Tinuloy ni Ninay ang pag uwe niya sa kanila dahil nasasaktan talaga siya sa nangyari at hindi niya pa kaya makita si Trino. Masayang sinalubong si Ninay ng kanyang mga Kapatid at ng kanyang Tiya. Samantala si Trino hindi mapakali dahil iniisip niya si Ninay dahil baka hindi na ito bumalik. " Trino kanina kapa palakad-lakad ako'y nahihilo na sayo" Napapaisip na sabi ni Lola Meldrid. " Iniisip ko lang po si Ninay" Malungkot na sagot ni Trino at hinawakan ni Lola Meldrid ang kamay niya. " Alam Kong may pinag awayan na naman kayong dalawa pero h'wag mo hayaan na tuluyan lumayo ang loob ng asawa mo Trino, bakit hindi mo puntahan si Ninay sa kanila at suyuin mo siya." Seryosong payo ni Lola Meldrid at napaisip si Trino. " Salamat Lola the best ka talaga." Natutuwang sabi ni Trino at nagmad

