Chapter 19 Naging usap-usapan ang video na binigay ni Hernan sa media kung saan umaamin ito ng lahat ng mga nagawa. Medyo nawalan siya ng kredibilidad pero nagsabi naman si Pio na hindi na magkakaso sa kanya dahil nakita naman nito ang sinseridad niya sa mga paghingi nn tawad at inako lahat ng kasalanan. .---------------------- Isang araw bago ang tinakdang araw ni Haring Sudon kay Pio ay sa mismong bahay nila Miguel ito tumuloy kasama na maging ang buong pamilya nito. Nagpunta rin sila Hernan para maki bantay dito. Lumipas ang magdamag na gising ang mga ito ni ayaw kumurap at nakatingin lang kay Pio. Magkakatabi naman natulog sila Martin, Natalie at Marla sa sala. Ayaw rin kasi nilang ihiwalay ang mga ito dahil baka kug hindi si Pio ay ibang miyembro nila naman ang kunin. Natuwa sila

