Chapter 15 Tinitigan mabuti ni Haring Sudon si Pio. Kailangan niyang maging matalino sa mga oras na ito upang maibalik ang anak nila reyna. Nakasalalay dito ang pamumuno sa kaharian nila. Hindi na dapat siya magpakita ng kahinaan sa isang tao lamang. “Ano nga ulit ang iyong pangalan?” Seryosong sabi nito sa lalakeng halos maihi sa takot. Hindi man ito kasinglaki ng halimaw na kumuha sa kanya ay hindi pa rin maiwasan na hindi siya nerbyosin dahil kaharap ngayon ang ganitong nilalang. Mukha din itong malakas at totoong hari. “P-Pio po ang pangalan ko” Nauutal na sabi nito. Tumango ang hari. “Pio, Ano naman ang pangalan ng mga kasama mo noon? Yung unang nakakuha ng itlog namin at isa pang kasama?” Nanumbalik ang inis ni Pio kay Hernan. Mapapatay yata niya ang lalake na ‘yun oras na makauw

