NINAY Pagdating ng breaktime namin agad akong lumabas ng room namin ngunit wala na si Trino " Sino ba hinahanap mo?" Tanong ng mga kaibigan ko. " Ahhm- Wala , Tara kain tayo" Pagyaya ko sa mga kaibigan ko at nagtungo na kami sa cafeteria. Pagdating nga namin doon bumungad sa amin ang mga school mate namin na nagkaka gulo at lahat naka pila sa pagkain. " Anong mayroon dito?" Tanong ni Sabel sa school mate namin. " Yung gwapong guy na yun sagot niya daw lahat ng kakainin ng mga studyante dito." Sagot ng school mate namin at tinuro nito ang Isang lalaking nakatalikod. Parang bibigay ang mga hita ko ng humarap ito sa akin dahil si Trino ang lalaking iyon. " Teka Ninay diba siya yung tauhaan ng mama sa palengke?" Tanong ni Briana at nakita ko na papunta na sa amin si Trino. Hindi ko na

