Chapter 1

3190 Words
Chapter 1 Suminghap ako habang pinapanood ang marahas na alon sa karagatan. Tirik na tirik ang araw at ang sinag nito'y tumatama sa karagatan dahilan ng pagkinang ng tubig nito. Katatapos ko lamang mag-video call kay Mama upang i-pakita kung nasaan kami ngayon. It's been a week since the homecoming party and from that, Lolo Ben and Lola Ethel planned a trip before the summer ends. Hindi ko alam kung paano ako napilit ni Lola na sumama. Kahit si Papa ay sumama dahil inaya siya ni Tito Beltran. They are good friends just like their parents. The rough waves would dissolve as it reach the shore, then another would come. I scoop a hand full of powdery white sand only to throw it away. Ilang oras pa lamang nang makarating kami rito sa Sibang Cove, Calayan Island. Papa set up my tent since we will be having an overnight here. I have never been in this island. It's far from Peñablanca and the fact that I don't usually go out to somewhere far like this. Nakakamangha ang kagandahan ng isla. The water is crystal clear as I perceived. I can see mountains and rough terrains from afar. Ang pamilya Rosales lamang ang kasama namin ngayon. Kaunti lamang kami pero dahil may mga tauhang dala sina Lolo Ben ay medyo naparami. I sat under the trees aligned in the coastline. Lumayo muna ako sa mga kasama ko upang magbasa. I brought a fictional book with me along with my instructive books. Nag-aadvance reading kasi ako para sa pagpasok ko ng Senior High pero ngayon ay iba muna ang babasahin ko. I like reading love novels. Hindi man halata dahil madalas makakapal na instructive books ang kaharap ko. All the novels I read contributed to the principles I am upholding. "Era! What are you doing here?" Nag-angat ako ng tingin kay Kruise. She's wearing a white thin dress and a summer straw hat. I smiled a bit at her. We're casual since she talks to me a lot during the homecoming party and I learned that she will be in the same grade next school year. "I wanna read while watching the sea," I said. Hinawakan niya ang kaniyang sumbrero dahil mahangin. Hinahangin din ang buhok ko kaya naman ay sinikop ko ito at dinala sa kanan. I'm wearing a bohemian dress. "You should at least roam around first! Naliligo na nga ang iba e! Gusto mong sumama sa akin?" She offered. I shook my head at her friendly offer. She's very friendly and talkative and I am the complete opposite. I don't talk much kaya hindi ko alam kung bakit komportable ako sa kaniya. "Siguro ay maya maya na, or later this afternoon when the sun starts to set." "Okay. If you don't have anyone to be with you, you can just tell me ha!" She giggled. I smiled and nodded. Umalis din siya at nagtungo  sa dalampasigan. Kung hindi ako nagkakamali ay iyong panganay nila ang nilapitan niya, si Kuya Tyrell. Naging abala ako sa pagbabasa sa mga sumunod na oras. I was already in the middle of the book when I got interrupted from reading. "Excuse me..." I slowly looked up only to see a brute in front of me. Palihim akong umismid. Suminghap ako nang mapasadahan ng tingin si Olzen na nasa aking harapan na pala. Naka-itim na board shorts lang siya. Tumutulo ang tubig sa kaniyang katawan mula sa magulo at basang buhok niya. Saglit na tumigil ang tingin ko sa kaniyang tiyan. Dinadaanan ng tubig ang mga biyak sa kaniyang katawan. Iniwas ko ang tingin doon. Tumikhim ako at mabilis na umirap. Kinunot ko ang aking noo nang muli akong tumingin sa kaniya. "Yes?" Nagtaas ako ng kilay. Humangin ng malakas kaya muling nilipad ang buhok ko. He licked his lips and gazed at my face before averting his eyes to our background. Ibinaba ko ang libro upang itali ang aking buhok. "Alam mo ba kung nasaan ang..." tumigil siya nang muli niyang akong nilingon. Abala na ako sa pagtatali ng aking buhok.  I tied my hair into a messy bun before I looked at him again. He was staring deeply and darkly at me. Mariin ang titig niya sa akin. Malamig ko rin siyang tiningnan. "Alin?" He ran a hand through his wet hair. His strong jawline clenched as I stare back at him. He clicked his neck and looked at the other side. Dahilan kung bakit nasinagan ng araw ang kaniyang mga mata. Mahahaba rin pala kahit ang mga pilik mata niya. Ngayon ko lang napagtanto. I was impressed when I saw how it changed colors. His gray eyes turned darker. Nang muli siyang sumulyap sa akin ay umayos ako sa pagkaka-upo sa sarong. "Comfort room nila rito?" He asked. I frowned a bit. "I'm new to this place so I don't know. Magtanong ka sa iba." His eyes waned at me. I pursed my lips. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at pakiramdam ko para akong nawalan ng hangin sa baga dahil doon. I was taken aback when he slowly smirked at me. That same sardonic smile he once gave me. Nanlamig ako. "You're too cold, lady. Maybe I can do something about that, huh?" Aniya at biglang lumapit sa akin. Napakurap ako. Nanlamig ang aking mga kamay sa iritasyon at kaba. His eyes were cold and challenging. He's still smirking darkly. Kung hindi ko lang nakuha ang sinabi niya'y baka umirap lang ako pero hindi. "Iyan ba ang dahilan kung bakit ka pinapatapon dito sa Cagayan? Aside from playing with girls, ano pa?" Nagtaas ako ng kilay. Ilang dipa na lamang ang layo niya sa akin. Basa pa rin ang kaniyang katawan pero kaunti na lamang ang tumutulo mula sa kaniyang buhok. His body is ripped, I must admit. But so is his personality. His smirk grew wider then he shook his head, realizing something. Gusto kong tumayo at iwan siya roon pero hindi ko ginawa. He should be the one who leaves. "Hmmm. You're interested in me now?" Kinagat niya ang kaniyang labi. Stupid, arrogant city boy. Umirap ako at saglit siyang nginitian. Napatitig siya sa akin dahil doon. Akala mo naman ang gwapo gwapo mo. Tss. "No. You are exactly..." pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya hanggang mukha, "not my type." He chuckled after that. Umigting ang kaniyang panga at umayos siya ng tayo. Suminghap ako at tinanggap ang mariin at mapaglaro niyang titig sa akin. "You're not my kind of girl too." He said coldly. Nanliit ang mga mata ko. Saan ba patungo itong usapan namin? This is just our second interaction and our conversation is like this already. Sa totoo lang mas maganda ang pakikitungo ko sa mga kapatid niya at gano'n din sila sa akin. They're easy to mingle with but when it comes to him... never mind. Ampon yata siya at siya lang ang naiiba ang ugali. "I'm not asking." I shrugged and pursed my lips. He chuckled and bit his lips. Sa totoo lang ay naiirita na ako at hindi ko alam kung bakit parang nagugustuhan niya ang usapang ito kahit na nagdidilim na ang mga mata niya. "Do you have any more questions? Nagbabasa kasi ako e. Kung wala na, you can leave. You are blocking the magnificent view." Malumanay kong sinabi. Suminghap siya at lumunok. Gumalaw ang Adams apple niya. Sinalubong ko ang kaniyang mga mata. Bumagsak ang tingin niya sa binabasa ko. Ngumisi siya at kumibot ang labi. "Alright." He said and gave me another mocking grin before he left. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sana ay hindi na lang ako sumama at nagkulong sa bahay! Humikab ako at sinara ang laptop bago sumandal sa sofa. Mama just called me. Ilang araw din siyang hindi nakatawag sa akin dahil dire-diretso ang shift niya sa ospital na pinagtatrabahuhaan niya. Pagkatapos kong i-tabi ang laptop ay tumunog naman ang cellphone ko dahil sa mensahe ni Kruise. Kruise: Bukas na ang enrollment. Let's go together. Ngumuso ako at nagtipa ng reply. I nearly forgot, bukas na nga pala ang simula ng enrollment. Tatlong araw lang kaya naman ay bawal ang mahuli. Ako: Baka maraming tao bukas? Let's see. Agaran ang kaniyang reply. Tumayo ako at nagtungo sa dining room kung nasaan si Papa at nagkakape. Kruise: Agahan na lang natin. Dadaanan ka namin diyan sa bahay niyo. Sabay tayo kay Kuya. I sighed and decided for a minute. Sa huli ay sumang-ayon na lamang ako. This is the last semester before I graduate from Senior High School. Pareho kami ni Kruise, magka-iba nga lang kami ng strand. I typed my reply. Ako: Okay. Just text me beforehand. Tumingin ako kay Papa na abala sa kaniyang cellphone. I smiled when he glanced at me. "Mama said she'll call you," ani ko. "I'm waiting for her call," he nodded. "Tulog pa ang Lola mo?" "Opo. Manang Nona checked her a while ago. Enrollment na namin bukas, Papa." Naging abala ako sa pagtitimpla ng gatas. Pagkatapos ay muli akong humarap sa kaniya. Muli siyang tumango sa akin. "I'll give you the money. Pay the whole semester. Anong oras ka pupunta ro'n at baka maihatid pa kita?" Umiling ako. "Kasama ko po si Kruise. Sabay na lang daw po ako sa kanila." "Okay, then. I might overtime in the office tomorrow. Please, take care." He said. Kinabukasan ay naabutan ko si Lola Ethel sa kabisera. Abala siya sa pagkain at sumulyap sa akin nang pumasok ako ng dining room. "Good morning, Lola." "Pupunta ka sa unibersidad niyo ngayon? Nakaalis na ang Papa mo kanina pa," aniya. "Opo. Nagpaalam na po ako kahapon. Susunduin po ako nina Kruise." I replied. I'm wearing black high-waist jeans and a peach-smocked crop top long sleeve. I was planning to wear a dress but the weather is still cold since January just started. I was putting on my sandals when a loud Kruise entered our house. Nasa living room kami pareho ni Lola. Abala siya sa panonood ng historical show. I rolled my eyes at Kruise when she grinned widely. "Good morning Era! Good morning Lola Ethel!" Bati niya at mabilis na lumapit kay Lola upang magmano. Lola widely grinned and greeted her back. "Kayong dalawa lang ba ni Era?" Tanong ni Lola. "Ah, hindi po. Kasama po namin si Kuya Olzen. Siya po kasi ang nagmamaneho ng sasakyan." Tugon niya. Suminghap ako at tinapos ang paglalagay ng sandals. Saktong pagkatayo ko nang may pumasok sa pintuan. Kumalat kaagad ang panlalaking pabango. Nagkatinginan kami ni Olzen. Naka-suot siya ng dark jeans at white t-shirt. Simple lang pero siguradong marami na namang magpapansin sa kaniyang mga babae mamaya. "Goodmorning. Hi, Lola." He smiled sweetly at my grandmother. "Naku, Olzen! Pagwapo ka ng pagwapo! Kaya maraming nagkakagusto sayo, e!" Nagagalak ang boses ni Lola. Tss. Hindi na ako nagkumento at baka kung ano pang masabi ko. You're pumping air in his head, Lola. Inayos ko na ang mga gamit ko bago hinarap ang magkapatid. Olzen was watching me kaya naman ay bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Ngumuso siya sa akin kaya umiwas na ako ng tingin. "Lola, aalis na po kami. Mag-iingat po kayo rito." I said and kissed her cheeks. "Sure, sure! Huwag kang mag-alala at kasama ko naman si Nona. Hala, sige at mag-iingat kayo sa daan! Drive safely, Olzen." Ngumiti si Lola sa amin. "Sure, Lola. Alis na po kami." Paalam ni Olzen. Sa kanilang Hillux, ako ang nasa backseat at silang dalawa sa harapan. Panay ang tanong sa akin ni Kruise na sinasagot ko naman. On the way, I got busy replying to some of the messages from my classmates. Nang mag-angat ako ng tingin ay nahagip ko ang pagsulyap sa akin ni Olzen sa rear-view mirror. "Tumawag ba sayo si Daddy, Kuya?" Tanong ni Kruise dahilan ng pagbaling sa kaniya ni Olzen. Huminga ako ng malalim at sinulyapan na lamang ang tanawin sa labas. "Yeah, this morning. Mommy's coming back next week." He replied to his sister. "Era, labas tayo after nito?" Kruise queried. I glanced at her, avoiding any contact from his brother. "Saan naman?" "Anywhere? Nababagot na kasi ako sa bahay. Kababalik lang namin ng Manila at ayaw ko namang magkulong lang sa bahay." Sumulyap siya sa akin. "Sure. I'll just talk to my classmates after this." I said. Tumango siya at ngumisi sa akin. Hanggang sa makarating kami sa university ay hindi matigil si Kruise sa pagkukwento sa akin ang summer nila Manila at ibang bansa. Sabay kaming bumaba ni Kruise sa sasakyan nila habang ang Kuya naman niya'y sumunod. Akala ko ay sasama siya sa amin pero nagulat ako nang may sumalubong sa kaniyang babae at hinawakan ang kamay niya. Nagtiim bagang ako at tiningnan si Kruise na nakatingin din pala doon. I shook my head. That view is not new to me, of course. "I think that's his girlfriend. New girlfriend, hindi na nagtino." Umiling si Kruise. "Wala na 'yang pag-asang tumino." Umismid ako. Tumawa si Kruise ng malakas kaya sumulyap sa amin si Olzen. Hindi naman kasi siya kalayuan. Nagtama ang paningin namin. Malamig ko siyang tiningnan habang nanghahamon naman ang tingin na iginawad niya sa akin. Ang nakakunot niyang noo ay napalitan ng kakaibang ngiti sa labi. "What's funny, Kruise?" He asked his sister. Bumuga ako ng hangin at tinalikuran na sila. "You really have no chance, Kuya." I heard Kruise's mocking voice. "Sinong nagsabi?" Malakas ang pagkakatanong no'n ni Olzen at sa tono pa lang ng boses niya'y alam ko nang nakangisi ito. Mas binilisan kong maglakad. Hindi ko na narinig pa ang tugon ni Kruise. Ilang minuto pa'y nasa tabi ko na siya at humihingal. Sinulyapan ko. "Bakit mo ako iniwan doon?" She pouted. "Ang tagal mo e. Mahaba na ang pila panigurado." Malamig kong tugon. "You know sometimes, I really wonder if you're my best friend." Nagtatampo ang boses niya. Ngumiwi ako sa kaniya. "Wow, you say that after you pranked me multiple times, huh?" She giggled and hugged me sideways while we're walking in the hallway. Inirapan ko siya. "E itinigil ko naman na dahil no'ng huli'y galit na galit ka. Kakaiba ka pa naman magalit." She shivered. "I will knock your head endlessly if you do that once more." Babala ko. "Love you," ngumuso siya sa akin at ngumisi. Nagkahiwalay kami ni Kruise dahil pumunta siya sa mga kaklase niya. Tapos na kaming magpa-enroll na dalawa pero may kailangan daw din siyang kausapin. Isang oras ang itinagal ko sa mga kaklase ko. Pagkatapos no'n ay tumawag sa akin si Kruise, nasa canteen daw siya. "Aalis ka na, Era? Saan tungo mo?" Tanong ni James. "Sa canteen lang ako. I'll meet Kruise there." Tugon ko at inayos na ang bag. "Sabay na tayo. Doon din punta ko e." Tumango ako at sabay kaming lumabas ng room. Habang nasa daan ay pinag-usapan namin ang kukunin namin sa kolehiyo. "Sigurado na ang scholarship mo kung dito ka pa rin mag-aaral. Your grades would pass the 100% scholarship." He smiled. "Oo, dito pa rin ako mag-aaral. Ikaw din naman, ah? You got With Honor last year, I'm sure gano'n din ngayon or maybe you can excel too." "Let's see," he said and smiled. Maingay sa canteen pagdating namin. Hinanap ng mga mata ko si Kruise. "Kruise is there, Era." Ani James sa tabi ko. Nilingon ko ang tinuro niya. Sa dulo ay naroon si Kruise at kumakaway. Ngingiti na sana ako kung hindi ko lang nakita kung sinong kasama niya. Sa harap niya'y si Olzen kasama ang girlfriend nito. Madilim itong nakatingin sa akin kahit na may sinasabi ang girlfriend niya. Bakit nariyan ang mga 'yan? "Salamat, James ha. See you sa pasukan." I smiled at him. "Sure, Era." Aniya bago kami naghiwalay. Hindi ko na alam kung pang-ilang irap ko na ito ngayong araw. Malamig kong tiningnan si Kruise na malaki ang ngisi sa akin. "I'm sorry I didn't tell you na kasama ko si Kuya at ang girlfriend nito. Kain muna tayo bago lumabas?" Kruise said when I took the seat beside her. Kaharap ko ang girlfriend ni Olzen. Saglit ko siyang pinagmasdan. Straight jet black hair and heart-shaped face. Pulang pula ang labi nito. Bumaling ako sa tabi niya. Nagkatinginan kami ni Olzen. "Is that your boyfriend?" Biglang tanong ni Olzen sa akin. "Huh? Sino, Kuya?" Maang na tanong ni Kruise. "Your best friend, Kruise. I think she has a boyfriend already." Kumibot ang labi ni Olzen. Mariing kumunot ang noo ko. Anong ipinaglalaban ng lalaking ito? Nagtaas ako ng kilay. "I'm not like you, Olzen..." gusto ko pa sanang dugtungan ang sasabihin pero hindi ko na tinuloy dahil nasa harapan ko ang bagong girlfriend niya. The woman looked at me with questioning eyes. She's beautiful. This brute really knows how to choose, huh. Ilang buwan kaya ulit ito? O baka linggo na naman? "Sino ba, Kuya? Si James? Iyong kasama ni Era? Classmate niya lang iyon." Tumawa si Kruise pero hindi siya pinansin ng kapatid. Dumiin ang titig sa akin ni Olzen. Oh, you don't want me to spill teas in front of your honeybunch? Gusto kong ngumisi pero pinigilan ko. Don't worry Olzen, alam naman yata ng lahat ng reputasyon mo. "What do you mean, hmm?" Nanunuya ang malambing nitong boses. Halos kilabutan ako ro'n. I cringed at the way I described his voice. "Well, gusto ko kasing kapag nagka-boyfriend man ako, siya na rin ang magiging asawa ko. I don't like jumping from one relationship to another. I want a relationship that is not only a phase or a game played when you're bored. You know..." marahan kong sinabi at nagkibit balikat. Kinurot bigla ni Kruise ang hita ko. I glanced at her. Pinanlakihan niya ako ng mata. She sneered at the woman in front of us. I rolled my eyes at her. "Sa labas na lang tayo kumain." I said and glanced in front and stood up. Seryoso na ang tingin ng babae sa akin. Si Olzen naman ay hindi ko maintindihan kung galit ba o nalilibang. Whatever. "Tara na," bumaling ako kay Kruise. Mabilis itong tumayo at nagpaalam sa Kuya niya. Muli kong nahagip ng tingin si Olzen. He's already playing with his lips while looking at me. Mailap ang tingin niya sa akin ngayon. Tinalikuran ko na sila at sabay kaming lumabas ni Kruise. Bigla siyang tumawa pagkalabas namin at umiling. "Girl, what did you just do? Gaga ka! Nasa harap lang natin ang girlfriend niya!" Tumawa siyang muli. "Tss. If he didn't push my buttons, everything would have been smooth." "Hanggang ngayon ba'y aso't pusa pa rin ang turingan niyo ni Kuya? What's with you two? Ang init ng dugo niyo sa isa't isa." Umiling siya. "Huwag ako ang tanungin mo, Kruise. Malay ko ba r'yan sa kapatid. Kita mong nanahimik ako palagi pero siya itong nagsisimula ng usapang nauuwi sa bangayan." Umirap ako. "Ewan ko nga rin kay Kuya e. Hindi naman siya ganiyan sa ibang babae. Sayo lang. Sinumpa yata kayo." Humalakhak siya. "Oh please, don't include me in his curse." I rolled my eyes. Tumawa muli siya at kumapit sa braso ko habang palabas kami ng university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD