[Lucy's POV] Hinayaan niya akong magkulong sa kwarto sa kabila ng ginawa kong pambuwibwisit sa kanya. Kahit ang totoo, masama pa rin ang tingin nito sa akin kanina habang naglalakad ako paakyat ng hagdan. Pakiramdam ko tuloy nagpipigil siya, para bang wala itong balak na patulan ako pagkatapos niyang sabihin na sana hinayaan na lang nitong patayin ako ng tauhan ng mommy niya. Ayokong isipin na naging mabait siya sa akin dahil alam kong gagantihan din ako nito kinabukasan. Hindi pa naman siya ang tipo ng tao na marunong magtimpi kung walang binabalak na masama. Ilang beses din akong gumulong-gulong sa kama bago nagpagpasiyahang lumabas ng kwarto para tumambay sa sala. Hindi naman siguro masama kung gugustuhin kong sumimsim ng hot chocolate doon habang nakatitig sa kisame. Maingat ang mg

