"Mabuhay.Oo ang ulan!" sabi pa ni Joseph na nagpatigil sa ngiti ni Meenah. "Umulan ba?" sabay tingin sa labas. "Hindi, ano ka ba, apoy yan! Hindi ulan..." sinapak naman siya ni Meenah sa balikat. "Bahala nga kayo dyan! Sige babye..." at kumaway pa siya palabas. "Saan ka pupunta?" tanong ni Joseph habang ako nakatayo lang at tinitignan si Meenah, magkatabi lang kasi kami ni joseph. "Uuwi na ako! Hinahanap na ako ng pinakamamahal kong fiance! Bye.." at may sasakyang huminto sa harap niya saka pinayungan siya ng bodyguard papunta sa kotse at sumakay na siya. Bigla namang nag beep ang phone ko kaya agad na tinignan ko. Hi daisy, it's me Meenah, saMEENAH MEENAH EH EH! Joke okey by the way, enjoy your date! Alam kong naisip mong fiance ko si Joseph pa intense kasi akong magsalita, hindi ak

