Malala na ito.
Alam ni Julie sa sarili iyon. Paano ba naman ilang oras na ata siyang patingin tingin sa profile ni Elmo.
Araw araw gumagwapo ito sa paningin niya at hulog na hulog na talaga siya. Nakakainis naman kasi eh! Medyo inaakala na din niya na may gusto ito sa kanya.
Pero hanggang akala lang iyon. She sighed. Mahirap na mahulog lalo na kung walang sasalo. Masakit eh.
Mapapapikit na sana siya nang marinig niya ang pag-buzz ng kanyang telepono sa tabi. Her eyes opened and she saw that it was a text from Elmo.
Ano nanaman kailangan ng loko? Wala kasi ito, pumunta daw sa lolo at lola sa side ng mom sa probinsya.
Ilang araw din daw ito doon.
She read the text.
From Manski:
Gawa mo?
He must be bored. Ano ba naman yan. He should be having fun there.
To Manski:
Wala. Nakahiga.
Pinatagal niya mga limang minuto para makalipas naman ang oras at hindi akalain ni Elmo na hayok siya sa pagreply dito.
At hindi niya alam kung matatawa o maiinis ba siya sa naging reply nito sa kanya.
From Manski:
Talaga? What are you wearing?
Ke-bastos na lalaki.
Julie rolled her eyes. Gaguhin niya kaya?
To Manski:
Suot? Wala din. Ang init dito eh.
It was after a few minutes that Elmo replied.
From Manski:
Tangina wag kang ganyan.
Mag-isang napahagalpak ng tawa si Julie Anne.
Saka siya muling nag reply.
To Manski:
Bakit? What's wrong? E mainit naman talaga.
From Manski:
Tinitigasan ako sayo.
Muli ay napahagalpak ng tawa si Julie Anne bago binaba ang kanyang telepono. Sira ulong lalaki talaga.
Hindi na niya ito rineplyan at dumeretso sa banyo para maligo. She was bored out of her mind.
Makapag shopping kaya mag-isa? Tutal malapit naman na ang birthday niya. In 2 days to be exact.
She should give herself a birthday gift of her own.
Matapos makaligo ay bumalik siya sa kanyang kama at nakitang nakailang mensahe na sa kanya si Elmo. .
From Manski:
Manski wag ka ganyan! Replyan mo ako!
From Manski:
Hoy!
From Manski:
If I send a d**k pick will you talk to me?
From Manski:
Manski yoohoo!
From Manski:
I'm bored
From Manski:
JULIE ANNE SAN JOSE!!!!
Julie couldn't help but laugh out loud yet again as she finally replied. Nagpapatuyo pa naman siya eh.
To Manski:
Don't you have anything better to do there!?
Wala pa ata isang minuto ay sumagot na sa kanya si Elmo.
From Manski:
Wala eh. Send ka ng picture mo.
Julie chuckled as she shook her head. She seemed to be doing that a lot whenever she talked to this guy.
To Manski:
No way, kakaligo ko lang pangit ko pa.
And another automatic reply came.
From Manski:
Gusto mo lang mabasa na sabihin ko na maganda ka eh.
Julie smirked. Hindi naman niya kailangan marinig mula kay Elmo. Alam na niya na maganda siya.
To Manski:
Maganda naman talaga ako. Kulit mo. Magshopping muna ako. Malay mo may mabingwit akong gwapo sa mall.
She pressed send and put her phone down.
But her device barely touched the material of her bed when Elmo started calling her.
Napatingin siya sa telepono.
She answered it in a heartbeat.
"Hello?"
"Wag mo susubukan Julie." Sabi ni Elmo bigla.
She raised an eyebrow even though he couldn't even see her.
"Susubukan ang alin?" She asked back as she put her phone on speaker while she applied some lotion.
"Susubukan mamingwit ng ibang lalaki!'
Napakagat labi si Julie sa sinabi nito. Was he jealous? Okay na sana e kaso nagsalita ito muli.
"Baka may iba na makakita e alam nila na magboyfriend tayo."
Oh. Akala pa man din niya nagseselos na talaga ito. Hindi pala.
"It was a joke Elmo." She sighed. Hindi na niya ito pinasalita pa. "Tama na, aalis muna ako. Mag-isa lang ako don't worry okay?" Saka niya binaba ang tawag. Hindi niya alam kung bakit naiinis siiya. O masyado lang kasi talaga siya umasa na baka, baka lang naman, kagaya niya ay may nararamdaman na din ang lalaki para sa kanya. Iyong pakiramdam na totoo. Ang kaso ay hindi. Kailan nga ba magiging sa kanya talaga si Elmo?
She sighed. Mas lalo tuloy niya gusto magshopping.
Sorry lolo baka ma max ko yung card mo.
Tinawag na niya si Kuya Jerald para magpahatid at sakto naman ay wala itong lakad kasama ang lolo niya. Pero nandoon na ito at nagt-trabaho sa kompanya.
Nasa labas na siya ng bahay at pinapanuod na minamaneubra ni Jerald mula sa loob ng garahe ang kotse.
Derederetso na sana ito nang makita ni Julie na may papadaan na motor.
"Kuya wait lang!" Tawag niya kay Jerald na kaagad naman siyang narinig at tumigil.
Tumigil saglit sa tapat ni Julie ang nakamotor bago sumaludo sa kanya at nagpatuloy na.
Weird. Julie just shrugged her shoulders. Naka helmet kasi kaya siguro hindi makasabi ng thank you.
Nagpahatid na siya kaagad kay kuya Jerald para makarami rami bago mag gabi.
Nakailang ikot na din siya. Hindi naman kasi siya sa damit magastos, kundi sa libro at kung ano anong abubot sa bookstore.
The cashier was ringing up her things when she heard someone coming up behind her.
Napatingin siya sa tao dahil medyo napatikhim pa ito.
Was he looking at her butt?! Napalingon siya sa lalaki at nakitang nasa edaran niya ito.
Ngumiti muna ito sa kanya nang mapansin na nakatingin din siya.
Pinigil niya ang sarili at kinuha na lamang ang mga binili na tapos na ipackage ng cashier bago nagmamadaling lumabas ng shop.
"Uh miss! Miss teka!"
She stopped walking, all of her bags still around her arm. Lumingon siya at nakitang ang lalaking nakasunod pala ito.
"Yes?" She said, arching her eyebrows.
"Uhm naiwan mo ito o." He said.
Napatingin si Julie sa package na hawak nito at nakitang may naiwan pala siya. Ang dami niya kasi dala!
"Do you need help with those?" Sabi pa nito.
Muhka naman itong mabait. Pero siyempre nagdecline siya. "No thank you."
At ngumiti lang ang lalaki. Kung titingnan ay gwapo din ito. Medyo moreno at mapungay ang mga mata.
"Salamat nga pala kaninang umaga." Biglang sabi ng lalaki.
At naliito itong tiningnan ni Julie. "What do you mean?" She asked.
The guy smirked at her. "Oo nga pala. Naka helmet kasi ako kanina."
And this was where Julie realized everything.
"Ikaw yung naka motor kanina?"
The guy simply chuckled before nodding his head. "Yeah. Don na din ako sa village na iyon nakatira."
"Ah. Ganun ba." Tanging nasabi ni Julie. "Anyways thank you." Sabi niya at kinuha na ang package mula dito bago naglakad palayo.
Hindi naman sa masungit siya. She just didn't find a reason to keep talking with the guy.
Sakto ay naghihintay na sa may parking lit si Kuya Jerald.
She quickly made her way home to go celebrate her new books.
"Kuya, may bago ba tayong neighbors?" Tanong ni Julie Anne kay Jerald habang papauwi. Tiningnan siya ni Jerald sa rear view mirror at nakita niyang parang napaisip din ito. At saka naman napapitik ito at muli siyang tiningnan sa salamin.
"Oo Jules! Don sa dating bahay nila Mr. Perilla? Yung lumipat an sa Australia? Estrada ata apilido."
Oh. Di na rin naman kasi tinanong ni Julie ang pangalan ng lalaki.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Ilang araw din ang lumipas. Aminado si Julie na medyo namimiss na din niya si Elmo. At dahil doon ay parang gusto niya sapakin ang sarili.
Namimiss mo tapos ikaw di man lang mamiss?
She sighed yet again. Nakaupo kasi siya sa fave spot niya; ang backyard ng kanilang bahay. Kaya din lumalabo itong mga mata niya e. Napakahilig kasi niya talaga magbasa.
"Lieanne?" Napalingon siya sa nagsalita at nakitang ang lolo pala niya ito.
Ang aga naman nito umuwi. Kakalagpas pa lamang kasi ng tanghali.
Mabilis siyang napatayo mula sa tanning bed na kinauupuan. She bookmarked her new reading with her favorite Mountains and Trees bookmark before following her lolo to the dining room.
At hindi ito mag-isa!
Nagulat siya nang makita ang lalaking naka motor at binalik ang package niya nung isang araw.
May kasama din itong matanda na medyo kamuhka din ng lalaki. Malamang sa malamang ay lolo ito nito.
"Ayan Lieanne! Come meet our new neighbors!" Sabi pa ni Lolo Jim niya at inabot ang kanyang kamay.
Lumapit naman siya at kaagad na hinawakan ng kanyang lolo ang kanyang kamay bago harapin ang bago nilang bisita.
"Lieanne this is Jerome Estrada and his grandson Fransisco."
"Kiko na lang po sir." Sabi nung lakaking una na nakilala ni Julie.
"Oh pardon." Tawa ni Lolo Jim. Julie loved it when his Lolo laughed like that. He just lit up the room whenever he did.
"Kiko ito nga pala ang napakaganda ko na apo. Si Julie Anne."
"Lolo." Mahinang saway ni Julie sa lolo niya. Bakit kasi kailangan ganun pa ang introduksyon.
"Maganda ka naman talaga iha. Di naman ako nagsisinungaling." Sabi ni Lolo Jim at hinalikan pa ang tuktok ng ulo ni Julie.
It was here that Julie gave a small smile to Kiko. "Julie na lang."
"Julie." Ulit pa ni Kiko at ngumiti.
"Anyways." Singit ni Lolo Jim sa moment. "Julie, Jerome here would like to invest sa stocks ng kompanya natin. Mag usap lang muna kami. Kayo din naman ni Kiko pwede mag usap." With that, he and Jerome left the two of them there.
Gusto pa sana habulin ni Julie ang kanyang lolo pero nakaalis na ito.
So she faced Kiko who was still smiling at her.
"Pinagtatagpo tayo ng tadhana." Kiko said shyly as he scratched the back of his head.
Julie smirked. "Tadhana ka dyan eh we're neighbors."
Imbis na maasar ay lalo lang tumawa si Kiko sa kanya. "Sorry sorry. Anyways, uhm, ano na gagawin natin? Muhkang matagal pa maguusap sila lolo."
Pinalaki naman kasi siya ng kanyang lolo na hindi rude.
"Don tayo sa backyard?" She suggested.
Kiko only nodded. Muhkang hindi na rin naman ito aangal.
"So taga ba talaga kayo?" Sabi ni Julie nang maupo siya sa tanning chair.
Kiko sat beside her. "Originally we're from Batangas." He said. "Kaso yun, yung dad ko talaga ang nagkaoffer dito sa Makati. Lolo just came with us kasi nabobore na rin siya sa amin."
"Well, not be presumptuous, hindi kasi mura ang stocks sa company nila lolo." She said. "So you guys must be rich too."
Mahinang napatawa si Kiko. "You could say that. May manggahan kasi kami dati sa Batangas."
"That's nice." Sabi pa ni Julie. "Kung may farm pala kayo doon edi sino na namamahala?"
"My tito." Sagot naman ni Kiko. "You? Usually kapag ganito susunod sa fmily business eh."
Julie shrugged her shoulders in answer. Madali naman kausap ito si Kiko. "Yeah well, it's expected of me. Pero kung ako, gusto ko talaga magsulat ng kanta na lang."
"Ah so you're a singer." Naiintriga na sabi ni Kiko.
Julie chuckled. "Sabi ko magsulat ng kanta hindi kumanta."
Kiko scrunched up his face. "Ganun na din yun." He then smiled at her. "Sige nga, kanta ka? Please?"
"No way." Natatawa na sabi ni Julie. Hindi siya sanay na may audience. Ang ka-isa isa niyang audience noon ay si Elmo.
And he must have telepathy or something because...
"Manski!"
Napalingon sa kaliwa si Julie kung saan kita niya ang entrance papunta sa backyard.
She squinted her eyes at the shadow approaching from the house's foyer. Is that...
"Hi Manski namiss kita!"
It was! Si Elmo nga!
Dito na napatayo si Julie Anne habang nalilitong nakatingin sa nakangiting muhk ni Elmo.
"Missed you Manski!" Sabi nito at yinakap siya. He pulled away from her before softly cupping her face to give her a kiss. "I love it when you wear glasses. Hot mo."
"Ehem."
May ngiti pa rin sa muhka na lumayo si Elmo sa kanya pero nanatiling nakahawak sa kanyang kamay. "Sino ka?"
"Manski." Saway ni Julie.
Elmo ignored her and put a possessive arm around her shoulder. The smile on his face was gone and was replaced with a smirk. Tila hinihintay ang sagot ni Kiko.
At muhkang hindi papatalo ang huli. "Kiko pare. Bagong kapitbahay nila Julie."
"Ahh." Simpleng sagot ni Elmo. "Kapitbahay din pala kita kasi ako nakatira dyan." Sabi nito at nginuso ang susunod na bahay. And then he looked back to Kiko. "Elmo nga pala pare, boyfriend ni Julie Anne."
Why did he sound so possessive? Napatingin si Julie dito bago ibalik kay Kiko at muli kay Elmo. Bakit parang nagpapatayan sa pamamagitan ng mata ang dalawang lalaki? They only just met though!
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Alam ko bitin pero ganun talaga hahaha! Anyways! Thanks for reading! Boto naman kayo guys at mag comment para mas mapadalas update ko hahaha! Saka pa birthday niyo na sa akin ang votes and comments hehehe! Thank you!
Mwahugz!
-BundokPuno<3