Chapter 9

2127 Words
Chapter 9 ---1950 Flash back--- Samantala, Sa Isla Sudonia kung saan nakuha ni Miguel ang itlog na si Matteo ay malungkot na nakaupo si Haring Sudon at Reyna Amira habang umiiyak. Ang namumuno sa lugar na iyon. “Sudon, Paano na ngayon kinuha ng mga tao ang anak nating si Adon. Nagsisisi ako kung bakit ko siya iniwan dapat ay palagi ko siyang kasama saan man ako magpunta.” Ang umiiyak na sabi ng Reyna. Tumayo naman ang hari at Hindi pinahalata ang pagpunas ng luha sa mga mata. Nagkataon kasing araw ng pagpapalit ng kaliskis ng mag-asawa kaya iniwan muna ang itlog kasama ng natanggal nilang balat at lumublob sa tubig upang mas maginhawa ang pakiramdam. Nagulat nalang sila ang biglang dumating ang isang Bangka sakay ang mga tao. Gustuhin man nilang kunin ang itlog para kasamang magtago ay nakita na ito ng isang lalake at agad kinuha. “Wala kang kasalanan. AKo ang dapat sisihin natakot akong makagawa ng kasalanan kung lalabanan ko sila. Alam mong hindi ko kaya na manakit ng kapwa maski pa sa tao. Huwag kang mag-alala hahanapin natin sila at ibabalik rito ang ating anak” Ang sagot nito habang nakatingin kung saan dumaan ang bangka na sinakyan ng mga lalake. “Ano’ng ibig mong sabihin? Aalis tayo sa ating kaharian at pupuntahan sila? Baka delikado?” Hindi makapaniwalang sabi ng reyna. Tumango ang hari sa asawa. “Amira, Walang mangyayari kung iiyak lang tayo dito. Hindi nila ibabalik ang itlog natin. Kailangan maibalik si Adon sa lalong madaling panahon dahil siya ang magmamana ng kaharian natin. Hindi ito dapat malaman ng kapatid ko baka iba ang gawing tagapagmana at maunhaan tayong makita ang anak natin para hindi na makabalik pang muli dito” tumango ang reyna at kinabahan sa sinabi nito. Ramdam niyang lihim na may galit ang kapatid sa asawang hari. “Kelan tayo aalis?” Bumalik na ang mag-asawa sa tubig. “Ngayon na. Kaya maghanda ka sa malayong paglalakbay” Seryosong sabi nito sa reyna. Handa siya kahit na gaano kalayo basta maibalik lang si Adon sa kanya. Nag-aalala siya na baka napano na ito. “Paano natin malalaman kung nasaan na sila ngayon?” Tumango ulit ang reyna pero biglang nag-alala. “Amira, Nakalimutan mo na ba? Kaya kong maamoy ang anak natin gaano mang kalayo maski na ikaw ay mahahanap ko saan ka man magpunta” Napangiti na ang reyna at yumakap sa asawa. “Sudon, Tara na at sabik na akong makita ang Adon natin malamang ay nabiyak na iyon at hinahanap na ako. Kay tagal kong inasam na may anak na karga at inaalagaan” Masayang sabi nito. “Halikan na Amira. Pareho lang tayo nang nararamdaman nasasabik na rin ako makita ang papalit sa aking trono” Magkahawak kamay pa ang mga ito na lumangoy. Lumangoy nga nang lumangoy ang dalawa hanggang sa makalipas ang ilang araw at gabi ay nakarating sa Ilog Sigpa. Naninibago sila sa paligid, Malayong malayo sa lugar na pinagmula nila. Hindi kasing aliwalas ng isla nila. Maraming kakaibang bagay silang nakikita. Natakot silang umahon dahil hindi lang isang tao ang nakita nila kundi napakarami ang naglalakad at nakasakay sa mga sasakyan. Alam nilang delikado ang buhay nila oras na umapak sila sa lupa. Maaaring kamatayan pa ang abutin oras na makita sila nang mga ito. Marami na rin sila nakikitang tao na naliligaw paminsan minsan sa isla wala sila tiwala sa mga ito. Pinapatay ng mga ito ang isda at pinapasabugan para mahuli ang mga ito. Naiyak na naman ang reyna dahil imposibleng makalapit sila sa lugar kung saan dinala ang anak. Tiyak na matatakot ang mga tao kapag nakita sila ng asawa lalo pa at kakaiba ang itsura nila sa mga ito baka patayin pa kapag nagkataon. “Ano’ng gagawin natin Sudon? Malayo pa ba sila mula rito?” Ang kinakabahang tanong ng reyna. Nakasilip lang sila dahil at hindi mailutang ang lahat ng ulo sa takot na may makapansin na tao. “Malapit na sana Amira pero ayoko naman isaalang-alang ang buhay natin pareho kung susubukan natin na ipagpatuloy ang pagpunta. Masyadong delikado. Hindi natin alam kung ano’ng pwedeng gawin nila sa atin, Isa pa ayoko din makasakit ng