Tahimik lamang na nakikinig si Julie Anne sa lecture sa harap. Freshman life was very good to her. She liked her new friends and her school.
"Ah I remember." Sabi ni Mrs. Diaz, ang kanilang Theology teacher at siyang adviser ng kanilang block. "Malapit na ang General Assembly ng Business Ad, pupunta dito ang mga senior niyo at mago-orient bago ang event okay?" She looked at her watch as she stood in front of the chalk board.
Maya maya lang ay dumating na ang sinasabi ni Mrs. Diaz na mga senior.
It was free time for the day kaya naman nagdisperse na silang lahat.
Ang mga upuan ay nakaikot sa kung saan saan sa loob ng buong classroom.
"Manski ano ba." Bulong ni Julie. Paano kanina pa ginagamit ni Elmo ang balikat niya bilang unan.
"Yii. Nakakakilig naman." Sabi pa ni Maris na kasama nilang nakatambay sa iisang bilog ng upuan.
Umismid si Julie Anne. "Nakakilig eh sinabi ko na matulog ng maaga eh."
Napalinga pa siya sa paligid. Mamaya makita pa sila ni Mrs. Diaz pero umalis naman na kasi ito at iniwan lang sila dahil may aasikasuhin pa daw sa faculty.
Makasuhan pa silang dalawa ni Elmo ng PDA. Kaunting galaw lang kasi ng babae at lalaki hinuhuli na sila. Kung gusto daw nila mag PDA ay sa school grounds lang daw sila pumunta pero wag daw sa classroom. O diba ang gulo.
"Comfy daw ng balikat mo kasi ate." Natatawa pa na sabi ni Maris kay Julie Anne.
Lumingon si Julie at nakitang tulog na tulog na ang lalaki. Hinayaan na lang niya ito. Naglalaro nanaman daw kasi ng video games buong gabi. Akala mo naman hindi na makakalaro ulit.
"Pero wala talaga kayo label?" Maris asked.
Again, Julie turned her head to see that Elmo was still sleeping on her shoulder. She simply smiled at Maris. Wala naman kasi talaga.
Sana meron. Kaso ayaw ni Elmo eh.
"Hello hello!"
Nagulantang silang lahat nang bigla na lamang may pumasok sa loob ng kanilang classroom.
Matangkad itong babae na halata naman ay mas matanda sa kanila.
May kasama ito na lalaki. Lalaki pero muhkang gusto maging babae.
"Hallo there!"
"Manski wake up." Sabi ni Julie at tinapik tapik ang pisngi ni Elmo.
"Hmm?" Sabi naman ni Elmo at sa wakas ay napaderetso ng upo. Gulo gulo pa rin ang buhok nito at nakapikit ang mata.
"Gising ka muna." Julie whispered as she caressed his cheek.
Elmo opened his eyes slowly as he looked at her and gave a small smile.
"Baliw." Ani Julie. Muhka naman kasi talaga itong tanga sa pag ngiti nito. Akala mo nakadrugs.
They focused on the two people in front of them, just listening to what they were going to say.
"Hello freshies!" Ani ng babae na may malaking ngiti sa kanyang muhka.
"Grabe no. Parang hindi na siya makakangiti ulit." Bulong ni Maris kay Julie kaya naman mahinang kinurot ng huli ang babae.
Patuloy silang nakinig.
"Anyways alam ko na sinabi na sa inyo ni Mrs. Diaz kanina na magkakaroon tayo ng assembly para sa Business department." Ngiti ulit ng babae. "Ay oo nga pala!" Sabay tawa nito. "I'm sorry nakalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Lizzie. Wag niyo na ako i-ate nakakatanda."
"Mas matanda naman talaga tayo sa kanila gurl." Sabay bulong pa ng kasama nitong lalaki.
Sinimangutan ito ni Lizzie at pabirong pinalisik ang mata. "Ano ka ba Steve, wag na nga kasi."
Umirap ang tinawag ni Lizzie na Steve pero nakangiti na nang humarap sa kanila. "Okay wag niyo na pansinin ang gurang na ito. Anyways ako naman si Steve. Ako ang PR ng Business Administration Society. Ito si Lizzie ang ating Auditor."
At muli ay ngumiti sa kanila si Lizzie na inunahan nanaman sa pagsasalita si Steve. "As you know magkakaroon tayo ng general assembly. Siyempre kailangan natin ng intermission number. So hihingi sana kami ng support sa inyo para bigyan tayo ng entertainment. Any volunteers?"
"Si Julie Anne po!" Nanlaki ang mata ni Julie sa nagsalita at napatingin siya kay Elmo na nakaupo sa tabi niya at nakataas ang kamay.
She glared at him and pulled his hand down but Elmo was already seen by Lizzie and Steve.
Nakangisi pa nga ang lalaki na tiningnan siya bago ito nagsalita ulit. "Si Julie po magaling kumanta. Sobra."
"Ay ang gwapo mo naman." Sabi pa ni Steve at naglakad na ito sa aisle ng classroom para mapuntahan si Elmo at Julie na nakaupo sa bandang likuran ng classroom.
Elmo smirked at the guy while Lizzie followed soon after.
"Sino si Julie Anne?" Tanong pa ni Lizzie.
"Siya po." Sabi ni Elmo at tinuro si Julie na gusto na talaga mag back out.
Lizzie and Steve looked at her. "Ganda mo ah." Sabi ng babae at napalaki pa ang ngiti. "Pwede sample?"
"Sample! Sample!" Sabay chant naman ng mga kaklase niya.
Pasimpleng sinimangutan ni Julie si Elmo na nginisihan lang siya at inudyukan siya na kumanta na.
"Sige na Manski." Sabi pa ng lalaki at pasimpleng kinurot ang tagiliran niya.
Napaigik si Julie Anne at tumikhim na lamang para matago ang lumabas sa bibig na tunog. She then looked at everyone who was patiently waiting for her to sing.
Ayaw naman niya maging KJ. So she gave a small sigh before preparing to sing.
Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan, umaambon lamang.
Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo
kung ang gusto mo lang ay ambon?
She stopped and slightly opened her eyes to see her classmates smiling at her.
"Gurl nakakainis naman ito. Ang ganda na ng muhka, ganda ng boses, gwapo pa ng jowa." Ani Steve. "Hindi ka nagtira gurl!"
"Ay, hindi ko po siya boyfriend." Biglang sabi ni Julie Anne.
Elmo had the same expression on his face.
Nang bigla naman nagsalita si Lizzie. "Ay...hindi mo siya boyfriend? Talaga?" She had this certain glint in her eye.
"Girl wag ka na mag feeling ang tanda mo na." Pangaasar pa ni Steve.
Sumimangot lang naman si Lizzie pero ngumiti din naman ulit at hinarap si Julie. "Biro lang. Anyways! Ang galing mo nga! Mygahd kailangan mo talaga mag perform sa assembly, please please please?" Sabi pa nito at pinagsalikop ang dalawang kamay sa harap ni Julie.
"Kakanta na po siya." Sabi pa ni Elmo.
Natatawa at sabay din na nalilitong tiningnan ni Lizzie silang dalawa. "Akala ko ba hindi kayo? Bakit parang--"
"Hindi po kami. Mahilig lang talaga sumingit yan si Elmo." Sabi ni Julie. She sighed. "Pero sige po mag perform din po ako."
"YES!"
Nang dumating ang lunch time ay nagtipon tipon sila sa malaking cafeteria ng university.
"Manski, ayaw ko na ikaw na umubos nito." Wala sa sarili na sabi ni Julie at tinutulak ang kinakain na plato ng fries kay Elmo.
Okay lang iyon dahil una, paborito ni Elmo ang fries, pangalawa, mahilig ito kumain.
Elmo didn't say anything and just pulled the plate of fries towards himself before proceeding to eat them.
Si Julie naman ay patuloy lang na binabasa ang dala dalang libro. Malapit na kasi ang huling chapter at hindi na siya magulo ng ibang kaibigan.
Pero saglit siyang napa-angat ng tingin at nakita na pinagmamasdan siiya ni Iñigo.
"What is it?" She asked from behind her glasses.
"Akala ko ba hindi kayo?" Tanong nito na pinagmamasdan pa rin silang dalawa ni Elmo.
Tumingin pa ito kay Elmo na nagkibit balikat lamang habang linalantakan ang natirang fries ni Julie.
"Hindi nga kami." Sabi pa ng huli at binalik ang tingin sa binabasang libro.
"Hindi kayo..." Maris started. "Pero talo niyo pa ang ilang taon nan a magkarelasyon sa sobrang komportable niyo sa isa't isa."
Elmo and Julie turned to each other. Hindi nagsalita ang lalaki kaya si Julie na lamang ang sumagot.
"Talagang kilala lang naming ang isa't isa."
Halatang gusto pa sana umalma ni Maris pero bigla naman lumapit sa kanila si Lizzie. She still had that large smile on her face.
"Hi guys!" Anito at nag beautiful eyes pa kay Elmo na busy lang naman sa kakakain. Nang walang nakuhang reaksyon mula sa lalaki ay binaling na lamang ang tingin kay Julie.
"Gurl, okay lang mag practice after ng classes? What time baa ng out mo?"
"Uhm...3 pa po eh."
"Ay sakot ganun din tapos ng last class namin." Sagot pa ni Lizzie. "Okay lang pagusapan natin yung program?"
Julie nodded her head. Ano pa nga ba magagawa niya? Saka niya naalala...
Binalingan niya ng tingin si Elmo. "Una ka na pauwi?"
"Sama na lang ako. Hintayin kita." Elmo answered in a bored tone before burying his face in his arms. Tamo, natulog. Ang galling...
Lizzie's forehead scrunched up as she looked at them.
"Akala ko ba hindi kayo?"
"God that was what we were asking a while ago!" Sabi pa ni Iñigo.
Julie sighed. "Uhm, hindi po talaga kami, humingi lang po kasi ako ng tulong sa apartment ko."
"Anong klaseng tulong?" Pang-aasar ni Maris. "Tulong gumawa ng bata?"
"Baliw." Mabilis na sagot ni Julie.
At pati si Lizzie ay natawa na lang din habang napapailing. "Anyways, see you later!" They watched her as she walked away.
Nang makalayo na ito ay sabay baling naman ni Iñigo ng tingin kay Julie. "Jules, anong tulong nga yun? I'm so curious."
"Mga tismoso talaga kayo. Tara na nga at next subject na natin." Sabi ni Julie at isinara pa ang binabasang libro. Mahina niyang kinurot ang tagiliran ni Elmo.
"Aray!" Ayan. Gising.
"Rise and shine sleeping beauty." Sabi na lamang niya bago tumayo mula sa lamesa. Narinig pa niyang nagsalita si Maris.
"Huy Elmo, dali na ano gagawin niyo sa apartment ni Julie Anne?"
Ano nga ba ang gagawin nila?
Matapos ang meeting sa mga higher batch para sa program ay dumeretso na pauwi si Elmo at si Julie Anne.
"Mygahd, isang tanong pa kung bakit hindi kami at masisiraan na ako ng bait." Sabi ni Julie habang linalapag ang bag sa counter ng kanyang kusina.
Umuwi saglit si Elmo sa sariling apartment dahil magbibihis muna ito.
Hindi naman kasi talaga sila. Kahit siya gusto niya. And she was just rolling with the punches. Malay ba niya maging totoo din balang araw diba?
Anyways, she needed to focus. Dahil pipinturahan nila ngayon ang kanyang living room.
Yup. Kung ano ano kasi iniisip ng mga tao. Tutulungan lang naman siya ni Elmo na gawing orange yung dating puti lamang na dingding ng living room ng kanyang apartment.
She needed all the help she could get and he volunteered so why not.
She started by placing some newspaper on the ground of the first wall. Doon na muna sa pinakamalawak.
Saka niya narinig ang pagbukas ng pinto ng kanyang apartment. Oo, hindi na uso ang katok katok sa kanilang dalawa.
"Hey Manski!" Elmo said. Nakasuot ito ng sando at shorts, handing handa sa pagpipintura. Siyempre pagpapawisan sila.
"Ano tara?" Julie smiled. "After nito magluto ako ng adobo."
"Yown!" Elmo cheered. "Tara tara!" He said as he grabbed a paint brush. Tiningnan muna nito ang dingding sa harap na para bang nagiisip ng game plan. "Mas maganda bas a gilid muna?"
"Yeah, sa taas din." Julie said as she looked up. Then she turned to him. "Ikaw na bahala doon."
Elmo smirked in answer. "I know, liit mo eh."
"Hindi ah! Mas matangkad ka lang talaga sa akin." Sabi ni Julie Anne. She rolled her eyes at him before turning away. "Dito na ako sa side na ito magsisimula." She grabbed a paint brush and dipped it into the open can.
Tahimik lang sila nagt-trabaho, may kaunting daldal pero hindi din naman masyado napapagod nang matapos na nila ang apat dingding. Team work dahil ang mga hinid maabot ni Julie ay don naman si Elmo.
"Nice." Julie smiled. Sa sobrang distracted niya sa pagitngin sa kanilang masterpiece ay naipahid niya ang kamay na may pintura sa muhka.
"HAHAHAHA! You got orange paint all over your face!" Pang-aasar pa ni Elmo. Tipong nakahawak na ito sa tiyan sa kakahalakhak.
"Ah ganon ah." Sabi ni Julie. Naka handa na ang kamay niya sa balak gawin nang pigilan siya ni Elmo.
"Manski, umayos ka, wag sabing—"
Flick!
Too late! Julie had flicked his whole body with paint.
Elmo breathed in as he looked at her.
"HAHAHA! Ikaw buong katawan!" Pangaasar din ni Julie. Natigil din ang tawa niya nang makita ang muhka ni Elmo. "M-Manski, hehehe joke lang ito naman---"
"Alam mon a mangyayari diba?"
"J-Joke nga lang tara linisin ko – ah!" Natigil ang sasabihin ni Julie nang mabilis siyang yinakap ni Elmo at kinalat pa lalo ang pintura.
"Manski!!!"
At hayun, naghabulan sila sa paligid na ikinalat ang pintura. By the time they'd gotten tired, their clothes were ruined with paint. But the floor wasn't so that was good.
"Hay nako." Tawa ni Julie habang nakaupo sa sahig. Katabi niya si Elmo na punong puno din ang muhka ng pintura. Chuckling, Elmo wiped her face with some paint again. Sa pagod ay hinayaan na lang ni Julie. Mas napagod sila sa harutan kaysa pagpintura!
"We have to take this off." Tumayo na si Julie at inayos ang sarili bago muling harapin ang lalaki. "Maligo ka na ah."
Lagkit na lagkit na din siya sa pakiramdam ng pintura eh. She glanced at Elmo and chuckled as he smirked at her while he was still sitting on the floor. "Ligo na!" She said again. She'd give anything for these moments with him. Kahit sa ganun na lang.
Nakapasok na siya sa banyo ng sariling kwarto nang mapatalon sa tunog ng pagsara ng pinto sa kanyang likuran. "M-Manski..."
Elmo heatedly looked at her before he carefully pushed her inside the shower and opened the door, drizzling them with water.
"A-Ano..."
"Sayang tubig." Ani Elmo. At bago pa siya makasagot ay siya naming sunggabi nito sa kanyang labi. At alam na ni Julie na hindi lamang pagshower ang gagawin nilang dalawa.
=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=
AN: HIIII friends! Sorry na ngayon lang ang update! Hehehe! Medyo naging busy lang XD Ready na ba tayo sa gulo? Ay haha! O bonsai muna? Chos haha! Thanks for reading!