CHAPTER THREE

1052 Words
NINAY Nagtungo ako sa tahanan ni Don Rodolfo nagulat nga ako na may sampong kasambahay ang bumungad sa akin at yumuko nang makapasok na ako sa loob ng mala palasyong tahanan ni Don Rodolfo. " Nandito kana pala Ninay naghanda kami ng makakain para sayo, Tara na at malapit na rin dumating ang anak ko" Natutuwang bungad sa akin ni Don Rodolfo. Naiilang ako kasi nakita ko yung asawa at ang Ina ni Don Rodolfo at mas lalong nangatog ang mga tuhod ko nang tignan nila ako mula ulo hanggang paa. Nang maka upo nga ako tinanong agad ako ng Ina ni Don Rodolfo. " Ikaw pala ang mapapangasawa ng aking apo na si Trino. Berhin kapa ba" Darityahang tanong sa akin ng Ina ni Don Rodolfo. " Huh?" Sambit ko at nagulat ako sa tanong niyang iyon. " Sabi ko Virgin kapa ba?" Tanong ulit ng Ina ni Don Rodolfo na si Lola ni Meldrid " Ahhhm- Opo Virgin pa po ako" Nahihiya ko pang sagot. " Maganda kung sa ganoon kaya kailangan madaliin na ang kasal niyo" Nakangiting sabi nito. Ilan sandali pa narinig Kong sinabi ng Butler nila na dumating na ang anak nila na naka takdang ipakasal sa akin. " Mabuti naman at dumating kana din" Seryosong pagkakasabi ni Don Rodolfo at nagulat ako ng umupo na ito sa harapan ko. " I-ikaw?" Nagulat Kong reaksyon ng makita siya at ganoon din ang naging reaksyon nito ng makita ako. " Teka, Ikaw yung babae kanina" Gulat na saad ng anak ni Don Rodolfo " Magka Kilala na kayo" Tanong ng asawa ni Don Rodolfo. " Siya ang babaeng naka takdang ipakasal namin sa'yo kaya maging magalang ka sa kanya, Siya si Ninay anak ng matalik Kong kaibigan " Pag papakilala sa akin ni Don Rodolfo " Ano? Ang babaeng yan ang ipapakasal niyo sa akin? Papa naman" Naiinis na sabi ni Trino at hiyang- hiyang ako sa kanila. " Manahimik ka, Kung ayaw mo ng desisyon ko ngayon palang umalis kana at lahat ng mayroon ka ay kukunin ko" Pananakot ni Don Rodolfo at tumingin ng masama sa akin si Trino. Habang kumakain kami ng pamilya ni Don Rodolfo bigla akong tinanong ng Asawa ni Don Rodolfo na si Madam Lolita. " Ninay nagka boyfriend kana ba?" Tanong sa akin ni Madam Lolita at napansin kong napangisi si Trino. " Hindi pa po ako nagkaka boyfriend" Sagot ko at tumigil ako sa pagkain. " Halata naman hindi kapa nagkaka boyfriend, tignan mo nga sarili mo." Pang iinsulto sa akin ni Trino at nabubusit na talaga ako sa ugali niya. Maganda naman ako kaya bakit ganoon siya makalait sa akin. Pagkatapos nga namin kumain sinabi ni Don Rodolfo maari akong mamasyal sa loob ng kanilang tahanan upang maging pamilyar ako sa bawat sulok nito dahil doon kami titira ni Trino pagkatapos ng kasal namin. " Ihanda mo ang sarili mo" Saad ni Trino at napalingon ako sa kanya. Naglalakad kasi ako sa hallway ng mala palasyong nilang tahanan. " Ano ba akala mo na ginusto ko maikasal sayo, Wala din naman ako ibang choice kundi pakasalan ang tulad mo" Naiinis kong sabi at unti- unting lumapit sa akin si Trino hanggang sa mapasandal na lang ako sa wall at sinimulan niya ng ikulong ako sa mga braso niya " Alam mo ba na marami na Kong naka s*x na babae at lahat sila napapa ligaya ko, kaya siguro ginusto mo din maikasal sa akin Kasi nga gusto mo din ng romansa ko Kaso hindi kita type." Seryosong pagkakasabi ni Trino at napabuntong hininga na lamang ako. " Hindi din naman kita type. Ayuko sa mga lalaking tulad mo kaya tigilan mo na ang kaka insulto sa akin" Pahayag ko at nilapit nito ang mukha niya sa mukha ko at tila hahalikan ako nito kaya napa pikit na lamang ako. Ilan segondo na nga ang naka lipas ngunit hindi ko parin nararamdaman ang mga labi niya kaya binuksan ko mga mata ko at nakita ko na natatawa siya sa naging reaksyon ko sa ginawa niya. " Hahaha- Hindi mo ako type pero nag e-expect ka na hahalikan kita" Natatawang Saad ni Trino at nabubusit talaga ako sa tawa niya. Hiyang- hiya tuloy ako sa nangyari. " Siraulo ka" Nabubusit kong sambit at nagmadali na akong lisanin siya. Tinawag na kami ni Don Rodolfo dahil pag uusapan namin ang tungkol sa kasal namin ni Trino " Sa susunod na linggo na kasal niyo kaya ngayon palang pinaghandaan na namin iyon. Simple lang ang magiging kasal niyo dahil hanggang maari gusto ko maging pribado ang ibang ganap sa buhay natin." Pag anunsyo ni Don Rodolfo at nabigla ako dahil iniisip ko paano na ang pag aaral ko. " Huh? Sa susunod na lingo na po ang kasal namin?" Malungkot kong Tanong " Masyado namam yata mabilis Papa," Pag rereklamo ni Trino." " Huwag kana mag reklamo Trino ako na ang bahala sa mga gagawin." Saad naman ni Don Rodolfo. Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa buhay ko dahil parang kailan lang Nene pa ako ngayon ikakasal na ako. Pagkatapos namin pag usapan ang kasal nagtungo na ako sa ospital kung nasaan ang mama at Kapatid ko. " Kamusta na po si Makmak mama?" Pag aalalang tanong Kay mama. " Tuloy-tuloy naman ang therapy niya ngayon, kamusta na pala ang pag uusap niyo ni Don Rodolfo" Tanong sa akin ni Mama at napansin niya ang pag buntong hininga ko. " Ikakasal na po ako sa susunod na linggo Mama" Malungkot Kong sagot at nagulat ako sa pag hampas ni Mama sa braso ko. " H'wag mo nga ipakita sa akin na pipilitan ka, nangako sa akin si Don Rodolfo na magtatapos ka ng pag aaral mo kapalit ng pagpakakasal mo at lahat tayo makikinabang sa kasal mo kaya pwede ba ayusin mo yang mukha mo" Naiinis na sabi sa akin ni Mama. " Aray naman Ma, Kung alam niyo lang ugali ng taong pakakasalan ko, nakakasuka ang ugali" Nakasimangot Kong sabi at umupo na ko. " Pag na ikasal kana sa kanya magiging secured na ang financial mo ang buhay mo ang buhay natin lahat. Ninay Ikaw na lang maasahan ko kaya umayos ka." Seryosong pagkakasabi ni Mama at tama naman siya magiging maganda ang buhay namin ngunit ang kalayaan ko ang nakasalalay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD