babae. "Of course, Kriza! Ninang ako sa kasal niyo ni Beltran, paano kita makakalimutan? Nasaan na ang mga anak niyo? Gusto ko silang makita!" Galak na sagot ni Lola. "That's good to hear, Tita! Narito po sila ngayon..." Sumulyap sa likod ang asawa ni Tito Beltran at may tinawag. Bumaling sa akin si Lola at ngumiti. I smiled back at her. Wala akong kakilala rito kaya naman ay tahimik ako. "This is your Tita Kriza, Beltran's wife." Bulong niya sa akin. Bumagsak ang tingin ko sa harap nang may dalawang lalaki at isang babae ang tumayo sa tabi ni Tito Beltran. Nagkatinginan kami ng babaeng sa tingin ko'y nasa edad ko lamang. She smiled widely at me. Tipid akong ngumiti. "These are my children, Tita. Boys, girls, this is your Lola Ethel. She's a great friend of your Lola Grace and Lolo Benjamin." Pakilala ni Tita Kriza. "Ang lalaki na nila, Kriza! Itong panganay mo lamang ang kilala ko! At itong dalaga mo, sa tingin ko'y kaedaran lamang nitong apo ko!" Masayang pahiwatig ni Lola. "Elicia and Arturo's only daughter? Hija, I'm sorry but what's your name again?" Ngumiti sa akin si Tita Kriza. "Elais Aurora, pero Era na lang po." I replied and smiled. "You are a combination of your parents! What a beautiful lady!" She exclaimed. "Thank you po." "These are my children! Ipakilala niyo ang mga sarili niyo." Utos ni Tita Kriza sa kanila. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang mga anak. Una ay iyong babaeng kasing edad ko lamang. She looks like Tita Kriza. She's wearing a yellow knitted dress. "Hi, I'm Kruise. Nice meeting you Era and Lola Ethel!" Ngumiti siyang muli sa akin at nagmano kay Lola. Malawak ang ngiti ni Lola sa kaniya. I smiled at Kruise too. Sunod ay ang lalaking nasa gitna. My supposed smile faded when I was able to take a proper check on the guy's appearance. He's wearing a baby blue long sleeve and dark maong pants. He got this clean undercut hair and a tiny silver piercing on his ear. He's tall and masculine even though I think our age gap is not that far. Nagtama ang paningin namin. Hindi siya ngumiti o kahit na ano. I remained stoic too. His grey eyes were dark and cold. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko, dalawang beses sa aking mukha at katawan. Slowly, the side of his lips rose into a mocking smile. "Olzen. Nice to meet you Elais Aurora. And you too, Lola Ethel." He said in his low baritone. Nanlamig ako sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Hindi ako makangiti kahit nakangisi na siya ngayon. Nagmano siya kay Lola at muling tumingin sa akin. I'm not naive or dumb. Unang tingin pa lang, alam kong laking syudad na ito. All of them actually. I don't know if he grew up in another country or whatever. But I do not like his guts and the way he looked at me. Arrogant and mocking. Hindi ko na napigilang umirap at sa tingin ko'y nakita niya iyon pero umiwas na ako ng tingin. Itinuon ko ang atensyon sa isa pang lalaki, na sa tingin ko'y pinakamatanda sa kanila. "I'm Tyrell. Ako po ang panganay sa kanila." Bumaling ito sa akin. "Hello, Era." Magaan na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Not like the other guy, this one seems to be more decent and gentleman. Mas matangkad din at mas mahaba ang buhok. "Si Olzen ay dito na mag-aaral ng kolehiyo. We can't control him in Manila and I'm hoping he'll change here. At kahit itong bunso namin na si Kruise, gusto niya ring dito mag-aral muna kasama ang Kuya niya." Narinig kong sinabi ni Tita Kriza. I want to roll my eyes. He'll study here? Why? He can't be disciplined in Manila? I grimaced at my own thoughts. Itsura pa lamang alam mo nang... Hindi ko napigilang sumulyap muli sa lalaking nasa gitna. He was talking to his brother when he glanced at me too. Our eyes met again. His cold grey eyes darkened and his brows raised at me. Nah, you can't discipline this guy here. He looks like someone who doesn't want to be tamed or controlled. What's the point of bringing him here? Better send him back to Manila... I stared at him coldly and looked away to attend to my grandmother. Suminghap ako at hindi na siya pinansin hanggang sa matapos ang party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD