Chapter 121 "Estella." kinakabahan naman na sabi ni Tipang sa dalaga dahil ayaw pa sana niya ipaalam sa ama nito ang totoo. "Tipang, hindi ko kayang magtago kay papa ng sikreto. Isa pa ay magkakasama tayo sa bahay malalaman at malalaman din niya ang totoo kaya ngayon palang ay aminin na natin sa kanya," tugon ni Estella. Wala naman na nagawa si Tipang kung hindi mapatango nalang sa gusto nito. Umaasa siya na mauunawaan ng matanda ang totoo. "Ano ba talaga ang totoo?" tanong ulit ni Mang Eastong. Hinila ito ng dalaga sa loob ng kwarto nila ni Tipang. Inilagay muna sa kama si Stephanie saka kumuha ng tubig si Estella. "Papa, huwag ka matatakot sa makikita mo gusto kong makita mo muna saka ako magpapaliwanag," ani Estella. Binuhusan niya ng kaunting tubig ang perlas na kwintas ng sanggol

