Chapter 30 Inis na lumabas si Marla at nagmartsa na pabalik sa upuan. Napadaan siya ulit sa pwesto nila Martin kaya may naisip siya lalong magpapainis kay Natalie. Huminto siya sa tapat ng mga ito na kasalukuyan kumakain. "Tita Selena, Condolence po" Napatingin naman sa kanya ito saka ngumiti. "Salamat. Pagdating natin sa manila ay sa amin muna kayo ha?" sabi nito napangiti naman siya dahil nakita niyang nasa malapit na si Natalie at malamang ay narinig nito ang sinabi ng babae. "Opo, masaya nga po kami at may matutuluyan kami habang ipapatingin si papa. Salamat po tita. Martin salamat ha?" Nginitian niya ng matamis ang lalake na napangiti rin. "Ah eh Tita Selena? A-Ano po kaya kung doon muna din kami ni mama sa inyo tumuloy?" Napatingin naman ang mga ito kay Natalie. "Bakit?" Tanon

