DUMAAN muna ako sa Grocery store bago umuwi sa amin. Sakto pag-kauwi ko ay naka-saing at na kaayos na ang hapag kainan, ulam nalang ang kulang.
"Ate! Kamusta ang interview? Na tanggap ka ba ate? Makakapasok na ba ako ulit?" Sunod sunod niyang tanong na ikinatuwa ko.
"Aba! Syempre naman! Magaling yata 'tong ate mo!" Tawa ko kung sabi sa kaniya. "At oo natanggap ako, kaya sa susunod na pasukan papasok ka na." Naka ngiti kung sabi sa kaniya.
Nagniningning ang kanyang mga mata na sumagot. "Talaga ate!" tumatalong yumakap sa akin at nag pasalamat. "Salamat talaga ate, Promise gagalingan ko para magkascholarship ako para di ka na masyado mahirapan." Ngiti niyang sabi habang nakayakap parin sa akin.
"Ano kaba" sabay gulo sa buhok niya. "Basta galingan mo lang sa pag aaral, okay na si Ate duon." Ngiti kung sabi.
Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin."Promise talaga ate, Gagalingan ko." Sambit neto.
Nginitian ko siya. "Oh siya kunin mo na itong mga pinamili ko at magluluto lang ako ng ulam nating dalawa." Tumango ito at kinuha na ang mga pinamili ko sa isa kung kamay.
Habang nag-luluto ako ng ulam namin ay may biglang tumawag sa akin.
"Hello, Tita? Kamusta po kayo?" Kamusta ko sa kaniya.
"Heto okay lang naman kami, gusto ko lang ibalita sa inyo yung check-up ng Mama mo." Sabi neto.
"Talaga tita? Kamusta po si Mama?" Tanong ko at tinapos nang mag-luto.
"Ayon, umo-okay naman na daw siya ruon sa loob, Hindi na masyadong sinusumpong. Sana nga mag tuloy-tuloy na at makalabas na siya." Sambit nito na may halong pag-asa.
"Sana nga po Tita, Salamat po ha? Nandyan kayo para sa amin."
"Ano kaba naman Ali, Wala yun Tita mo ako, kapatid ko ang Mama mo atsaka para ko na rin kayong anak ni Kate." Sabi neto na bakas ang ngiti.
"Pero salamat parin po Tita, hayaan niyo po babawi po kami sa inyo ni Kate." Sambit ko habang hinahain ang ulam sa lamesa.
"Hay nako, huwag na. Mag-ingat lang kayo jan at Huwag mag kasakit okay na ako duon." bilin neto.
"Sige po tita" ngiti kung sabi. "Dalaw na lang po kami jan pag nakaluwag luwag."
"Ay! Yan mas okay yan! Sige na, i-bababa ko na ito at mag lu-luto na rin ako para sa Tiyo mo." sabi neto.
"Sige po Tita, ingat po jan." Sambit ko at pagkatapos ay pinatay na ang tawag.
Pumunta na ako sa kwarto ni Kate at tinawag ito.
"Kate kain na tayo." Sabi ko.
"Sige po ate, palabas na." sagot naman nito kaya pumunta na ako sa kusina.
Maliit lang naman itong bahay na na-ipundar nila Nanay at Tatay. Tatlong kwarto at magkasamang kusina at salas. May kaliitan pero kasya na kaming apat, Pero nang mamatay ang Tatay at na pasok si Nanay sa loob ng mental ay naging kaming dalawa na lang ni Kate dito sa Bahay.
Wala namang naiwan sa amin na pwedeng pagkakitaan, Kaya napilitan akong huminto sa pag do-doctor ko at nag hanap ng trabaho ng mga panahong namatay si Tatay at nag kasakit si Nanay.
Nang hihinayang din naman ako sa Isang taon na lang na natitira sa kurso ko pero wala naman akong pag-pipiliian, kung itutuloy ko ang kurso ko baka lalo kaming mag hirap. Walang maaasahan si Kate kundi ako lang.
Nang mga panahon na yun halos wala na kaming makain, minsan meron pero ang ulam lang namin ay Tuyo, Kamatis, minsan pa nga ay asin at toyo nalang para lang makaraos kami sa pang-araw-araw.
Nung nakahanap naman ako ng trabaho bilang waitress sa isang fast food chain ay nakaipon naman ako pero nung nagtagal at nag karuon ng pagbabago sa nag mamanage sa amin ay natanggal rin ako sa trabaho dahil may nag reklamong babae na inaakit ko raw yung Boyfriend niya na may katandaan na kahit yung boyfriend naman talaga neto ang nambastos sa akin. Wala naman akong magawa kahit ilang paliwanag, at pag mamakaawa ko sa Boss ko ay mas-ma-pera naman ang babae.
