Chapter 99 "Teka sila Temyo 'yun diba?" Saad ni Martin ng makita ang grupo na nasa ilog. Napatingin naman sila Selena sa mga ito. "Aba Oo nga ano! Kakilala pala nila si Mr. Han?" Gulat din na saad ni Selene. "Mr. Han? Sino po 'yun ma?" Tanong ni Martin. "Mayaman na negosyante maraming paupahan 'yan sa kabilang village. Ay sayang umalis na. Martin, Mukhang okay talaga pakisamahan ang grupo niyang kapit bahay natin dapat talaga makuha natin ang tulong nila dahil mukhang marami rin silang koneksyon." Napailing naman si Martin sa sinabi ng ina. Kinawayan ni Selena ang mga ito na agad naman nagsilapit ang grupo papunta sa bahay nila. "Maganda umaga!" Bati ni Selena. Nagsibatian din ang mga ito sa kanila. "Gusto lang namin sabihin na dumating na 'yun na ngayon ang mga ipapamahagi namin na

