CHAPTER 28

2287 Words
Hingal na hingal na napatigil sa pagtakbo si Julie. She was in an alley near the coffee shop. Ang layo din ng tinakbo niya. Hindi niya kinaya ang pagkakita kay Elmo. He looked so different... He was the same guy but he looked so different. Maybe because he was so happy. She breathed in as she thought of that. He was with someone. Someone he loved from what she heard of his conversation on the phone. Pagod na nagsimula siya maglakad. Hindi niya alam bakit ba kasi tinakbuhan niya ito. Nagmuhka tuloy lalo siyang tanga. She wiped the stray tears from her eyes. She composed herself first before making her way on to the coffee shop. Muhka naman na siguro siya okay diba? Nakaupo na si Kiko sa isang lamesa at busy sa kakakalikot sa sariling telepono. She wiped her eyes yet again and entered the shop just to see that Kiko had lifted his head and was now looking at her. Napuno ng pagtataka ang muhka ng lalaki habang nakatingin sa kanya. She offered a smile but Kiko was still looking curiously at her. "What?" She asked. Umupo siya sa harap ng lalaki na kanina pa nakatingin sa kanya na para bang nagiisip. Dito na sinimangutan ni Julie ang kaibigan. "Alam mo kanina ka pa. May dumi ba ako sa muhka?" "Have you been crying?" Agad agaran na tanong ni Kiko sa kanya. Julie stilled and stopped as she looked at him. "Ha?" Maang maangan na sabi niya. "Hindi ah." "Liar. Your eyes are red." Sabi pa ni Kiko. Umayos pa ito ng upo at tiningnan siya ng maigi. Binalik ni Julie ang tingin sa kaibigan. Malalaman din naman nito diba? So she opted to just tell him what was happening. "Nakita ko si Elmo." Kiko looked back at her with a surprised expression on his handsome face. "What?" "I saw Elmo. Here. In the Philippines." Sabi muli ni Julie at napabuntong hininga. "Ha? Kailan? Ano sabi niya?" Sabi pa sa kanya ni Kiko. Parang mas naexcite pa ito. Pero bago pa siya sumagot ay natawa na ito. "Muling ibalik na ba ang pag-ibig?" He sing songed at her. "He has a girlfriend." Mabilis na pigil ni Julie sa pangaasar sa kanya ni Kiko. The smile stood plastered on Kiko's face but his eyes fell and his lips formed a straight line. "Ah." Julie smiled sadly as she shook her head and shrugged her shoulders. "I did set him free." She said and shook her head. Tutulo nanaman kasi ang luha sa kanyang mata. "Kasalanan ko yun Kiko. Kasalanan ko na naghanap siya ng iba. Because I pushed him away. So wala ako karapatan masaktan diba? Pero bakit ang sakit pa rin?" She asked. Hinid na niya natiis at medyo naluha na nga. Pero napigilan pa rin niya ang sarili mula sa paghikbi. Luha lamang, walang iyak. Kiko looked at her in a sympathetic way as he placed a comforting hand on top of hers. "Hey. Hindi porke't ganun ang nangyari ay wala ka na karapatan masaktan. It's alright to feel hurt."  "Hindi eh." Julie said in a stubborn manner. She breathed in and looked at her friend. Kung si Kiko na lang...hindi. Hindi. Hindi niya gagawin iyon. She smiled lightly as she looked at him. "Thanks Kiko. You're a good friend. Can we talk about something else?"  "Sure ka?" Tanong pa sa kanya ni Kiko.  She quickly nodded her head. Ayaw muna niya pagusapan ang mga bagay bagay. And who knows, baka iyon na ang huling kita ulit nila ni Elmo diba? Diba? Siyempre hindi. Alam niya iyon. Pinapaniwala lang niya ang sarili para kumalma.  But she saw him again...at sino may pakana?  "Apo you made it!" Julie smiled as she entered the old Magalona household that same day.   Ngayon lang ulit sila nagpunta doon. Dahil kasama ni Elmo ay lumipad din doon ang mga magulang nito pati na si Lolo Erwin. Kaya ngayon na nakauwi na silang lahat ay balik na sila sa dating bahay.  Hindi alam ni Julie kung bakit ba siya pumayag na pumunta dito.  She was huggging Lolo Erwin who still called her apo while they stood in the receiving area of the house that Julie was so familiar with. Nakangiting binalik niya ang pagkakayakap sa kanya ni Lolo Erwin bago humiwalay. Nakatayo naman sa tabi niya si Lolo Jim.  At sakto ay may nakita siyang pamilyar na pigura na bumababa mula sa hagdan.  Her heart stopped as she saw him yet again.  Napatigil din ang lalaki sa pagbaba kaya naman naestatwa ito sa gitna ng hagdanan.  "Elmo don't just stand there! Come and greet your old friend!" Masayang sabi pa ni Lolo Erwin.  Elmo's grip on the hand rails got tighter. But he did finally go down and stood right in front of Julie.  Tahimik na napasinghap si Julie ngayon na mas kita na niya si Elmo ng maayos.  Ibang iba na ito. He was still handsome and had that boyish look she loved so much. Pero mas nadepina pa ang itsura nito. Makapal at kumukulot pa rin ang buhok nito pero mas maikli na ang tabas di gaya nung kabataan nila. At tumangkad din ito lalo at mas lumaki pa ang katawan. Muhkang batak sa gym.  Julie managed to smile up at him. "Hey."  Napansin niyang napapitlag si Elmo habang nakatingin din sa kanya. He straightened up and looked at her with a small smile on his face. "Kamusta?"  Di nila napansin na naglakad na palayo ang dalawang lolo na naghahagikhikan.  Nakita ni Julie na bahagyang napailing pa si Elmo bago muling ibaling ang tingin sa kanya. "You look good."  Hindi kaagad nakasagot si Julie pero tumango naman matapos ang ilang segundo at muli ay nginitian ang lalaki. "Thanks. You too. You've already graduated too right?"  Kung tama ang kanyang pagestima ay nakapagtapos na ito sa Columbia Business School.  "Yeah I have. Ikaw din diba?" Tanong pa ng lalaki.  Julie nodded her head. "Nagt-trabaho na ako sa SJH."  "Julie?" Natigil ang usapan nila nang nakita nilang naglakad si Mona patungo sa direksyon nila.  Julie's face lit up. "Hello po tita."  "Let me get a good look at you!" Sabi pa ni Mona at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Grabe napakaganda mo talaga iha! You're all grown up!"  "Ah thank you po tita." Nahihiyang sabi ni Julie.  "Dalagang dalaga ka na talaga." Tuwang tuwa na sabi ni Mona bago binalingan ng tingin si Elmo. "Ang ganda ganda ni Julie ano anak?"  Elmo looked at her and merely nodded his head.  "Mona tara na lalamig na yung dinner--o Julie!" Si Errol naman ngayon ang dumating na ngiting ngiti din nang makita siya.  "Hello po tito." Bati ni Julie sa ama ni Elmo.  "You look wonderful iha! O siya, kain na muna kaya tayo at nagugutom na yung dalawang matanda doon!"  Nagtawanan pa sila at nauna na papunta sa may dining area.  Julie looked back as she settled on one seat and Elmo took the one next to hers. Hindi naman nakatingin sa kanya ang lalaki pero bakit parang bigat na bigat ang pakiramdam niya. "Ang tahimik niyo naman mga apo!" Natatawa na sabi ni Lolo Jim sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. Julie and Elmo both stopped eating, their utensils in mid air. Natawa naman si Lolo Erwin at tinapik pa ang balikat ng pinakamatalik na kaibigan. "Di lang nila alam ang gagawin dahil nagkita ulit sila." Sabi pa nito. "Ano nga ba tawag niyong mga kabataan sa ganun? Yung shookt?" Kung di lang tigagal sa pangyayari si Julie ay natawa na siya sa sinabi ni Lolo Erwin. Pero totoo. Shookt was the right term. "Hey, you're still friend naman right?" Ngiti pa sa kanila ni Lolo Jim. Yung ngiti na nakakaloka. Saka naman tumawa ulit si Erwin. "Malay mo Jigs...muliiiing ibaliiik." "Lo." Saway bigla ni Elmo. "May girlfriend na po ako." "Anak nagbibiro lang lolo mo." Sabi pa ni Mona. Elmo shrugged his shoulders. "Para lang alam niyo." Pasimpleng napatungo si Julie. Ang sakit. Ang sakit sakit pero kaya naman niya tiisin. Namatayan nga siya ng dalawang magulang kinaya niya eh. So she merely lifted her head again with as small smile on her face. She looked at Erwin and just smiled back at the old man who playfully pinched her chin. "O siya sige na. E ikaw ba Julie Anne wala ka pang kasintahan?" Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita ni Julie na nakikinig si Elmo kahit na kunwari ay patuloy ito sa pagkain. "Wala pa po lo eh." She laughed. "Wala pa po kasi nagkakamali." Lolo Jim's boisterous laugh echoed throughout the whole dining area. "Nako. Ang dami dami kasi umaaligid diyan, wala naman pinipili." "Hinihintay mo ba si Elmo?" Tawa naman ni Errol. At lahat ay nagsitawanan na din. Blag. Napatigil sila nang marahas na ibagsak ni Elmo ang gamit na mga utensil. Kumalampag ito sa pinggan. "Please. Pwede ba...tama na." Sabi pa nito at napailing. He bit the inside of his cheek as he looked at them. "May girlfriend na po ako. Okay?" He looked at the two grandpas and sighed. "May I be excused?" Hindi na nito hinintay pa na may sumagot bagkus ay tumayo na mula sa kinauupuan silya at umalis na sa dining area. Bahagyang napatungo si Julie. Ganun ba na nakakadiring isipin na may pupwedeng relasyon pa din sila? He must really love his girlfriend then. Julie sighed as she lifted her head up. Sakto ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Mona at Errol na para bang humihingi ng tawad. "Pagpasensyahan mo na iyon Julie." Sabi pa ni Errol. "Baka nga pagod pa sa byahe." "Okay lang po tito." Kaagad na sabi ni Julie Anne. "Baka nga po pagod lang. Uhm, kung okay lang po sa inyo, kausapin ko lang po siya?" Hindi na rin tumanggi pa ang matatanda. Nakita ni Julie na napailing ang dalawa nilang lolo bago siya dumeretso sa labas. Alam niyang doon tatambay si Elmo. Alam niyang doon ito maglalabas ng galit. And she was right. Because he was at his old bench press. Tama nga siya, lumaki pa lalo ang katawan ng lalaki. He stopped lifting when he heard her. He placed the weights back before grabbing the shirt he had discarded. Malamig ang gabi pero tagaktak ang pawis nito. "Hey." She said. Nakatayo lang siya sa ibaba ng damo habang hinihingal na tinitingnan siya ni Elmo. "Hey." Sagot naman ni Elmo. He wiped his sweat before looking back at her. "Sorry. Sorry kanina. Uminit lang ulo ko." "You don't have to apologize to me." Sagot ni Julie. Yinakap niya ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin na nararamdaman. "But you can apologize to our lolos." Elmo looked at her as he stood up to his full height. Pakiramdam ni Julie bigla siya nanliit. Sinuot nito muli ang gamit na t shirt kanina bago ibaling ang tingin sa kanya. "I'd like to. Pero naiinis ako sa kanila. Di ba nila maintindihan na may girlfriend na ako?" Hindi kaagad nakasagot si Julie Anne. Ang sakit pala talaga no? Na may iba na mahal ang mahal mo? "You really love her huh?" She said. Hindi niya natanggal ang mapait na tono sa kanyang pagsabi. At nakita niyang naiinis na tiningnan siya ni Elmo. "No you don't get to do that." She looked at him with a confused expression on her face. "What?" "You don't get to sound like that." Sabi ni Elmo. "Bitter ka ba dahil masaya ako?" He asked. Mas lalo nanliit si Julie dahil nararamdaman na niya ang galit kay Elmo. "I wanted you." Sabi sa kanya ng lalaki. "I wanted to make it work kahit na magkalayo tayo. Kasi ganun kita kamahal noon eh. Pero ikaw ang umayaw. You ignored me. Didn't return my calls and messages. So what was I supposed to do Julie? Magmukmok? No." He almost spat. "I moved on. Freya was there when I was down. She made me happy. You don't get to ruin that." Muhkang ubos na ata ang luha sa sistema ni Julie dahil wala siya iba nagawa kundi tingnan lang pabalik si Elmo. Maya maya lang ay nahanap na niya ulit ang boses niya. "Tama ka. Wala naman ako karapatan eh. Alam ko iyon. Mahal kita Elmo. Mahal pa rin kita." Nakita niyang nanlaki ang mata saglit ng lalaki. Pero wala na siya pake at tinuloy pa ang sinasabi. "Mahal lang kita. Wala naman ako sinasabing mahalin mo din ako pabalik. Pero wag ka magalala. Magmomove on ako. Kaya ko yon. Kakayanin ko iyon." Hindi niya alam kung si Elmo ba ang sinasabihan niya o ang sarili niya basta lumabas lahat ng iyon sa kanyang bibig. "I want to say sorry. For hurting you. For not seeing how you wanted to fight. I'm sorry." Sabi niya ulit. Dito siya nakaramdam ng iyak. Kung saan humihingi siya ng tawad. "I'm sorry Elmo. I'll move on. I promise. I'll get over you okay? Consider it my apology to you." Her tears finally fell. As if a dam just opened. Walang ekspresyon na tiningnan siya ni Elmo. Muhkang wala na talaga itong nararamdaman para sa kanya. She chuckled aimlessly and shook her head. "I hope someday. Maging friends ulit tayo. Ikaw pa rin naman si Manski para sa akin." And with that, she had the strength to walk away. Nasa kabila lang naman ang bahay nila eh. Elmo moved on...so she should too. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: Hallo faneys hehehe! Kamusta? Kayo kamusta? Ay hahaha! Pwede ko ba malamaan ang inyong mga saloobin sa kabanata na ito? Maraming salamat! Pupwede din kayo bumoto kung inyong mamarapatin! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD