Sinara ni Julie ang pinto sa kwarto ni Elmo. Wala na siya ibang maisip na pagtaguan na kwarto sa bahay ng lalaki dahil ala namang pumunta pa sila ni Maqui sa bahay nila habang medyo basa pa din sila.
"Explain bes! Anong hindi kayo ni Elmo!?" Medyo nagaalburoto na sabi ni Maqui nang makapasok sila sa loob ng kwarto.
"Ssh!" Kaagad na sabi ni Julie Anne dito. She sat down on Elmo's bed. "Upo ka muna."
"Ha? Dyan sa kama ni Elmo? Wag na no!" Kaagad na umayaw si Maqui. "Baka kung ano ano na ginawa niyo dyan."
mas lalo lamang nangilabot si Maqui nang hindi sinagot ni Julie ang sinabi niya. "Mygahd! Haharot!"
"E-e kasi siya eh--" Simula sana ni Julie pero pinutol na ni Maqui ang sasabihin niyia.
"Nako pareho lang kayo! Pero teka! Hindi pa rin ako maka get over! Lasing ka ba o nalilito? Anong hindi mo jowa si Magalona!?"
Julie sighed as she palmed her face and looked at her friend. "Sigurado ka ayaw mo muna maupo?"
At saka naman binunot ni Maqui ang computer chair ni Elmo at doon umupo. "Di mo naman siya siguro kinabayo dito no?"
"My god Maq!" Sabi pa ni Julie.
"Tigil tigilan mo ako e hindi na intact yang virginity mo, malay ko ba kung ano na pinagagawa mo." Sabi pa ni Maqui.
Julie chose not to answer and instead hugged Elmo's pillow close to her. "Kunwari lang na magboyfriend kami."
Bahagyang nakaawang pa ang mga labi ni Maqui habang nakatingin sa kanya. "Ha?" Sabi nito, halatang nalilito pa.
Julie groaned. Ang hirap i-explain. She knew it was stupid. But it sounded even more stupid when she was telling it to someone else.
"K-Kasi, hindi kami tinitigilan nila lolo saka ni tito at tita, kaya ayun, sabi niya magpanggap kaming dalawa na kami na para tumigil na daw sila." O diba. Mas nakakatanga talaga kapag siya ang nagsabi.
"Bes naman!" Ani Maqui matapos ang ilang segundo. Siguro ay naabsorb na nito ang sinabi niya. "My god! Hindi iyon sapat na dahilan!"
"A-alam ko naman yun eh." Nahihya pa rin na sabi ni Julie Anne.
Maqui looked mind blown as she looked at her. "Kunwari lang talaga ang lahat ng yon? E bakit ang clingy niyo sa isa't isa? May pa gift gift pa na nalalaman!" Sabay hatak sa braso ni Julie para ipakita ang suot niyang bracelet na bigay nga ni Elmo.
Julie slowly pulled her arm back before looking at Maqui. "Sweet lang din talaga siya sa akin. Saka naging close na rin naman kami dahil doon."
"Pero ikaw mahal mo talaga." Ani Maqui.
Julie snapped her head up to her best friend who had a serious look on her face.
Tuloy na nagsalita si Maqui. "Hindi ako tanga bes. Iba ka makatingin din sa kanya. Hindi pagkukunwari lang."
Julie groaned. Iniiwasan niyang maluha dahil bakit naman siya maiiyak diba? "Ayun na nga eh. I fell for him hard bes."
"Wala na. Finish na." Naiiling na sabi ni Maqui bago ipagulong ang upuan palapit kay Julie Anne. "Bes, hindi pwede yan!" Sabi pa nito at inilapit muli ang sarili. "Pag-isipan mo mabuti yang ginagwa niyo aba! Diba matalino ka?"
Suddenly feeling ashamed, Julie looked down at the bed before turning back to Maqui. "Wala naman kami nasasaktan diba?"
"Sarili mo bes." Mabilis na sabi ni Maqui. "I mean, who am I to say pero kung hindi ka sigurado sa nararamdaman ni Elmo sayo, aba wag mo na hayaan ang sarili mo na masaktan. Tanungin mo kaya si Elmo?"
"Tanungin ang alin?" Julie said.
"Kung may gusto din ba siya sayo." Maqui said. "At yung totoong gusto ah. Hindi yung para lang sa aktingan niyo."
Ang daming pumasok sa isipan ni Julie nang sabihin ni Maqui ang lahat ng iyon. "N-natatakot ako malaman bes eh."
"E ano gagawin mo niyan?" Tanong pa muli ni Maqui. "Tuloy tuloy lang kahibangan niyo? Ikaw laglag tapos di ka niya sasaluhin?"
Minsan talaga ang galing mang truth slap ng mga kaibigan eh. Pero aminado din si Julie na takot siya tanungin si Elmo. To think na nandoon sila sa kwarto ng lalaki.
"Kung para sa mga lolo niyo at parents niyo lang din naman, maiintindihan ng mga iyon." Maqui told her. "E ikaw kasi bes paano ka diba? Mabuti na maaga malaman na."
"So, I have to ask him?" Ani Julie. "I have to ask him if he feels anything for me? P-paano kung wala?" Tanong niya ulit. At masakit isipin, mas masakit pa sabihin.
"Well you need to end it bes, bago pa na ikaw ang masaktan sa huli." Maqui said.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
It's been a few days since the pool party. Si Julie ang umiiwas kay Elmo. Naalala lang niya kasi ang pinagsasabi ni Maqui sa kanya at hindi na siya matahimik. Natatakot siya pero pakiramdam niya kapag nasa harap na niya si Elmo ay siya na rin talaga ang magtatanong dito ng sinasabi ni Maqui.
"Apo?" Napalingon siya sa kumatok at nakitang nakasilip sa pintuan ang kanyang lolo.
"Yes po?" She said, turning away from her computer.
Ngumiti si lolo at sinara ang pinto sa likod nito. "Handa ka na ba sa college iha?" Tanong nito.
Julie nodded her head in answer and gave a small smile. Medyo malayo sa bahay nila ang university kaya naman bumili na ng apartment ang lolo niya na malapit doon. And she was excited.
"Parang di ka masyado lumalabas ngayon." Ani Lolo Jim.
Julie tensed a bit. Nahahalata na pala ng lolo niya.
"Ayos ka lang ba talaga?"
Tumatayong tatay na din niya kasi si Lolo Jim kaya naman alam na alam nitong makiramdam sa kanya. "Ayos lang po ako lolo." She said again.
"You know you can tell me anything alright?" Sabi pa ni lolo.
Julie yet again nodded her head. "Opo lo, thanks so much." She said and approached him to give a hug.
Lolo Jim chuckled low in his throat as he kissed the top of her head. "Love you Lieanne."
"Love you too Lo." Ani Julie. Saka niya naramdaman na dapat lang ay kausapin niya na si Elmo.
She didn't want to deceive her grandpa any longer. Hopefully, she wouldn't be deceiving him because this was all going to be true. She hoped.
She felt sick to her stomach as she took a shower and got dressed.
Minsan lang din siya ngayon tinetext ni Elmo dahil naghahanda na rin ito para sa nalalapit na pagpasok nila sa kolehiyo.
At kung magyayaya man makipagkita ang lalaki ay siya ang umaayaw.
But she needed to face him now.
Sighing, she grabbed her phone and texted him.
Sana lang ay libre makipagkita ang lalaki.
Kung may pinaggalingan na lakad man ito ay sana nakauwi na dahil mag gagabi na din naman.
To Manski:
Hey, nasa bahay ka ba?
She actually waited for a few more minutes until Elmo replied.
From Manski:
Kakauwi ko lang. Kita tayo?
Huminga ng malalim si Julie. This was it.
To Manksi:
Backyard.
Hindi na niya hinintay pa ang reply ng lalaki at mabilis na bumaba papunta sa likod bahay nila. Kinakabahan siya na hindi niya malaman. She felt sick to her stomach but it was better to just get it over with.
Nauna siya. Kaya naman napagapsyahan niyang tumambay muna sa may tanning chair.
And finally, Elmo did come.
Natigilan si Julie. Ang tagal din niya itong hindi nakita. Sa iba siguro ay hindi ganun katagal pero kasi nung nakaraan ay halos araw araw silang magkasama.
"Hey Manski." Ngumiti ang lalaki sa kanya at umupo sa tabi niya sa tanning bed.
"Hey." She greeted and smiled back softly.
"Excited ka na ba mag college? Magkapit bahay daw apartment natin." Elmo informed.
Dito na siya natigilan. Talaga? Talagang pinaglalapit sila!
But she didn't want small talk. Baka masuka lang talaga siya eh.
"Manski..." She started.
Bahagyang humina ang ngiti sa muhka ni Elmo. Muhkang naramdaman na din nito na magiging seryoso ang kanilang usapan. "W-what is it?" He asked.
Sighing, Julie looked at him. Ilang beses niyang rinehearse ang sasabihin pero ngayon na kaharap na niya ito ay hindi niya alam ang sasabihin.
"M-Manski...ito bang deal natin..." She started and looked at him to see that he was looking intently at her. "P-parang naguiguilty na kasi ako na linoloko natin sila lolo."
That was partly true, and that she wouldn't be able to take it if Elmo won't reciprocate.
She saw him sighing as he played with his fingers. "So...ayaw mo na?"
Julie looked at him. "I mean, unless na lang..." Okay Julie kaya mo ito. "I was wondering, hoping...I don't know, may chance ba na maging totoo ito?"
Halatang nagulat din si Elmo sa sinabi niya. Pero muli ay bumuntong hininga ang lalaki. That's what she didn't want to hear. Hindi naman niya kailangan sabihin ang gusto niya iparating at alam naman niyang nakukuha ni Elmo ang lahat ng ito.
"Manski...akala ko ba...I wasn't thinking of..." He stopped first before he looked at her. Parang hinahalukay nito ang kaluluwa niya. "I'm just...I'm not there yet. H-hindi pa eh. H-hindi ko naisip."
Julie nodded her head. Pinipigilan niya ang sarili na maiyak. They weren't exact words but she knew what he meant. Tumingala siya dahil baka sakali bumalik ang luha.
"Manski please don't cry." Nahihirapan na sabi ni Elmo.
Julie sniffed and shook her head. "Hey, it's alright." She said. Ginusto naman niya ito eh. "I guess we better tell them then? Not the pretending part, basta kunwari nag break na lang tayo."
Pero hindi siya sinasagot ni Elmo dahil nakatingin pa rin ito sa kanya. Na para bang tinatantya ang gagawin niya.
She smiled wanly at him. "Okay lang ako. I broke my own rules. Kahit ako na kunwari ang nakipagbreak." Saka siya tumayo. Gusto na lang kasi niya magkulong sa sariling kwarto at ibuhos ang luha.
Pero tumayo din si Elmo at hinawakan ang kamay niya. "M-Manski, I didn't want it to come to this. I'm sorry. Please don't be mad at me...naging best friend na din kita."
The same sad smile was still on Julie's face. "I can still be your best friend. Yung best friend mo na lagi mo din kaaway." She laughed. "Just, remember that geeky girl who beat you at Tekken."
Sighing, she wiped her eyes yet again before looking at him. "Ako na bahala kayla lolo. Saka kay tito at tita. Basta kapag nagtanong sila sabhihin mo na lang na ako ang nakipagbreak kuno."
Nagsimula na siya maglakad palayo. Medyo tanga ba na umasa siyang pipigilan siya ng lalaki? Na sana ay hawakan siya nito at sabihin na nagbago ang isip nito?
Pero hindi. She didn't dare look back at him though. Mas pinili na lang niyang magmadali papunta sa sariling kwarto kung saan ibinuhos niya lahat ng luha.
Alam niya sa simula pa lang na dehado siya. Ayan, basag ang puso.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Yeah, her lolo and Lolo Erwin plus Elmo's parents weren't to happy that they'd broken up.
"Must've been just one summer then." Tawa ni Lolo Jim tungkol sa kanila ni Elmo habang tinutulungan siya nito sa kanyang bagong apartment. Walking distance ito sa kanyang bagong university kaya convenient talaga.
Napagusapan na lamang na kapag weekends o wala siyang pasok ay uuwi siya sa mini mansion nila.
"Siguro nga po Lolo." She said. "Elmo's still my friend though, kahit na sarap pa rin niya asarin." She acted like nothing happened. Na pull off nga niya na kunwaring boyfriend niya si Elmo eh, ano pa kaya yung hindi siya nasasaktan kapag nakikita niya ito diba?
"E magkatapat lang din naman apartment niyo." Sabi ni Lolo Jim habang umuupo sa sofa sa loob ng bagong apartment ni Julie Anne. "Saka kahit na naghiwalay na kayo ay binilin pa rin kita. It's better that someone is guarding you."
Julie rolled her eyes. "Lolo naman. Di ko kailangan ng guard."
"Sa ngayon oo kasi bukas pa lilipat si Elmo dito sa apartment. Gusto mo ba umuwi muna ulit sa mansyon?"
Julie shook her head at her lolo's question. "Gusto ko po gamayin ang bagay bagay dito."
Lolo Jim looked at her. "Dalaga na talaga apo ko." He said, smiling as he kissed Julie's cheek. "Pero tatandaan mo na ikaw pa rin ang prinsesa ko okay?"
Smiling Julie nodded her head and hugged her grandpa.
Saka naman tumayo na si Lolo Jim. "Oh well, may kailangan pa ako asikasuhin sa kompanya. You sure you're okay? Tawagan mo lang kami lagi kapag may kailangan ka ha?"
"Yes po."
Umalis na din si Lolo Jim dahil nga daw may aayusin pa.
Julie sat down on the couch. At least college na siya. Distracted siya.
Mula nung nagusap sila ni Elmo ng gabi na yon ay iilang beses lang sila nagkita ulit. At sa mga pagkakataon na iyon ay hindi naman sila masyado nakakapagusap. She tried to act normal. Hindi naman niya talaga 'ex' si Elmo kung tutuusin.
Okay she had to stop thinking about him.
Lumabas siya para bumili ng pagkain sa malapit na restaurant. Nakatayo siya sa harap ng elevator nang maramdamn na may tumayo sa tabi niya.
Lumingon siya at nakitang isa itong babae na kasing edaran niya. Maganda ang muhka nito na morena.
"Hi." Sabi ng babae. "Sa SAU ka din ba?"
Yeah usually ang may mga apartment doon ay estudyante ng SAU. Gaya nila ni Elmo.
She smiled back. "Ah oo. Ikaw din ba?"
"Yeah. Business Ad." Ani babae at inilahad ang kamay. "Maris nga pala."
Julie smiled. "Julie Anne."
"Friends na tayo ah?' Tawa pa ni Maris sa kanya.
Julie chuckled and nodded her head. "Kakain ka ba? Tara?"
"Yan ang pinakagusto ko sinabi mo." Maris laughed.
Julie laughed back. Nakakatawa na ulit siya. Muhkang kakayanin naman niya maka get over kay Elmo. Siguro? Sana? Bahala na.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
AN: Dito na po nagtatapos ang kwento ng mag Manski hahahaha charaught lang siyempre marami pa hanash para masaya diba XD
Guys comment kayo para alam ko kung ano nararamdaman niyo wahahaha and vote of course. thank you! Off ko pa man din bukas malay naitn hehehe! Thanks for reading!
Mwahugz!
-BundokPuno<3