Chapter 111 "B-Bakit naman?" Kinakabahan na tanong ni Althea. "Hindi ko rin alam. Kung tutuusin ay ang pag-amin ni Yesha na gusto rin niya ako ang matagal ko ng inaasam pero iba na ngayon mula ng mapunta ako sa lupa at nakilala ay nagbago ang lahat. Noong una ay talagang nagulat ako na malaki ang pagkakahawig ninyo kaya nga palagi ako binibiro ni Suting pero ng tumagal hindi naman kayo magkatulad ang ibig ko sabihin ay pareho kayong maganda a mabait pero iba ng katauhan. I-Iba na rin nag nararamdam ko sa bawat isa sa inyo. Oo, hanggang ngayon ay humahanga ako kay Yesha dahil isa siya sa pinakamagandang nilalang na nakita ko walang sinuman ang hindi magkakagusto sa kanya pero ng masilayan kita at makasama hindi ka na rin naalis sa isip ko." Saad ni Temyo. Umiwas naman ng tingin si Althea

