Chapter 102

1506 Words
Chapter 102 Gabi. Naghanda na si Karina upang pumunta sa lupa. Kinuha niya ang saring mahiwagang kabibe na magbibigay sa kanya ng mga paa. Naalala niya na kailangan ng mga perlas kaya halos ilan daan ang inipon niya sa isang sisidlan saka hinanda ang gamot na ginawa para sa sinasabing tao na naging kakilala ng grupo nila Temyo. Dahan dahan siya lumabas ng tirahan ay tahimik na tinahak ang papunta sa ilog. Buo na rin ang loob niya na iwan an kaharian kung puro kasamaan lang ang pwedeng mangyari. Bahala na ang mga ito lalo ay wala naman na rito ang kanyang anak at nagbalik na si Laringan. May tuwa sa puso niya na baka pinagtagpo sila nito ulit upang magkaroon ng pagkakataon na maging malapit at makilala ng anak ang ama. Napapangiti siyang nagmadaling lumangoy dahil nasasabik na rin na makapunta sa lupa. May parte man sa kanya na ayaw iwan ang kinalakihan na lugar ay hindi na ito ligtas para sa kanila. Kung maaari lang nga sana na sumama na sa kanya sila Reyna Amira, Haring Sudon, mga bagong supling ay mas ayos na kaso alam niyang hindi papayag ang mga ito. Naisip din niya si Terio malulungkot si Temyo kapag sinabi nito na pumasok ito bilang kawal ng hari at may balak na hindi maganda rito. Lingid sa kaalaman ni Karina ay nagising si Rina at nakita ang mga ginawa niya. Lihim itong sumunod hanggang sa makita na nagpunta ito sa ilog. -------------------------- Nasa terrace si Yesha habang inaantay ang kanyang ina. Medyo kinakabahan siya dahil kapag narito na ang ina ay malamang hindi na sila makakabalik muli sa kaharian dahil tiyak magagalit ang hari kapag nalaman ang pag-alis niya at pagsama sa grupo nila Temyo. Napangiti siya ng makita na umahon ang ulo ng ina at parang tinitignan kung naroon na sila. Kunaway siya ay natanaw naman siya nito kaya sumenyas na sandali lang. Masayang bumaba si Yesha at sinabi kay Temyo na naroon na ang ina. Sinamahan siya nito papunta sa ilog. Sumunod din si Suting dahil nakita ng dalaga na parang mabigat ang dala ng ina. "Ina, Mabuti naman po at narito ka na." Masayang sabi n mi Yesha sa ina. Tinulungan naman ito nila Temyo at Suting na iupo sa lupa. Inahon na rin ng mga ito ang sisidlan na dala nito na naglalaman ng mga gamot at perlas. "Oo nga eh. Kanina pa dapat kaso inantay ko pa na tumahik ang paligid." Isinuot na nito ang mahiwagang kwintas at biglang nagkaroon ng mga paa.  Tinulungan nila itayo ito dahil natutumba pa. Sinuotan ni Yesha ng twalya sa katawan ang ina upang hindi makita ang kahubaran nito. Si Temyo ang bumuhat kay Karina habang si Suting at Yesha ang nagtulong na hilain nag mga sisidlan na dala nito. Napansin ni Karina na magaling na maglakad ang anak kahit ilang araw pa lang ito nagtatagal sa lupa. "Aba anak ang galing mo na maglakad ah!" Bati niyo kay Yesha. Napangiti naman ito sa ina at napatango. "Nahirapan din po nung una pero talagang hindi ko tinigilan na maglakad hanggang sa makuha ko na ang dapat na balanse. Natutumba tumaba pa rin po pero mas maayos na kesa noong una. Kayo rin po ina ay masasanay din pagkatagal." Saad nito. Sa kalayuan ay naroon naman si Rina sinadya niyang hindi lumapit ng sobra upang hindi maramdaman ni Karina ang pagsunod niya.  Napasimangot ito nang makitang naging tao ang mga ito. Gusto rin sana niya magkaroon ng paa pero wala siyang tulad ng mga ito ng mahiwagang kabibe na perlas pero biglang siyang napangisi. "Akala ninyo magiging masaya kayo? Isusumbong ko kayo sa hari tignan natin kung anong parusa ang naghinintay sa inyo! Ako na ang magiging pinuno ng mga sirena mula ngayon." Natatawang sabi nito sa sarili saka lumangoy pabalik sa kaharian. Habang buhat ni Temyo si Karina ay napatingin ito sa malaking bahay ng mga Rosario. Naalala niya ang sinabi nila Reyna Amira. Kung gayon ay narito ang nawawalang prinsipe ng Sudonia. Nagulat pa si Karina na nasa tabi lang pala ang bahay na tinitirhan ng anak kaya medyo kinabahan siya. "Ina, Narito na tayo." Masayang sabi ni Yesha.  Namangha si Karina sa loob ng bahay. Ibang iba ito sa tinitirhan nila. Iniupo siya ni Temyo sa malambot na sofa kaya parang gumaan ang pakiramdam niya. "Ano ito?" Takang tanong niya. "Sofa ang tawag diyan. Ang sarap upuan hindi ba?" Saad ni Temyo. Napatango naman si Karina. "May mas masarap pa diyan ina. Ang hinihigaan ko sa pagtulog ay mas malambot pa. Halika at umakyat na tayo para po makita ninyo." Masayang aya ni Yesha. Sinubukan ni Karina na tumayo at maglakad medyo natutumba pa siya pero pinili na makaya dahil hindi siya sanay na binubuhat ng lalake. "Karina, S-Si Terio nga pala h-hindi ba siya susunod?" Tanong ni Temyo. Nawala ang ngiti ni Karina at umiling. "Hindi pa raw p-pero susunod din 'yun sabi ko nga hindi agad siya makakaalis dahil kailangan pa niya magpunta sa bathala para makakuha ng mahiwagang dahon." Saad ni Karina. "Sana ay mabigyan siya para magkasama na kami rito. Sige magpahinga na kayo." Malungkot na sabi ni Temyo. Tumango lang si Karina saka sumunod kay Yesha sa loob ng kwarto. "Ina, Ang ganda hindi ba?" Saad ng dalaga habang nakahiga sa kama. Ginaya ito ni Karina at napangiti rin. "Ang sarap nga sa pakiramdam buong buhay ko ay sa loob ng malaking kabibe o sa batong makinis lang natutulog." Nakapikit na sabi nito. Yumakap naman si Yesha sa ina. "Maraming salamat po ina ay pumayag kayo na sumunod dito at makasama ko." Napangiti si Karina ay yumakap pabalik sa anak. "Yesha, Si Haring Laringan nasaan siya?" Tanong nito sa dalaga. "Ang sabi po niya ay titira rin siya sa malapit din dito at magkakakitaan daw po tayong lahat pero hindi ko po alam kung kelan dahil ang dinig ko ay ginagawa pa ang magiging tahan niya." Napatango naman si Karina. --------------------------------- Sinadya ni Rita na magising ng maaga. Naligo ito agad at nag-ayos saka nagwalis walis sa malawak na bakuran ng tahan ng mga Rosario. Gusto niya kasi na makuha ang loob ng mga ito upang kapag may nangyari man ay hindi siya agad paghinalaan. ----------------------- Kakagising lang ni Matteo ng mapatingin sa bintana at nakita si Rita. Nalaman na niya ang tungkol rito dahil nakwento ng ina ang nangyari. Natanaw naman niya na dumating na rin ang mag-amang Mang Troy at Nida. Napangiti siya ng makita si Nida. Gustong gusto niya sana ito makausap para makilala dahil napakagaan ng loob niya sa dalagita dahil parang ang bait bait nito. Nakita niyang pinagbuksa ni Rita ang mga ito at pinapasok sa loob. ----------------------- "Magandang umaga po Mang Troy, Nida. Pasok kayo." Nakangiting sabi ni Rita sa mga ito. "Magandang umaga rin iha. Ang aga mo yata nagising teka ako ang dapat maglinis dito huwag mo na 'yan intindihin." Saad ni Mang Troy. "Ayos lang po hindi rin po ako sanay na walang ginagawa dahil halos ganito rin po ang trabaho ko noon." Magalang na sagot ni Rita. "Ang ninyo ah!" Nagulat sila ng marinig si Martin. Nakasuot ito ng pang exercise dahil balak mag-jogging sa loob ng bakuran. "Magandang umaga po Sir Martin." Halos sabay sabay na batin ng tatlo sa binata. Napa ngiti naman ito at napangitin lalo na kay Nida. "Kumain na ba kayo? Ako hindi pa. Tulog pa rin si Mama pwede ninyo ba ako tulugan magluto? Meron kusina sa loob ng opisina ko doon na tayo magluto kukuha lang ako sa loob ng pwedeng maialmusal." Saad nito sa bumalik ulit sa loob. Paglabas nito ay may dala ng mga pagkain. Tinulungan ito nila Rita magbuhat at ipinasok sa loob ng opisina. "Ako na po ang magluluto sir. Kayang kaya ko po 'yan." Nakangiting sabi ni Rita. "Sigurado ka?" Tanong ni Martin. "Opo naman." Sagot nito saka sinimulang hiwain ang mga igigisa at ipiprito. Nag saing na     rin ito sa rice cooker para masabay na maluto. Naupo naman si Martin sa opisina nito at inaya si Nida na tumabi sa kanya.  "Tara Nida nakita kong may dala kang mga libro mo mukhang nag aadvance study ka na ha?" Nakangiting sabi nito sa dalagita. "Opo, Mahalaga po na handa ako agad sa darating na pasukan dahil ayoko pong mapabayaan ang scholarship na ibibigay ninyo." Nahihiyang sabi ni Nida. Hinawakan ni Martin ang kamay nito na ikinabigla naman ng dalagita. "Huwag mo masyadong problemahin 'yun. Bakasyon naman magsaya ka rin at magkaroon ng ibang libangan. Sa pasukan ay tiyak ba subsob ka na naman sa pag-aaral." Saad ni Martin. --------------------------- "Buksan mo ang gate." Walang galang na sabi ni Natalie kay Mang Troy. Hindi naman kumibo ang matanda at napatingin lang sa kanya. "Ano bingi ka? Sinabi ng buksan mo ang gate!" Inis na sabi ni Natalie. Iritang irita siya. Halos wala siyang tulog kakaiyak at isip sa mga mangyayari. "Mawalang galang na iha itatanong ko muna sa may-ari ng bahay kung papapasukin ka." Saad nito sabay talikod sa masungit na dalaga. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD