Chapter 114 Halos manginig na sa takot si Natalie habang naririnig ang matinis na tawa ng isang matanda. Hindi siya makasigaw ng tulong dahil sa nakabusal sa loob ng kanyang bibig. Naihi na siya sa kama dahil sa mga nangyayari sa kanya. Naramdaman niya ulit na may humagis sa katawan pinilit niya ulit ipagpag an katawan dahil nararamdaman na may nagpunta sa leeg at mga braso niya. Sumenyas si Vivan na lumabas muna sila ng kwarto dahil sumasakit na ang tiyan nito sa kakapigil sa pagtawa. Dahan dahan sila lumabas at bumaba sa sala saka doon nagtawanan ng malakas. "Naihi sa takot ang gaga eh!" humahagalpak sa tawa na sabi ni Cora. Inalis na nito ang mask na takip sa mukha at gayun din ang dalawa pang kasama. "Akala ko nga matatae pa nanginginig ang loka kala mo nasasapian," sabi naman ni

