Chapter 26 Natanaw ni Terio ang papalapit na ama at kapatid sa kanila kaya sandali siyang umalis sa kinatatayuan. Isa kasi siya sa mga nakatokang magbantay sa kaharian ng mga oras na iyon. "Temyo? Bakit hindi ka pumunta kanina para sa pagsali ng mga bagong kawal? Inaantay pa man din kita para mauna kang makilatis. Ibinibida kita sa mga kasamahan kong kawal tapos wala ka. Tapos na ang pagtanggap baka sa susunod na ulit hindi ka na makakahabol ngayon" Nakasimangot nitong sabi. Nagkatinginan naman si Temyo at amang si Tanding. "Anak, Terio. Halika at umuwi na. Bitawan mo na ang pagiging kawal mo dito mas mainam na maging normal na nasasakupan ka na lang tulad namin ng kapatid mo" nagtataka naman si Terio sa sinabi ng ama. "Ano? Teka lang ano bang sinasabi ninyo ama? Akala ko pa man din ay