tao.” Kung tutuusin kasi ay makukuha nila ang itlog pero alam niyang dadanak ang dugo at maraming masasawi pagnagkataon. Naiyak naman na ang reyna kita sa mukha nito ang dismaya na hindi maiiuwi ang anak. “Ano na bang gagawin natin ngayon? Ayokong bumalik na hindi kasama ang anak natin” Napatingin ang hari sa asawa. Sobrang aligaga na ito at halos hindi mapakali sa tabi niya. “Amira, Hindi naman tayo pwedeng magtagal dito dahil baka may makakita sa atin. Isa pa ay paano ang kaharian natin? Baka akalain ng mga gustong umagaw na hindi na tayo babalik doon” Ang nag-aalalang sagot ng hari. “Sudon, Ikaw na lang ang bumalik. Maiiwan ako dito. Sabihin mo nalang na pumunta kami ng anak natin sa pamilya ko. S-Sabihin mon a mas maaalagaan ako ng aking magulang lalo at maraming taon tayo naghintay. Hindi ako babalik doon na hindi kasama si Adon. Mapapansin din nila na wala ang anak natin kung dalawa tayong nandoon sa kaharian. Lalo nila tayong pag-iisipan” Napailing ang hari. May punto naman ang asawa. Alam ni Haring Sudon ang nararamdaman ng asawa. Mahirap sila magkaron ng anak halos mahigit sampung taon bago sila makabuo ng isang itlog. Hindi rin madali bago ito mabiyak halos isang taon ulit ang bibilangin bago ito lumabas. Halos nakakalimang itlog na sila pero sa kasamaang palad ay palaging patay bago pa ito mabiyak. Tumatanda na rin ang asawa at sa palagay nila ay ang anak na si Adon na ang huli. Kaya naman itong huli nilang itlog ay ang pag-asa nila upang magkaroon ng supling at magiging tagapagmana rin nila. Tumango ang hari sa asawa. Tinanaw nito ulit ang isang malaking bahay sa ‘di kalayuan. Tinuro nito ito sa asawa. “Nandoon ang anak natin Amira” Tinignan din ito ng naluluhang reyna. Isang mataas na bahay ang natanaw nito. Hindi naman malayo sa kinaroroonan nila pero maraming dadaanan bago ito marating. “Ipangako mo sa akin na hinding hindi ka pupunta doon. Hayaan mo akong mag-isip ng plano para makuha siya” Niyakap ng hari ang asawa. “O-Oo” Sagot nitong umiiyak. “Babalik ako agad. Maraming maliit na isda sa ilalim na pwede mong kainin.” Ngumiti lang ng malungkot ang reyna at tumango. Nagsimula naman ng sumisid ang hari at umuwi. Pagkaalis ng asawa ay malungkot lang ulit ng tumanaw ang reyna sa bahay. “Adon, Paano ba kita makukuha ulit?” Nagsimula ulit itong umiyak habang nakatanaw lang sa bahay. Abot tanaw na niya ang kinaroroonan ng anak pero parang kay layo nito dahil sa mga taong maaaring makakita sa kanila. Sa Isla Sudonia ay nagtitipon tipon ang mga tulad nilang nilalang sa pangunguna ni Prinsipe Serpio. Ang nakakabatang kapatid ni Haring Sudon. Katabi nito ang asawang si Sorena at ang anak nilang si Soren. Malaki ang inggit nito sa nakakatandang kapatid mula ng ito ang pinili ng namayapang ama na maging bagong hari. Inis na inis nga sila dahil paborito ito kahit na hirap na magkaroon ng itlog ang asawa upang maging anak. Naunahan na niya nga ito dahil ilang beses nang namamatayan ng itlog pero hindi pa rin siya ang  pinili ng ama upang pumalit sa pwesto nito bago mamatay. Kaya ng ibalita ng anak na si Soren na nakita nitong may kumuha sa itlog ng hari na mga tao ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maagaw ang pwesto nito. Tinipon niya ang lahat ng uri nila kasama na ang ilan pang hayop. “Mga kasama ayon sa anak kong si Prinsipe Soren ay may dumukot sa itlog nila Haring Sudon. Kung mismong anak nila ay hindi nila naipagtanggol ay paano pa ang mga nasasakupan niya? Paano niya tayong maipaglalaban kung sila mismo ni Reyna Amira ay hindi kayang humarap sa mga tao? Hindi ba ang gawin ng isang hari ay mapunuan ng may dignidad ang lugar na ito? SIla ang dapat matakot at hindi tayo dahil ilang libong taon na tayo namumuhay ng tahimik dito. Kung ako lang sana ang pinili noon ni Ama na maging hari ay kahit kapalit ng buhay ko ay hindi ko hahayaan na makuha ang itlog na magmamana ng kaharian na ito” Nagbulong-bulungan naman ang mga naroon at sumang-ayon sa sinabi nito. Nagtinginan sina Serpio at asawang si Sorena saka napangisi. “Walang ina na hahayaan na makuha ng tao lang ang anak. Mga mahihinalng nilalang na hindi natin kauri. Napakahina ng loob ng reyna na iyon! Wala siyang kwentang ina sa nag-iisa nilang itlog. Nakakalimutan ninyo na ba? Ilang beses na na silang namatayan. Napakabaya nilang magulang. Ganun ba ang gusto ninyong mamuno dito?” Sabat naman ni Sorena kaya lalong lumakas ang bulungan sa paligid. Malungkot naman si Haring Sudon habang pabalik sa sa kaharian. Nalulungkot din siya na hindi magawan ng paraan na maiuwi agad ang itlog nila bago pa man ito mabiyak.  Napatigil siya ng marinig ang mga pag-uusap ng mga kasamahan. Masamang tinignan nito ang kapatid. Hindi naman niya ito kapatid talaga inampon lang ng mga magulang dahil tulad ng asawang si Amira ay hirap na rin makabuo ulit ng itlog ang mga magulang.  Ikinamatay na nga ng ina ang paghihintay ulit pero hindi na ito nakabuo ulit. Medyo kinabahan siya sa mga narinig medyo nakaramdam siya ng lungkot dahil tama naman ang mga ito kasalanan nila kung bakit ito nawala. Pwede niyang takutin ang mga taong kumuha pwro pinairal niya ang kagandahan loob na huwag manakit nang kahit anong merong buhay pero hindi siya papayag na basta nalang maagaw ang trono na sa kanya ipinama ng dating hari. Libong taon na nila pinapamunuan ang Sudonia at sa anak naman isasalin nais ito isalin pagdating ng panahon. Huminga ng malalim ang hari hindi dapat malaman ng mga ito ang totoong nangyari. Inis din siya na naroon pala si Soren. Lapastangan na bata. Ipinagbabawal ang pagsilip sa mga nagpapalit nang kaliskis lalo pa at hari’t reyna sila. Galit na lumapit si Haring Sudon sa mga ito kaya natakot at dagling naglayuan sa trono ang mga nasasakupan maski ang kapatid ay napaurong sa gulat. Pumagitna ang hari at humarap sa mga ito. “Kay lalakas ng loob ninyong pag-usapan kami ng asawa kong reyna!” Sigaw nito. Nagsiluhuran ang lahat sa takot at hindi makatingin dito ng diretso. Tinignan nito ng masama si Serpio na nakayuko lang. “N-Ngunit nakita daw ng aking anak na si Soren na may kumuha sa itlog ninyo ni Reyna Amira. Nasaan siya ngayon? at ang itlog na prinsipe?” Lalong sumama ng tingin ang hari dito. Nilapitan nito ang anak ng kapatid. Halos manginig naman ito sa takot. “Soren, Nakita mo ba mismo na kinuha talaga? Alam mong ayoko sa mga sinungaling na bata” Natatakot naman ang batang lalaki at naluha agad sa takot. “N-Nakita ko pong tinitignan ang itlog ng mga taong nakapasok dito” Ngumiti ng mapakla ang hari saka umiling. Humarap ito ulit sa mga nasasakupan. “Tinitignan pero kinuha ba? Nakita mo?” Umiling itong umiiyak. “Bukod kay Soren may nakakita ba ng ibinibintang ninyo sa amin?” Lalong tumahimik ang paligid at walang nakakibo. “Meron ba?” Ulit na tanong ng hari. Wala pa rin sumagot. Lihim na naman na nag ngingitngit si Serpio dahil napapahiya sila. “Soren, Isa pa anong ginagawa mo ng oras na iyon? Sinisilipan mo ba kami ng reyna? Hindi bat napakalaking kasalanan niyon?” Naihi sa takot ang bata at lumuluhang napahiga sa kakaiyak sa takot. Nagkatinginan sila Sorena at Serpio. “Kung wala ay mga naninira lang kayo! Hindi na kayo nahiya! Hari at Reyna ang pinag-uusapan ninyo! Baka gusto ninyong ipatapon ko kayo sa Laringan! Kaya wala dito ang aking asawa ay dahil pumunta sila sa magulang upang doon antayin mabiyak ang itlog namin. Isa pa ay wala kayong karapatan na mag-usisa sa buhay naming mga Pinuno ninyo. Bukas ang daan palabas sa mga taksil at ayaw sumunod sa pamumuno ko. Hindi ko kayo panghihinayangan na mawala at kainin ng mga halimaw sa Laringan! Ngayon sino ang gustong mauna!” Galit na sigaw nito. Nag-iyakan ang mga nasasakupan nito sa takot at sabay-sabay humingi ng tawad. Maraming naghiyawan at may mga nahimatay pa sa sinabi ng hari. Lumakas ang iyakan ng mga ito at halos halikan na ang paa ng galit na galit na hari. Namumutla naman sa takot ang kapatid nito at asawa. Nagtago pa sa tabi ni Sorena si Soren sa sobrang sindak ng marinig na pwedeng ipatapon sa Laringan. itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD