Chapter 73

2000 Words
Chapter 73 "Sigurado ka? May mapapaibig akong tao?" Nag-aalinlangan na tanong ni Tipang. Nakangiting tumango si Temyo. "Eto ngang si Temyo ay may babaeng tao na ang humahanga kaso ayaw naman niya pigyan ng pagkakataon dahil baka masaktan daw kung sakaling bumalik na siya sa kaharian." Natatawang sabi naman ni Suting. "Kelan mo balak bumalik sa kaharian Temyo?" Tanong ni Groco. Nawala naman ang ngiti nila Temyo at Suting at nagkatinginan. "Ang totoo niyan dapat nung nakaraan pa bago makalipat dito sa bahay. Kaso lang yung mahiwagang dahon na bigay ng bathala ay nalunok ko." Napapailing nito na sabi. "Ano? Eh hindi ba ang sabi ng bathala kapag nilunok ay tuluyan na magiging tao?" Gulat na tanong ni Groco. "Oo kaya nga hindi ko alam kung paano babalik. Sinubukan ko tumalon sa ilog pero hindi ko na kayang tumagal sa ilalim ng tulad ng dati." Tinapik ni Suting ang balikat nito. "K-Kung kunin mo kaya Temyo ang dahon ko?" Suhestiyon ni Tipang. "Pero paano ka? Saka pwede ba 'yun? Saka hindi ka na babalik sa kaharian?" Gulat na tanong ni Temyo dahil sa pag-aalok nito. Napakamot naman ng ulo ang lalake. "Tulad nga ng sabi ko kaya ako nagpilit sumama kay Groco dito sa lupa ay sa kadahilanan na hindi na ako kampante para sa aking buhay sa kaharian para bang anumang oras ay mabubura na lang ako at magiging apo. Mas gugustuhin ko na rito sa lupa at makisama sa mga tao baka sakali dito ako makahanap ng kapayapaan." Malungkot nitong sabi. "Ako man Pinunong Tipang, Ayokong mapagbintangan sa hindi ko naman ginawang kasalanan. Siguro ay mas mabuti nga sa lupa manirahan kesa sa kaharian na puno ng pagkukunwari ang hari." Sabat ni Suting. "Huwag ninyo na kami tawaging Pinuno ni Tipang. Pantay na tayo ngayon bilang tao mas may karapatan pa nga kayo ngayon na tawagin pinuno dahil kayo ang kumukupkop sa amin." Nakangiting sabi ni Groco. "Oo tama si Groco. Wala ng pinuno ngayon." Saad ni Tipang. "O Pano Temyo susubukan mo na ang dahon ni Tipang para makabalik sa kaharian?" Tanong ni Suting. "Hindi ko alam. Sa ibang araw na siguro. Sa ngayon ay gusto kong makapasyal din sila Groco at Tipang sa mga napupuntahan natin. Teka Groco wala ka ba mauutusan na mga isda na kuhaan kayo ng mga perlas? Siguro naman makikinig sa inyo ang mga iyon at dadalhan kayo" Nagkatinginan sila Groco at Tipang. "Bakit nga ba hindi natin iyon naisip Tipang? Halik kayo at pumunta sa ilog!" Masaya nitong sabi. Naglabasan nga ang apat sa bagay. Mabuti nalang ay madilim na at nagsiuwian na ang mga taong nagkakagulo kanina sa paglusob ng mga ahas. Nakita nila ang mga bitaw, sira at kalat sa daan na gawa nila Saha at mga kasama. "Ano na kaya ang nangyari nung bumalik sila sa kaharian? Nagalit kaya ang hari?" Tanong ni Tipang. "Malamang! Baka nga natupok na sila ng apoy o kaya ay nasa kulungan na rin." Naiiling na sabi ni Groco. Pagdating nila sa ilog ay tumalon si Groco at nginuya ulit ang dahon. Bumalik siya sa pagiging buwaya at tumawag ng mga isda. Agad naman naglapitan ang mga ito at sumunod sa inuutos. Umahon na ito at muling naging tao. Ilang sandali pa at daan daan piraso ng perlas ang bibit ng mga isda. Inilagay nila ito sa mga sako at muling umuwi. "Ano na ngayon ang gagawin dito?" Tanong ni Groco. "Bukas ay pupuntahan natin si Althea. Para tulungan tayo gawin pera ito saka papagawan na rin kayo ng ganito." Inilabas nito ang id at atm card. "Palagi namin ito dala ni Suting dito papasok ang pera para makabili ng anuman gustuhin ninyo." "Bibili rin ako ng bahay." Masayang sabi ni Tipang. "Bakit ka pa bibili? Pwede naman kayo rito tumira dalawa lang naman kami ni Temyo rito saka mahirap magpagawa ng bahay. Titira pa kayo sa hotel at mag-aantay naswertihan lang namin na ibinenta ito ni Estella kaya nakalipat kami." Sabat si Suting. "Talaga pwede kami tumira rito ni Groco?" "Oo naman Tipang. Sino na magtutulangan kundi tayo tayo lang din. Isa pa ay tiyak Mahihirapan din kayo sa una makisama at maging komportable rito tulad namin ni Temyo pero habang tumatagal naman ay masasanay na rin kayo." Nagtanguan sila Tipang at Groco. "Teka diba Tipang sabi mo ay dapat may mapaibig ka na tao? Eh kung ipakilala ka namin kay Estella? Maganda rin naman siya at mabait. Baka sakaling magkagustuhan kayong dalawa" Excited na sabi ni Temyo. "Oo nga! Tama si Estella! Bakit hindi mo nga subukan malay mo naman sa tao ka talaga nakatadhana." Natatawang sabi ni Suting. Namula naman si Tipang sa sinabi ng dalawa. "Naku ngayon palang ay nahihiya na ako. Baka hindi niya ko magustuhan at matakot." Napayukong sabi nito. "Hindi mo na kailangan sabihin na ang totoong pagkatao mo sa kanya. Ipakita mo lang na hindi ka mananakit at mabuti ang intensyon mo tiyak na mapapibig mo siya." Pagbibigay lakas loob ni Temyo. "Eh ikaw Pinunong este Groco nasaan na ang babaeng sadya mo rito sa lupa?" Tanong ni Suting. Napkamot naman ng ulo si Groco. "Ang totoo niyan akala ko ay diyan sa malaking bahay siya nakatira pero parang hindi baka kakilala lang nila ang may-ari. Umaasa ako na isang araw ay pupunta siya sa lugar na ito at muli kaming magkikita." Napahinga ito ng malalim. "Ganito bukas ay puntahan natin si Althea para ipapalit itong mga perlas at gawin pera tapos ipapakilala natin si Tipang kay Estella." Nagkasundo naman ang apat. Pinatulog sa tig isang kwarto sa itaas sila Groco at Tipang. ------------------------------------ Malakas na sigaw ang pinakawalan ni Natalie dahil ng tignan ang ina ay hindi na ito gumagalaw. Agad itong tumawag ng doktor upang icheck ito. Halos maglupasay ito sa sahig ng sabihin na wala na ito. Yakap yakap ito ni Marla na umiiyak habang palabas ng kwarto. Dadalhin na kasi sa morgue ang bangkay nito upang ayusin. "T-Tatawagan ko sila Martin." Naiiyak na sabi ni Marla. Tulala naman si Natalie na halos mapaos na kakaiyak. Patulog na sana si Martin ng tumunog ang telepono agad naman niya ito sinagot at napabangon ng marinig ang masamang balita ni Marla. Sinabi nito na pupunta siya at sasabihin sa ina ang nangyari. Kinatok ng kinatok ni Martin ang kwarto ni Selena. Napadilat naman ang babae at pinagbuksan ng pinto ang anak. "Bakit Martin? Sobra ka naman makakalampag ng pinto dinadalaw na ako ng antok eh. May ahas na naman ba?" "M-Ma. H-Hindi po. P-Patay na po ang mama ni Natalie. Kakatawag lang po ngayon ni Marla." Napatakip ng bibig si Selena sa gulat kinuha lang nito ang shawl na binalot sa buong balikat at bag saka inaya itong magpunta sa hospital. "Matteo, Aalis muna kami patay na raw ang ina ni Natalie" Naiiyak na sabi ni Selena ng tawagan nito ang anak. "Ano? Naku sige po mag-iingat kayo." Malungkot na sabi ni Matteo. Tinanaw niya na  ang kotseng papaalis. Gusto pa naman sana niya ibalita ang kakaiba na naman na nakita sa ilog. Isa sa mga lalake ang tumalon sa tubig at naging isang dambuhalang buwaya tapos ay bumalik sa pagiging tao. "Bakit pati buwaya ay nagiging tao na rin? Ano bang klaseng mga nilalang ang mga nasa kabilang bahay?" Kinabahan tuloy siya dahil malapit sa kanila ang tinutuluyan ng mga ito. Pumunta siya sa kanilang panig kung saan may tagong bintana rin kung saan kita ang kabilang bahay. Nakita niyang nag-uusap usap ang mga ito at nagulat dahil dinig niya ang mga ito ng titigan ang bawat isa. "Ano? Nandito 'yun isa para sa hinahanap na tao? 'Yun isa kailangan naman na may mapaibig na tao. Ano ba yan! Ang dami nilang perlas na ipapapalit sa pera galing sa mga isda! Ayos ah! Teka bakit naririnig ko sila?" Napakamot ito ng ulo at napailing. Sa bawat araw ay padami ng padami ng kakibang kakayahan na nalalaman niya sa sarili. -------------------------------------------- Nakaramdam ng awa sila Selena at Martin kay Natalie ng makita ito na nakasalampak sa labas ng morgue ng hospital. Pilit ito itinatayo ni Marla ngunit tulala ang dalaga at patuloy lang sa pagluha. Lumapit si Selena at niyakap din ito. Mismong si Martin naman ang pilit bumuhat dito para maiupo ng maayos sa upuan. "Natalie, Nandito kami hindi ka namin papabayaan. Pangako ko 'yan sa mama mo." Naiiyak na sabi ni Selena. Tumingin sa kanya ang dalaga at umiyak ng umiyak hanggang sa mawalan ng malay. Agad ito dinala sa emergency para lapatan ng lunas. "Kawawa naman si Natalie." Lumuluhang sabi ni Marla. "Hindi natin hawak ang buhay. Ang magagawa na lang natin ay damayan siya sa mga oras na ito. Ipinapangako ko naman na hindi ko siya papabayaan." Malungkot na sabi ni Selena. "Kami din po Tita Selena. Hindi rin po namin siya iiwan. Maraming salamat nga po pala sa lahat." Inakbayan ito ni Selena habang binabantayan si Natalie na wala pa rin malay. "Tatlong araw nalang po at graduation na. Hindi pa umabot si tita. Saka po paano malapit na ang bar exam kakayanin kaya niya na kumuha?" Sabi naman ni Martin. "Susubukan kong kausapin ang kakilala ko kung pwedeng kumuha siya ng special test kahit patago. Lalagyan ko nalang 'yun tao baka sakaling pumayag. Alam kong malulungkot ang magulang niya kung hindi siya magiging abogado." Napatango ang dalawa kay Selena. "Paano ma dito lang ba tayo? Wala ka pa po tulog" Nag-aalalang sabi ni Martin sa ina. "Naku paano po 'yan Tita Selena? Umuwi na po kayo at bumalik bukas ako na po ang bahala sa kanya. Sabihin nalang po natin sa doktor na bigyan siya ng pampakalma dahil baka biglang magising at magwala sa pag-iyak." Saad ni Marla. "O siya sige. Gusto ko narin magpahinga dahil alam mo bang kakatapos lang din ng problema sa lugar namin. May sumugod na naman kasi na mga ahas. Hindi lang yung dambuhala nagsama pa ng mga kasama. Kaya sira na naman ang daan." Napapailing na sabi ni Selena. "Naku talaga po? Mag-ingat po kayo" Nag-paalam na rin sila Martin at Selena matapos sabihin sa doctor na sa kanila ibigay ang bill at ayusin na ang lahat. Bukas na lang ito babalikan para iburol sa punenarya na malapit din sa hospital. --------------------------- Kinabukasan bitbit nila Temyo ang mga perlas na pumunta sa hotel upang puntahan si Althea pero nagulat sila ng sabihing naka leave it lo dahil nasa hospital ang kapatid. Agad silang sumakay ng taxi para puntahan ito. Natunton naman nila ang kwarto at nagulat ang dalaga ng makita ang mga ito. "T-Temyo?" "Alteya" Nahihiyang sabi ni Temyo ng pumasok sa loob ng kwarto nasa likod niya sila Suting, Groco at Tipang. "A-Ano ang ginagawa ninyo dito? Paano ninyo nalaman nandito kami?" Gulat nitong sabi. Napatingin siya sa mga magulang na natulala sa gwapong lalake. "Nay, Tay. Si Temyo po dating guest sa hotel namin naging kaibigan ko po sila." Pagpapakilala niya sa lalake. Napatango ang dalawang matanda na humahanga pa rin sa kakisigan nito maging ng tatlo pang kasama. "Alteya, Abala man pero pwede mo ba kami samahan sa pinagdalhan mo sa amin noon ni Suting? Dumating kasi ang mga kaibigan namin at walang pera kaya ipapapalit ang mga perlas." Pinakita nito ang ang dalang sako na punong puno ng kumikinang na nga peas. itinuro rin nito ang dala pa ng tatlo na mga sako. Napalunok naman si Althea sa dami ng butil na dala ng mga ito. Napatingin siya sa kapatid na nakaratay. Malaking pera ang kakailanganin nila para rito. "Teka ano ba ang nangyari sa kapatid mo?" Tanong ni Temyo napatingin din sa dalagita. "Masama ang lagay niya. Kailangan siya magtagal dito kaso malaking halaga ang kakailanganin." Napayukong sabi ni Altea. "Ganun ba? O ito para sa iyo. Ipapalit mo rin para maging pera." Nakangiti nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng dumukot si Temyo sa loob ng sako at halos mahigit isang daan piraso siguro iyon sa tantiya niya. Lumuluha niya itong kinuha at biglang niyakap ng mahigpit si Temyo na sobra namang nagulat. Itutuloy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD