Chapter 129 This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Warning: Mature / Explicit content ------------------------------------------------------- "Isang malaking Ahas ang naroon!" saad nito habang nakapikit sabay turo sa direksyon kung nasaan si Saha. Nagulat naman sila Suting dahil wala silang nakikita. "Pero wala po kami nakikita Sir Larry?" kunot noo na sabi ni Suting. Dumilat na ito at napailing sa kanila. "Mukhang may bisita kayo na hindi ninyo nakikita," tugon nito. "May kakayahan si Sir Larry na makita ang mga hindi kayang makita ng mga normal na nasasakupan. Tandaan ninyo mataas na uri ang aking Hari hindi

