I'm inlove with you.. I'm inlove with you.. I'm inlove with you.. "Okey lang kahit wala kang sagot ngayon Maghihintay ako." Yun na ang sinabi niya at natulog na ako. Wag kang mag-aalala Joseph, sasabihin ko rin sayo ang nararamdaman ko. Kinaumagahan maaga akong nagising mga ala singko pa siguro ng umaga, gusto kong umagang pumunta sa opisina. "Alis na ako nay, pakisabi kay Joseph don na lang kami magkita.." nakangiting tumango si nanay at lumabas na ako. Pagdating sa Opisina, kadarating palang ng ibang employee. "Goodmorning ma'am" bati ng guard sakin. "Goodmorning din manong guard, have a nice day.." at tuluyan na akong pumasok, pagpasok sa elevator binati ko pa ang mga kapwa ko workers at ganon din sila. Pagdating ko sa floor ng opisina, nakita ko si Lucas na nakaupo sa visito

