Chapter 125 "Sisimulan na po natin ang lie detection kung totoong nagsasabi si Jim at ang mga Rosario," sigaw ng taga media na nag prisente na titingin kung tama ang magiging resulta. "Ganito po ang gagawin tatanungin si Jim tapos ang mag-ina ng dito sa mga aparto dahil limang ito ay limang beses din titignan natin kung ano ang mga resulta na lalabas. Sinasabi ko po na muna sa lahat na hindi ako kampi sa maski kanino ako po lamang ay tutulong kung tama ang sasabihin ng mga technician," patuloy na sabi ng taga media. Nagsitanguan naman ang mga naroon Pinaupo sa harap unang technician si Jim at sinimulan na ikabit kay Jim ang aparato saka tinapatan ng mikropono ang techinician at ang lalake para marinig ang mga tanong at sagot ng mga ito. "Oo o hindi lang po ang isasagot. Maliwag po ba?"

