-----1970's Flashback---- Nagsimula na nga mag-lakad lakad sila Miguel at Hernan habang patingin-tingin sa paligid. Ibang-iba na talaga ito sa dating isla na nauna nilang pinuntahan dahil parang naging tulad na ito ng napuntahan noon na isla naman nila Hernan. "Ano kayang nangyari dito? Parang sobrang pagbabago naman yat ang nangyari? Imbes gumanda lalo ay parang nasira naman" Tanong ni Hernan. "Hindi kaya nabagyo ito o nadaaan ng kung anumang kalamidad?" Sagot naman ni Miguel. "Maaari, Ang gulo na dito ngayon hindi na mukhang tourist spot at parang nawala ang aliwalas ng paligid. Sana mamakita pa tayo ng itlog ulit" Sagot ni Hernan. Hindi naman na sumagot si Miguel hindi pa rin pala nito nakakalimutanan ang itlog. Naisip niya tuloy si Matteo mukha itong halimaw pero hindi naman gaan

