2
“First Conversation”
Room TC 2
Kinuha ko ulit tong subject na to kay Sir Von. Lagi kasi akong late sa kanya last sem at hindi ako nakakagawa ng activities kasi wala naman akong kapartner. Hindi naman ako bumagsak, incomplete lang. Pwede pa sana maayos, pero sabi ko uulitin ko na lang. Di naman sya naka-affect sa scholarship ko.
Paulit-ulit lang din naman pala ang sinasabi nya every sem. Saulo na nya pati kung paano nya ipapakilala yung sarili nya sa mga bago nyang students.
Nasa klase ako ni sir pero naiisip ko si Cliff. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Napapatawa na naman ako sa kilig mag-isa. For sure marami ang nakakarelate sa akin. Yung physically present, but mentally absent. Pumapasok para makita si crush.
“Miss Felly!” Nagulat ako sa pagtawag ni sir Von. Halos lahat ng mata ay nakatingin sa akin.
“Sir!” mabilis kong sagot, muntik nang mahulog sa upuan.
“Are you listening?” Malakas nyang tanong. Tumingin ako sandali sa paligid at halos kalahati ng klase ay hindi nakikinig. Pero ako talaga ang tinawag nya.
“Yes, sir. Sinusulat ko po yung mga sinasabi nyo.” Yumuko ako para kunyari nagsusulat talaga ako.
“Very good. You can use that for our first activity.” Sagot ni sir, at bumalik na sa pagtuturo. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
Napansin na naman ako ni sir. Mabuti naman nakapagpalusot ako. Sinusulat ko nga ba talaga yung sinasabi nya?
Sandali – ano ‘to? Kusang nagsusulat ang mga kamay ko?
Mas lalo naman akong natawa nung nakita ko yung notebook ko na puro I LOVE CLIFF ang nakalagay. Paano ko naman magagamit sa activity to? Baka di ko na naman matapos ‘tong subject na ‘to. Ano ba naman yan! Umayos ka nga Torrence!!
Bakit kasi lagi kang natakbo sa isip ko Cliff. Siguro pagod na pagod na yun ngayon. Kawawa naman.
Teka, si Cliff ba ‘tong nakikita ko?
Si Cliff pumasok sa classroom namin? Hindi ko lang sya naiisip, nakikita ko din sya. Hala, matindi na talaga ‘tong tama ko. Nagha halucinate na din ako.
Kusot naman ako agad ng mata. Pero nandun pa din sya. Isa pang kusot ng mata, medyo matagal.
Aray napasobra naman. Ang hapdi tuloy.
Nakikipag-usap sya kay sir Von, bakit kaya. Lahat ng mata nasa kanila. Tiningnan ko lahat ng mga babaeng nakatitig kay Cliff. Gusto ko silang sabunutan.
“Okay Mr. Airman you may now take your seat.” Sabi ni sir Von sa kanya.
Di ko alam kung tama ba yung narinig ko. OMG!!! Aatakihin ata ako sa puso.
Slow motion na sana ang lakad ni Cliff nang biglang dumagundong ang room dahil sa sigawan nitong mga babae dito. Akala mo naman may artista na nakita.
Well, artistahin naman si Cliff. Kaso di naman magpakipot ‘tong mga babaeng ‘to. Di man lang magpigil kahit sandalil.
“Starting today, dito na sa klase ko papasok si Mr. Airman kaya malamang wala ng male-late at aabsent sa inyo. Right Ms. Felly?” Bakit ako na naman ang pinuntirya nitong si sir Von? Buti na lang malakas pa ang sigawan. Special mention. Kainis tong si sir, hindi man lang nagbigay ng consideration. Kakahiya kay Cliff. Sabagay malay nya bang ako si Miss Felly. Hindi ako magrereact, kunyari na lang hindi ko narinig si sir.
Deadma lang ako. Kunyari di ko kilala si Miss Felly at hindi ko narinig si sir. Poker face lang ako, pretending na hindi nagwawala ang lamang loob ko dahil nandito si Cliff. Makita man lang nya na at least may isang babae na hindi sumisigaw.
“Pakibilis-bilisan ang pagpili ng upuan Mr. Airman, naabala ang klase ko.” Masungit na sabi ni sir. Sumangot lahat ng mga babae kay sir dahil sa pagsusungit nya kay Cliff. Kung hindi lang namin ‘to teacher baka nakuyog na ‘to.
Mukhang pasaway din ‘tong si Cliff. Hindi nakinig kay sir at mabagal pa ding naglalakad.
Umikot na naman ang ulo ko sa paghahanap ng vacant seats para kay Cliff, makatulong man lang sa kanya. Oh my gosh!! May bakanteng upuan sa tabihan ko.
Makapagpray kay God. Please po sana dito po sya maupo, promise po makikinig na ko sa klase ni sir at hindi na po ako male-late. Pumikit ako dahil ganito magdasal ng taimtim, just in case di nyo alam kung paano.
Hindi pa ko namulat biglang may nagsalita sa tabihan ko. Lord, ikaw na ba yan? Kinakausap mo na ba ako?
“Can I borrow your notes?”
Namatay na po ba ako sa atake sa puso? Sobrang bilis po kasi ng heart beat ko, baka macardiac arrest na po ako. Wag nyo po muna akong kukunin lord ha, virgin pa po ako.
“Bingi ata ‘tong babaeng ‘to.” Narinig ko ulit na sabi ng boses, kaya naman dahan-dahan akong dumilat.
Si Cliff? Si Cliff umupo sa tabihan ko. Alam mo yung di ka makagalaw, para kang yelo, para kang nakakita ng engkanto? Ganun, ganun ang nararamdaman ko ngayon. Grabe, favorite subject ko na ‘to. Kahit kunin ko to every sem okay lang basta’t katabi ko sya.
Teka, ano ba ‘tong sinasabi ko. Joke lang. Di pwedeng umulit na naman ako.
“Miss, sabi ko kung pwede akong makahiram ng notes?” sabi ulit ni Cliff, habang nakatitig lang ako sa kanya. Kinausap nya ako. Kinakausap nya ako!!!
Tumingin ako sa likuran ko, baka kasi nagaassume lang ako eh mahirap mapahiya. “Ako ba ang kausap mo?”
“Ikaw nga, dalawa lang naman tayo dito sa likuran eh.” Pilosopo nyang sagot. Sumandal sya na parang tinatamad. “Sobrang ingay, nakakabadtrip.” Tumingin sya ulit sa’kin. “Buti na lang di ka nakikisigaw sa kanila. Ayoko sa mga maiingay. Gusto ko ng tahimik.”
Tahimik daw, ang dami na nyang nasabi agad. “Palagi ka ba sa simenteryo?” Tiningnan nya ako ng masama. “Kasi - sabi mo gusto mo ng tahimik. Tahimik dun, di na nagsasalita ang mga tao dun.” Magjojoke pa sana ako kaso mukhang di na sya interesado.
Grabe ang gwapo nya kahit parang ansuplado. Ano ba ‘to natutulala ako sa kagwapuhan nya.
“Ah. Sure. Sure. Sa’yo na tong notebook ko.” Mabilis kong inabot ang notebook ko sa kanya. It took me few minutes bago maprocess lahat ng mga nangyari.
“What?” gulat na gulat nyang tanong habang nakatingin sa kamay ko na may hawak na notebook.
Ano ka ba naman Torrence? Ano bang sinasabi mo dyan?
“I mean hiramin mo na tong notes ko.” Grabe, halata na ata ako. Dapat panindigan ko na di ako desperada tulad ng iba nyang fans. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, ipinatong ko na kaagad sa desk nya yung notebook. Baka kasi magbago pa ang isip nya at sa iba na manghiram.
Inhale. Exhale. Kaya ko ‘to. Wait, nasa kanya na yung –
Wait. Notebook? Yung notebook ko? Yung sinusulatan ko kanina? Yung may I LOVE CLIFF?
Humarap ako sa kanya. “Ah teka lang saglit may tatanggalin lang ako dyan.” Ito na ang huling sandali ng buhay ko. I think ito na yung first and last na conversation namin. Natatawa sya, hindi ko alam kung kakainin na ba ako ng lupa today or maya maya pa ng konti. Mukhang nakita na nya.
Sobrang nakakahiya. “Akin na sabi.” Sinubukan kong kunin ng sapilitan. Alam kong may mga bagay na makukuha mo talaga kapag pinipilit, pero hindi ito yung pagkakataon na yun.
“Okay.” Inabot naman nya agad ang notebook ko. Tumingin sya sa’kin. “Galing magpanggap, di nakikisigaw.” Bulong nya pero narinig ko pa din, then he shook his head.
Pinunit ko yung page kung san nasulat ko yung I LOVE CLIFF at tsaka ko ibinalik sa kanya.
“Oh hayan na.” Then I rolled my eyes tsaka ngumiti. Nagpanggap ako na walang nangyari, na wala syang nakita, na wala akong isinulat.
"I LOVE CLIFF pala ha. Muntik na akong maniwala na di mo ako kilala. Sayang, one in a million ka na sana.” At tumawa sya. Napatawa ko ba sya? O tumatawa sya dahil iniinsulto nya ako.
No! Nabasa nya nga. Mabilis kong tinakpan ng bag ko ang mukha ko. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Feeling ko sili na yung mukha ko sa sobrang pula at sobrang init.
As soon as nagpaalam na si sir Von mabilis akong tumakbo palabas ng room. Medyo mahirap kasi ang sama ng tingin sa’kin ng lahat tapos papunta lahat sila kay Cliff. Ayokong mamatay sa stampede at kahihiyan at the same time kaya umalis na agad ako.
Bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko? Hindi kaya in love na ako?
Ayyyyy Torrence! Ano bang alam mo sa love? Gumising ka nga!!
17 years old na ako kaya pwede na akong ma- in love. Pero dapat hindi ko unahin ang landi, dapat pag-aaral muna. Marami namang gwapo dito sa Airman Academy, pero halos lahat mayayabang at maangas kasi mayaman. Alam nilang lahat ng scholar ako. Ayoko nga sanang pumasok dito kaso kasi mabilis matanggap sa trabaho kapag dito ka nakatapos ng pag-aaral. Minsan pagaagawan ka pa ng mga kumpanya. Tinitiis ko na lang din lahat para kay papa. Sya na kasi ang mother and father ko since namatay si mommy nung bata pa lang ako. Simula noon sya na ang nagpalaki sa akin. Hindi na sya nag-asawa, ako na lang daw ang babae sa buhay nya. Kaya dapat suklian ko ang paghihirap ni papa.
Mayaman yung family ni mommy at pilit nila akong kinukuha kay papa. Kaya big opportunity na nakapasok ako dito sa academy, at least hindi nila malalait si papa na hindi ako napag-aral sa magandang school. Pilit nilang sinusuhulan si papa ng pera, pero dahil ayaw ni papa pinanindigan nya ang pagiging nanay/tatay sa’kin. Sya na ang pinakamabait na lalaki sa buong mundo. Di pa ako nakakahanap ng tulad ni papa kaya hindi pa ako nagkakaboyfriend. Ang totoo – bihira lang may magkagusto sa’kin. Paano bukod sa hindi ako katangkaran eh payat din ako. Itim ang buhok, maputi, smiling face at hindi pala ayos. Feeling ko nga I’m one of the boys. Hindi dapat ako nakikinig sa t***k ng puso ko. Baka sa susunod ibang t***k na ang maramdaman ko. Nandito ako para mag-aral. At yun ang dapat kong isipin.