Kaya umalis nalang ako sa trabaho. Namasukan rin ako bilang Saleslady sa isang shoe store nung panahon na iyon wala namang naging poblema pero masyadong mababa ang sweldo ko kaya nag double job ako, pumasok ako bilang janitress sa isang kindergarten school malapit dito sa amin. Sa umaga ay Nag ja-janitress ako at pagdating naman ng hapon hanggang 10 ng gabi ay Saleslady ako.
Pag kauwi ko ay mag-babasa ako ng mga libro sa medisina para kahit papaano ay May maidagdag sa kaalaman ko.
Tapos isang araw ay nag-close na lang ang Shoe store na pinag-tra-trabahunan ko. Ang trabaho ko naman sa School ay nabawasan ng tatlong araw kaya kulang rin sa amin ng kapatid ko.
Kaya nag hanap ako ng trabaho at sakto naman ay ini-rekumendo naman ni Ma'am Garcia ang AXEL Corporation. Buti nalang ay hindi masyadong strikto ang requirements sa pag-pasok bilang Sekretarya neto, kaya nga lang masungit naman ng boss. Pero okay lang hindi naman ito ka-masungit kagaya ng una niyang impresyon dito.
"Nga pala Kate may pupuntahan ako mamaya ha? Baka magabihan ako." Sambit ko ng maalala ang usapan namin ng Amo.
"Sige po ate, Text nalang po kayo kung anong oras kayo uuwi para po mabuksan ko ang pinto." Sambit neto habang nag huhugas.
"Sige, Ma-liligo lang ako." Sabi ko at pumunta na sa kwarto para kunin ang damit at twalya.
Habang naliligo ay napalingon ako sa may kalakihang sa lamin sa may pintuan at napatitig sa pilat na nasa tyan.
"Isang taon na pala mula ng mangyari iyon." Sabi ko habang nagiging emosyonal.
Ilang beses siyang huminga ng malilim para pakalmahin ang sarili.
Nang kumalma ay pinag patuloy ko na ang pagligo. Ilang minuto lang ay natapos na rin ako at lumabas. Pagkalabas ko ay wala na sa kusina si Kate, kaya dumeretso na ako sa kwarto ko.
Hindi naman iyon kalakihan. Isang kama na kahoy na gawa ng Itay at Isang hindi naman kalakihang plastik na kabinet. Meron ding salamin sa may tabi ng bintana.
Bagkatapos kung magbihis ay saktong may tumatawag sa akin.
"H-Hello? Sino ito?" Sagot ko sa tawag.
"This is Axel Miller." baritone na boses na sagot neto.
"S-Sir kayo po pala. Napatawag po kayo?" Kinakabahang tanong ko.
"Malapit na ako sa bahay ninyo, lumabas ka na at ayaw ko ang nag hihintay." Sabi neto at binabaan siya ng Tawag.
Nagmadali na akong nag suklay at pinuntahan si Kate sa kwarto neto.
Na abutan ko itong nag babasa ng libro. "Kate punta na ako, huwag kang mag papa-pasok ng kunsino ha?"
"Sige po ate, Ingat po" Ngiti netong sabi na tinanguan ko at pumunta na.
Lumabas na ako sa maliit naming gate na abot hanggang bewang lang.
Tumayo ako sa tapat neto at hinintay ang Boss.
Habang nag hihintay ay inaayos ko ang hinahangin kung buhok na hindi pa gaanong tuyo.
Nag suot lang ako ng Skinny Jeans at White Long sleeves Tee na regalo sa akin ng Tita ko.
Napaayos ako ng tayo ng may bumusina sa gilid ko.
Nakita ko ang itim na Audi R8. Nakakakita na ako ng mga ganito sa mga kaibigan ko at kaklase sa Medicine.
Lumapit ako duon ng bumaba ang bintana ng sasakyan at nakita ko duon ang Boss ko.
"Get in" sabi neto kay dali-dali akong kumilos para buksan ang pinto at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Kaagad kong inabot ang seatbelt at napalingon ako sa kaniya ng tulongan niya ako ng mahirapan ako duon.
Siya na mismo ang nag suot nuon sa akin.
Ang lapit neto sa kaniya na naamoy niya ito at sobrang bango neto. Gusto niyang ilapit pa lalo ang Ilong sa lalaki pero pinigilan niya ang sarili.
'Lintek! Ali! Mag hunos dili ka. Boss mo yan, at saka napaka layo ng istado niyo sa buhay.' Pananaway niya sa sarili.
Totoo naman kasi. Sobrang layo ng agwat nila, Mayaman eto at mahirap lang siya. Atsaka nunka kung magkagusto ito sa kaniya.
Napaka-imposible nun. Sobrang imposible.