Chapter 104 "Dalhin na ba kita sa doktor anak? Baka ano na 'yan? Hindi normal sa isang dalaga ang nagsusuka ng ganyan sa umaga." Nag-aalalang sabi ni tatay ni Estella. Umiling naman ang dalaga sa ama at pinilit ngumiti. "Wala po ito. Hindi lang po talaga siguro maganda ang timpla ng sikmura ko ngayon. Maliligo lang po ako tapos may pupuntahan po ako sandali." Saad nito. "Papasok ka ba sa trabaho? Kayamo pa ba? Baka mapano ka sa daan anak." Nag-aalalang sabi ng ama nito. "Hindi po. Nag indefinite leave po ako sa trabaho kaya hindi po muna ako papasok." Nagulat naman ang matanda sa sinabi ng anak dahil noon ay ayaw na ayaw nitong lumiliban sa trabaho dahil sa takot na matanggal. "Bakit anak? Ano ang problema?" Takang tugon nito. "Ah Ano po kasi itay may iba po kasi akong gustong pasuk

