Hazel Aleriya POV "What deal?" Pag-uulit kong sinabi sa kanya. Lumayo siya sa akin kaya humarap ako sa kanya. Bahagya niyang ginulo ang buhok bago titigan ako ng mariin. Napaiwas ako ng tingin at napapalunok. Nakakainis! Why do he need to be this handsome. Nakakawala naman ng huwisyo ang mukha niya. Nakakairita! Bakit ba ganito na lang palagi! "A-ano na?" "Just live here for one month...." Napakunot ang noo ko at sinalubong ang mariin niyang pagkakatitig sa akin. "At bakit naman ako papayag diyan? Anong makukuha ko? Pera? No need, kaya kong kitain iyan." "No! Not money... your freedom..." Lalong nagsalubong ang kilay ako. Ano ang sinasabi niya? Freedom? Nababaliw na ba siya? I have my freedom! Did i? Bahagya akong napatawa sa kanya at kalaunan ay nagseryuso. "Anong sinasabi

